Rabbit
"I heard you're getting a new project, Era!" Desmond handed me a bottled water. I took it from him and immediately chugged it down to quench my thirst.
We are currently on a break from practicing a dance performance. At my age which is 28, actresses are open for sexy and mature performance. But since I was focused on acting, wala akong gaanong appeal pagdating sa pagsayaw.
Hindi ako makasayaw nang hindi lasing. Ayoko namang uminom muna bago magperform, machichismis ako.
Nasama tuloy ako sa performance ng mga love team. Medyo napi-pressure ako sa mga kasabayan ko dahil kilala silang loveteams.
Hindi pa naman maganda ang simula namin kanina. May usap-usapan kasing binayaran ng agency and performance na 'to para lang maka-partner ko si Desmond.
Ayoko tuloy magbukas ng kahit anong social media dahil nagmumukha akong mang-aagaw. Last month, I didn't mind all those hateful comments from his fans since I was also benefitting from it. Mas dumami ang offer sa'king shows and advertisement.
However, since I have children to take care at home, ayokong may mapanood silang hindi magandang issue tungkol sa'kin. Na-uuso pa man din ang mga one-on-one interview sa mga heartbroken na artista.
"Meron akong new project pero mas una ka pang nakaalam?" Tanong ko pagkatapos uminom.
"Patapos na kontrata mo sa agency, 'di ba?" Inabutan niya 'ko ng tissue at tinuro ang pawis ko sa noo.
"Ano namang koneksyon niyan sa pagkakaro'n ng new project?" Nagtataka kong tanong habang nagpupunas ng pawis.
"Oo nga pala. 2 yrs. ka pa lang niyan sa showbiz." Umupo siya sa tabi ko. "Kapag malapit na mag-expire ang contract mo. Maraming agency ang lalapit sayo. Papangakuan ka ng mas mataas na sahod, mas maraming opportunity, good treatment, and etc. Kaya ang gagawin ang agency mo, bibigyan ka ng new project para mag-renew ka ng contract."
"That may be not in my case. Since the agency knew I don't have a choice but to renew my contract." Saglit siyang natigilan pero maya-maya ay nakuha rin niya ang ibig kong sabihin.
My mother holds me by the neck.
"I thought it's yours. Narinig ko kasi na may big project na pinaghahandaan ang mga agency." Hindi man sabihin ni Desmond, alam kong tinutukoy niya ay baka nag-sponsor ulit doon si Mama para maka-secure ako ng isang magandang role.
Ni hindi nga kami nag-uusap nitong mga nakaraang araw ni Mama. Pinaalalahanan niya lang akong um-attend ng acting workshops.
"Hey! Cheer up! You're my rumored girlfriend, of course they will offer you a good role in that project." Desmond gently pinched my nose. Nakita iyon ng ibang dancers at mga artista na kasama namin kaya agad akong pinamulahan.
"Wala pang performance pero kikiligin na agad ang mga viewers nang dahil sa inyo." Panunukso ng choreographer sa'min.
"Sabi sayaw, hindi landi." Pabirong komento ng ibang back up dancers na tinawanan lang namin.
Nanahimik lang sa tabi ang ibang mga artista. Mukhang hindi pa rin sila kumportableng ako ang kasama ni Desmond at hindi si Eunice, ang ka-love team niya.
After we finished our dance practice, niyaya si Desmond ng ibang artista na magpunta ng mall.
"Hey! You promised to date me, Era. Don't even think of ghosting me." He covered the doorway with his towering body.
"Niyayaya ka nila Jamie mag-mall." I whispered to him, ayoko namang mag-tunog na parang nagpaparinig para isama rin nila ako.
Being left alone doesn't bother me anymore. Ayokong ipagsiksikan ang sarili ko sa mga taong hindi naman ako tatanggapin.
BINABASA MO ANG
These Triplets Aren't Mine
RomanceA rising actress who only got a glimpse of success suddenly found herself in a predicament. A crisis in a form of three small children knocked on the door of her life. The most worrying thing is that they call her... "Mama!" Date Started: June 7, 20...