Coincidence
Bitbit ko ang paper bag na may lamang donuts pauwi. Tumawag kanina si Jonas, tinatanong kung anong oras ako uuwi dahil papatayin na raw siya ng mga bata sa pagod. Nang malaman nilang nasa mall ako ay nagpabili sila ng donut.
Kaninang pumasok kami ay hindi ko na pinansin ang pangalan ng cafe pero nang lumabas kami, napangiwi ako sa pangalan nitong "Rabbit Cafe."
Bago kami umalis kanina ng coffee shop ay hinanap ng mga mata ko si Sixto sa may counter pero wala na siya roon kahit si Dmitri pati ang rabbit.
Naisip ko lang, siguro tapos na duty niya sa cafe at lumipat na sa ibang racket niya si Sixto. Siguro kapag inalok ko siyang mag-babysit ng triplets sa bahay ay baka tanggapin niya.
Malaki yata ang pangangailangan niya.
Magi-isang buwan na rin ang mga bata sa bahay. Nasanay na lang ako na may iba-ibang surpresa kada uuwi ako. Pero ngayon, nakakapagtakang tahimik ang bahay at wala akong marinig na ingay ng nagtatakbuhan at nagsisigawan.
Pumasok ako ng bahay, ngunit walang sumalubong sa'kin. Tinignan ko ang sala pati kusina, wala pa rin silang apat. Umalis ba sila ng bahay?
I was about to call Jonas when I saw all of them sitting on my bed. They didn't notice me standing in front of my room. Hindi ko alam kung dapat ba'kong pumasok o hindi kahit kwarto ko naman 'to dahil magkasalubong ang mga kilay nila habang nakapabilog at seryoso ang mga ekspresyon.
Ano na naman kaya ang kasalanan ng triplets? Hindi naman marunong magalit si Jonas pero bakit ang seryoso yata nila.
"Manager Jojo, saan ang house ni Desmond?" Tanong ni Uno na madilim ang ekspresyon. Napakunot naman ang noo ko. Bakit kilala nila si Desmond?
Oh! He's a superstar na kahit mga batang puro baby dino lang ang pinapanood ay kilala siya.
"Malaki ba house niya?" Tanong ni Dos na magkasalikop ang mga kamay sa kanyang mukha.
"Marami ba guards?" Nagkatinginan sila nang seryoso ni Jonas."It's okay. Kung apat tayong susugod. Si Manager Jojo ang ipapagulpi natin sa guards." Napangiwi si Jonas sa narinig na solusyon mula kay Uno.
"No need. Kasama niyo lang ako, panalo na tayo." Napataas ang mga kilay nila kay Tres na ngingiti-ngiting finlex ang fats niya sa braso.
"Serious dapat, Tres! Hindi pa kami sure kung isasama ka namin." Basag sa kanya ni Dos kaya napasimangot siya at nilislis ulit pababa ang manggas ng suot na shirt para itago ang kanyang 'muscles.'
Si Jonas naman ay walang ganang pinapanood ang tatlo sa kalokohan nila.
"Dapat i-plan natin nang mabuti. Hindi pwedeng maagawan si Papa nung Desmond na 'yun!"
Sabay kaming nagkaroon ng interes ni Jonas sa mga sinasabi ng triplets. Minsan lang kasi nila banggitin ang Papa nila, ayaw din nila magbigay ng kahit anong impormasyon tungkol sa kanila.
"Ano namang magagawa ng papa niyo kung mag-date silang dalawa?" Mapanuksong tanong ni Jonas na ikinairap ko. Dapat ang tinanong niya, bakit hindi ako pwedeng maagaw sa Papa nila? Hindi ko naman siya kilala.
"No choice, Manager Jojo. Aagawin syempre."
"Ipakidnap si Mama."
"Burahin sa mundo si Desmond."
Napaubo-ubo si Jonas sa mga narinig. Pati ako ay napahilot sa may sentido ko dahil sa biglang pagkibot-kibot ng mga ugat ko roon.
Napabuntong hininga na lang ako bago kumatok sa pinto ng sarili kong kwarto. Sabay-sabay silang napatingin sa'kin. Namimilog ang mga mata ng tatlo sa gulat habang si Jonas ay parang hindi nagbago ang ekspresyon, mukhang alam niyang kanina pa'ko nakatayo rito at nakikinig sa meeting nila.
BINABASA MO ANG
These Triplets Aren't Mine
Storie d'amoreA rising actress who only got a glimpse of success suddenly found herself in a predicament. A crisis in a form of three small children knocked on the door of her life. The most worrying thing is that they call her... "Mama!" Date Started: June 7, 20...