Aiah's POV.
Since Mikha confessed to me na gusto niya si Ken, parang everything has changed. Ken is always busy with her phone kahit magkasama kami, even Mikha. Kung dati mahiyain ang kilala naming Mikha, puro tawa at kwentuhan sila ni Ken. Like, hello! We're still here.
"Akala ko ba si Mikha at Aiah? Eh bakit may Mikha at Kennedy din?" Tanong ni Colet habang nakatingin kami sa kanilang dalawa. Ken as being a gentlewoman, tinulungan niya si Mikha kumuha ng foods namin.
"Mali ata ang Love Triangle na alam ko. Akala ko ikaw ang pag-aagawan, mali pala. Si Kennedy pala ang pag-aagawan ninyo." Sabi naman ni Maloi na kina-ikot ng akong mga mata.
"Pero team MiKen ako." Tumingin kami kay Jho. "Bakit? Maganda naman si Mikha, bagay silang dalawa. Look at them, parang mag-girlfriends talaga sila."
"Ano ka ba? Mas bagay kami ni Kennedy. StaKen, diba? Bagay pakinggan!" Sagot din ni Stacey na mas lalo kinairita ko.
"Anong StaKen? Sakit sa ulo mo! Tumigil ka nga. Hindi kayo bagay ni Kennedy." Irap sa kanya ni Colet.
"Wala ka man lang sasabihin?" Tanong ni Gwen sa akin na nagtingin silang lahat sa akin.
"Ano naman sasabihin ko?" I asked them back.
"Diba crush mo si Ate Ken?"
"First of all, wala akong sinabing crush ko si Ken. Atsaka ano meron naman sa akin if Mikha likes her? I'm not Ken's girlfriend or something." Sinungitan ko sila at umiwas ng tingin.
"Ang sungit ni First Lady."
"Hindi iyan sungit, selos yan."
"I'm not jealous!" Inis kong sabi sa kanila.
"Here's the food, guys." Buti hindi naabutan nila Mikha at Ken na sila ang topic namin. Binigay sa amin ni Ken ang mga food namin. Also tinulungan pa niya si Mikha para makaupo sa tabi niya. While Ken is sitting next to me.
I can see my other friends are busy watching us. "Psst, Mikha! Ikaw, grabe ka na maka-hawak sa braso ni Ken. Girlfriend mo?" Asar nila kay Mikha pero busy akong paglaruan ang aking pagkain.
"H-Hindi ah. It's just her arms are firm and ripped." Sagot ni Mikha na kina-make face ko na lang.
"Tignan mo yung isa oh, asar talo." Nagtawanan sila na asarin ako.
"Okay ka lang Miss Maraiah?" Tanong ni Ken na gusto kong iwasan naman. Naiinis ako, ewan ko kung bakit!
"Sino ba pumili nitong pagkain na ito? Ayaw ko nito." Iyon na lang ang sabi ko kay Ken.
"Ay! Sorry, si Mikha kase pumili. Gusto mo palit tayo? Isang subo pa lang naman nasusubo ko sa food ko." Did she say Mikha? Walang Miss Mikha? Tapos ako Miss Maraiah lang?!
"I thought you like fried chicken, Aiah? Kuha na lang kami ni Ken ng bago mong food." Sabi naman ni Mikha sa akin.
"No, ako na Miks. Mahaba na rin ang pila. You stay here at--" Nagulat sila ng padabog akong umalis sa kinauupuan ko. I can even hear them calling me. Bahala kayo diyan! Mga bwiset!
Naglakad lang ako ng lakad even though hindi ko alam saan ako pupunta. Hanggang sa may humatak sa akin. Nakatingala akong tumingin sa kanya. "What?" I asked her. Naghahabol pa siya ng hininga niya. Parang hinabol pa niya ako. Deserve mo iyan. Hindi ko naman sinabi na habulin mo ko.
"Sorry na kung iyon ang inorder ni Mikha. I'll treat you sa iba na lang." Sabi ni Ken sa akin.
"No. Wala akong gana kumain." I crossed my arms at iniwasan siya.
BINABASA MO ANG
The Red Sparrow's Darling (BINI_AIAH) **ON HOLD**
FanfictionA GxG Story Summary: Maraiah Queen Arceta is a famous student at University Dela Villa, not because she is popular or an IT girl, but because she is the new president's daughter. Aiah doesn't like to have bodyguards following her around, especiall...