CHAPTER 24

157 4 1
                                    

RAPHAEL

Three weeks ago since I told him to stop courting me at sa isang lingong yun ay nag focus lang ako sa study ko, madalang din akong makipag practice ng basketball at baka makita ko lang siya.

Hindi ko alam kong talagang naiiwasan ko siya o umiiwas din ito sa akin kaya hindi ko siya nakikita.

"Dude let's watch the event." Wika ni James.

"Geh boring dito sa room wala naman tayong ginagawa." I said at tumayo ako para ayusin ang upuan at kunin ang bag ko.

"Ah may pupuntahan ako ngayon kikitain ko si Raiden." Sinuot nito ang kanyang bag.

"Dude may attendance tayo." Sigaw ni James.

"Ikaw na bahala mag excuse, kaya niyo na yan." Sigaw nito pabalik naka labas na ito ng room.

"Palagi niyang kasama yung Raiden lately, kahit noong umuwi tayo galing Batangas sila ang mag kasama the whole week." Sabi ni James.

"Paano mo nalaman?"

"Sa story ni Kian by the way   si Mark nasa gym na let's go." Sabi nito.

At pumunta na kami ni James, foundation day ng school ngayon kaya walang class ng dalawang araw which is kahapon Thursday at ngayon ang last day. Ibat ibang contest ang event sa school, kahapon ay may talent show, ngayon naman ay pageant.

Pag dating namin sa gym ay madaming tao, talagang inaabangan nila ito madaming nga banners ang makikita sa paligid. Kumaway sa amin si Mark nasa bandang gitna siya ng mga upuan kaya pumunta kami sa kinaroroonan niya buti na lang at nag reserve ito para sa amin.

"Ang tagal niyo nakipag away pa ako para sa mga upuan niyong yan." Reklamo ni Mark.

"Ayos lang yan dude, ang angas mo sa part na yun." Sabi ni James at tinatapik-tapik niya ang balikat nito.

"While the candidates are preparing for the next segment, syempre ay may special number ulit tayo. Please give him a round of applause the S.S.L.G PRESIDENT Mr. Gael Ian G. Ventura." Ang sabi ng emcee, agad namang nag sigawan lahat ng tao.

Playing: Tila tala by: syd hartha

"Kapag nahulog na tuluyan ang aking damdamin
Nariyan ka ba para ako'y saluhin mukhang malabo
Mukhang sa panaginip ko lamang posible ito
Bakit ganito
Sa lahat ng tao ikaw pa ang napiling isigaw ng puso
Sino ba naman ako para piliin mo"

Pumikit ito at dinama ang pag kanta. Ang lamig ng boses niya, bawat salita na binibitawan niya ay may sakit.

"Grabe si press, may hugot ata sa lovelife." Rinig kong sabi ni James.

"Wag kang maingay dude." Sita naman ni Mark.

"Tila tala sa kalangitan
Kaakit-akit subalit ako'y hanggang tingin lang
Kahit anong pilit na ika'y abutin
Hindi ka kailanman magiging para sa akin
Kahit anong pilit di ka mapapasaakin"

Nakatingin lang ako sa harapan, ang umpisang mag laho lahat ng tao sa paligid. Dumako ang tingin nito sa akin. Ang kanyang mga mata ay parang nangungusap, may gustong sabihin ang mga ito, nag umpisang kuminang ang kanyang mga mata, naluluha ba siya?

"Pilit na kinukubli nararamdaman
Tumitigil ang paligid tuwing ika'y nariyan at sa iyong paglapit
Natataranta ako'y natotorete ngunit
Huwag mo naman akong tingnan nang ganyan
Hinay-hinay lang mahina ang kalaban hindi madaling
Mapaibig sa katulad mo
Bakit ganito
Sa lahat ng tao ikaw pa ang napiling isigaw ng puso
Sino ba naman ako para piliin mo"

Gusto kong alisin ang tingin ko sa kanyang ngunit hinahatak ako ng kanyang mga mata, walang gustong bumitaw sa titig na iyon, para kaming nag lalaban at kung sino ang unang bumitaw sa pag kakatitig at siyang sumuko.

Reason between that GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon