RAPHAEL
It's Monday and today was our first game, 10:00 a.m is the start, andito kami sa likod ng gymnasium at nanonood ng last game ng volleyball bali 6:00 a.m to 10:00 a.m ang volleyball while basketball is 10:00 a.m to 2:00 depende kung kailan matatapos, 4 teams ang mag lalaro bawat sports. Puno ang gymnasium ng mga students, meron mga students from different schools to support their teams. Ang nag lalaro ngayon ay ang aming team sa volleyball at nasa 4th set na ang laro lamang ng isang set ang aming school so they need to win the 4th set para manalo.
Gumawa ng ingay ang mga tao sa loob matapos maka score ni Gael sa pamamagitan ng running attack, they're in set point na 24-23, ang iba ay nag sisigawan ng pangalan ni Gael may banner pa ang iba at naka tarpaulin ito, may mga cuts letters ng name niya na sa tuwing siya ay makaka score ay tinataas ito.
Natapos ang laro ng 9:47 a.m syempre ang nakakuha ng POG ay si Gael with the 12 attack, 5 block and 2 ace. Ang final score sa last set ay 28-26 ang intense ng laban na yun, buti na lang ay nakuha nila kundi ay mag kakaroon ng 5th set mas matatagalan bago mas start ang aming laro.
After ng volleyball ay nag umpisa na silang mag ayos para naman sa basketball, dumaan sa amin ang mga volleyball player binati namin sila.
"Congrats pre."
"Yow angas mo talaga Pres, idol."
"Congratulations POG."
Ilan lamang sa mga bati ng aking teammates.
Napatingin sa akin sa Gael there's no reaction on his face, I have no choice but to greet him baka isipin niya malungkot ako kasi nanalo ang school namin.
"Congrats ang gagaling ng mga teammates mo." Ngumisi ako sa kanya.
"Did you watch the game? Player of the game." He wink at me, biglang ang slow mo ang nga kilos niya, he brushed his hair using his hands mas kita tuloy ang mga mata niyang singkit, maganda ito lalo't hindi ito naka suot ng salamin.
"Bading." Ang sabi nito na agad akong nabalik sa kasalukuyan.
"What did you say?" Ang sabi ko na akala mo naman ay hindi ko narinig.
"Nothing, good luck to your game." Umalis ito kasunod ng nga iba niyang teammates.
"Dude hindi mo sinabi close na pala kayo ni pres." Ani ni James.
"Tsk anong close ka dyan never ko yun makakaclose at ayoko din kung gustohin man niya sino ba siya?" Maangas kong sabi.
"Siya lang naman ang President of our school, with highest honor, famous, athlete at pogi. Nako kung babae lang din talaga ako dude baka nag kagusto ako sa kanya." Ani mo'y iniisip nito ang mga sinabi niya.
"Tsk wala yang palag sa akin, kung di lang siguro yan president ng school baka matag... Joke lang dude baka mabash pa ako ng mga fans niya." Hindi ko na tinuloy ang sasabi since madaming tao baka nga marinig nila sabihin ko.
The screams of the people were deafening when the game started, our opponent's school had a chant for their support, of course our school will not lose either, they chanted at the same time and we also had banners. I saw Allison watching our game, I liked her even more, she's so beautiful, her hair was in a high ponytail and she was wearing a green skirt and white crop top representing our school since that is our color code.
Nag umpisa ang aming game sa first quarter ay lamang ang kalaban 20-25, pero madali lang itong habulin since five points lang naman lamang nila, lumamang kami during second quarter at nag tuloy-tuloy pa ito.
10 seconds na lang ang remaining time and kahit maka score sila ay lamang padin kami at sure na panalo na this game, mabilis na naagaw ni James ang bola at pinasa ito sa akin 3 seconds na lang at hindi ko na kayang i-shoot ito sa malapitan kaya tinira ko na ito sa malayo.