Chapter 15: She Loves Her

261 22 0
                                    

Aiah's POV.

2 Days After

Out of bed na si dad at nagsisimula na siya mag-therapy for some purposes. The investigation is still going and naka red alert ang lahat para sa protection and safety ng presidente and his family. 2 days na rin ako dito sa bahay lang. I tried to ignore and avoid everyone except to my mom. Siya lagi nagdadala ng pagkain ko dito sa kwarto. I don't want to join and makita muna sila dad for a while. I need to heal and understand everything sa mga ginawa niya sa akin.

"How are you?" Tanong ng mga kaibigan ko sa video call namin. They're at school and break time nila for sure. They've been worried sick about me and my family.

"Still the same." Sagot ko ng malamya.

"Kung pwede lang kami pumunta diyan para damayan ka pero hindi pwede eh." Sabi naman sa akin ni Jho.

"It's okay, girls. For safety ninyo rin, ayaw ko kayo madamay din." Sagot ko sa kanila.

"Nakikita mo pa rin ba iyang kupal mong bodyguard?" Inis na tanong sa akin ni Colet na sinaway naman siya ni Maloi. They know it already about Kennedy since nahuli ni Mikha si Ken noong araw nalaman ko ding personal bodyguard ko siya. "Bakit? Eh totoo naman diba? Kupal, manloloko, at higit sa lahat sinungaling siya." Sagot ni Colet sa amin.

"Concern lang kami, Aiah. Dahil aside na crush mo siya, mahal mo na rin siya." Sabi ni Maloi sa akin.

"Guys, we heard Ken's reason naman. She's protecting our friend." Comment naman ni Mikha.

Binatukan naman siya ni Colet, "Ikaw, nalaman mo na pala na linoloko tayo, tinago mo pa sa amin."

"I was about to tell it to you guys, pinipigilan lang niya ako." Mikha answered Colet.

"Tama na guys. Wag na muna natin siya pag-usapan. Damayin lang muna natin si Ate Aiah kahit virtual lang muna." Sita ni Gwen sa aming kaibigan. 

"Ate Aiah, miss na namin ikaw sobra. If may need ka, nandito lang kami para tulungan ka. Kahit isang milyon na pesos, kaya ko ibigay." Sabi naman ni Sheena sa akin.

"Wow! Akala mo ang daming pera." Asar ni Staku.

"Mangungutang ako sayo Staku."

"Guys. I'm okay, maka-usap at makita kong okay lang kayo, I'm all good na." I assured to them at nag smile lang kami sa isa't isa.

Narinig kong nagbell na duon sa call and it's time for them to end the call. Sinarado ko na ang phone ko at nagdecide na mag-gym na lang ulit. Nagsuot na ako ng gym attire at papunta na sa gym pero nakita ko si dad.

"Aiah... can we talk?" Pilit niya muli. Huminga na lang ako ng malalim at tahimik tumango. Sumunod naman ako sa kanya papuntang library.

"I know you're still mad at me. But again, iyon lang ang rason ko para protektahan ka. Gusto ko man sabihin pero si Agent Salvador ang pumipilit sa akin na huwag namin sabihin. Dahil alam niyang tututol ka." Panimula ni daddy.

"She knows naman pala eh, but yet you considered it." Sagot ko sa kanya. I can see he is guilty sa mga ginawa niya kaya natahimik siya.

"Dad, I know you love me so much kaya binigyan mo ko ng bodyguard. But don't you think bakit ayaw ko ng bodyguard? Nawawalan ako ng independence simula maging president ka po, mas nawalan ako ng freedom para magdecide at gawin ang gusto ko. At first, people don't know me na anak ako ng pangulo ng Pilipinas but since you gave me these people, everyone is chasing me. Kaya ko naman protektahan ko dad, I'm not a child anymore." Explain ko sa kanya.

"I can't do my part para maging protective father mo, kaya nag hire ako ng bodyguard, Aiah. But yes, maybe I underestimate you. You're my daughter, and I love you so much. I don't know what to do if you, your mother, and your brother are gone. Dahil kulang ako sa protection." Naiiyak na sabi niya sa akin.

The Red Sparrow's Darling (BINI_AIAH) **ON HOLD**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon