Kennedy's POV:
"Yung nangyare sa University of Dela Villa... is that a death threat to my daughter?" Tanong ni Pangulong Arceta kay Sir Atienza at tumango naman siya.
Nasa opisina kami ngayon ni Agent Atienza, tatlong araw na nakakalipas after the incident. Ngayon, pinakita na ni Sir Atienza ang mga death threats meron ang First Family sa pangulo.
"What are we gonna do? Ayaw ko muli maulit yung nangyare sa anak ko, Robert. Bakit hindi ninyo agad ito sinabi sa akin?" Tanong ng presidente muli.
"Mr. President, we just want you to focus on your business trip and meeting sa Amerika." Rason naman ni Vice President Santos.
"This is my family. Iniwan ko ang anak ko dito ng hindi ko alam na may gusto pa lang pumatay sa akin. Na-damay tuloy ang anak ko. Why are you all hiding this behind my back?" Inis na sabi ng pangulo. He has the right para magalit dahil anak niya ang muntikan ng masaktan.
Nakarinig naman ako ng katok sa pintuan kaya pina-tigil ko muna sila para hindi lumabas ang balita. I opened the door at si Agent Kevin ito. "Sorry po, Mr. President. May naghahanap lang po kay Captain Salvador."
"We're in the middle of the meeting, Agent Bautista." Sita sa kanya ng aming boss.
"Asawa po ni Agent Karlos ang naghahanap sa kanya." Lumaki ang mata ko ng malaman ko kung sino iyon. I looked at Agent Atienza at pinayagan na lang ako.
Lumabas ako nakita ko na naman ang asawa ni Agent Karlos. "Ken, anak." Sabi niya at yinakap ako. Hindi ko ito tinugon.
"Ano kailangan mo?" I asked her coldly.
"N-Nakita kita sa news tungkol sa school shooting. Nag-alala lang ako. Ayaw ko ikaw magaya kay Karl." Sabi naman niya saakin na napapaluha pa.
"Ate Lea, hinding hindi ako magagaya sa asawa mo. Alam ko paano alagaan at ipagtangol ang sarili ko." I answered her.
"Ken naman. Mama na ang itawag mo sa akin."
"Hindi. Hindi ikaw yung nanay na nagpa-laki sa akin, nagluwal ka lang sa akin. At kung pwede, huwag ka na po mag-alala sa akin. Malaki na ako, kaya ko na ang sarili ko. And no thanks to you." Giniit ko sa kanya at umalis na pero yinakap niya ako bigla.
"Please, anak. Ayaw ko din ikaw mawala. Umuwi ka na sa akin. Delikado ang trabaho ninyo ni Karl, ayaw kong sumunod ka rin sa kanya." Pag-iiyak niya sa akin.
Tinanggal ko ang kanga mga kamay sa akin at hinarap siya ulit, "Sana ginawa mo po iyan pagkatapos ninyo ako lokohin. Akala ko ba mahal mo ko? Eh bakit iyon ang ginawa mo? Ginawa ninyo po akong tanga. Pero okay lang, dahil sa inyo, natuto ako mag-mahal ng sarili lamang. Huwag ka na babalik ulit dito." Sabi ko sa kanya at iniwan na lang siya sa gate.
Malaki ang problema ko ngayon, at ayaw kong dumagdag pa iyong walang kwenta kong ina. I don't need her. 20 years na niya ako iniwan, kaya wala siyang karapatan para kunin ako na parang wala man nangyare.
--+--
Aiah's POV.
Pinayagan ako ni daddy na bumisita ang mga kaibigan ko dito sa Malacañang. Kaya ngayon, nag-aayos ako ng kwarto at nagpakuha na rin ng spare air beds para lahat kami magkakasama matulog dito. Sleepover!
Narinig ko naman may nag-knock sa pintuan kaya agad ako dumiretso duon. "Surprise!" sigaw ng mga kaibigan ko. Akala ko mga maids, sila lang pala.
We hugged each other and na-miss ko rin sila ng sobra. "Na-miss ko kayo mga bunso!" Sabi ko at napapa-luha na rin ako.
"Si Ate Aiah umiiyak na." Sabi ni Sheena na nadadamay na rin sa pag-iyak ko. Yinakap ko na lang siya.
"Ayos ka lang, Aiah?" Tanong naman ni Colet sa akin. Yes. Okay ako kasi nakita ko ulit kayo. I nodded and I hugged them one by the one.
BINABASA MO ANG
The Red Sparrow's Darling (BINI_AIAH) **ON HOLD**
FanficA GxG Story Summary: Maraiah Queen Arceta is a famous student at University Dela Villa, not because she is popular or an IT girl, but because she is the new president's daughter. Aiah doesn't like to have bodyguards following her around, especiall...