Mister
I was able to sleep peacefully last night. Buong akala ko ay hindi ako makakatulog nang maayos dahil sumiksik sa tabi ko si Sixto, pero ilang sandali lang ay nakatulog ako nang mahimbing.
I know that Sixto's not pressuring me to put a label in our relationship, pero lahat ng mga pinapakita niya sa'kin ay hindi mga gawaing pang-magkaibigan lang. We're not even friends in the first place.
I fear that I might be depending on him too much.
Marami pa 'kong dapat malaman tungkol sa kanya. Hindi rin maganda na alam niya kung saan ako nakatira at kayang-kaya niyang pasukin ang pamamahay ko kahit kailan niya gusto.
I don't fantasize those things. If I would give him a chance, I wish to have a decent relationship with him. Ayoko nang maraming tinatago sa isa't isa.
But who am I kidding? I also have a lot of secrets I don't want to share with anyone. So, I couldn't blame him for not telling me anything about him. But I'm sure, time will let us put trust to each other. We just have to wait.
"Wakey! Wakey! Manager Jojo!" Sabay-sabay na dumagan ang tatlong bubwit sa katawan ni Jonas.
Kahit ako ay napadaing kahit hindi naman ako ang nadaganan.This must be trauma.
"U-Utang na loob, Era. Kuhanin mo ang mga anak mo. Papatayin nila 'ko." Namimilipit niyang sabi pero nakayakap naman ang mga braso sa tatlo.
"Gising ka na, Manager Jojo!"
"Pupunta tayo sa Park!"
"Sama ka na!"
The triplets are excited. I promised them that we'll go to the park before I'll get busy again with our taping.
"Kayo na lang! Gagawin niyo lang akong tiga-bili at tiga-bitbit." Yamot niyang tanggi sa tatlo kaya napasimangot ang mga ito sa kanya.
"Mama! Tamad 'yung manager mo!"
"'Wag pasahurin!"
"I-fire! I-fire!"
Isa-isa ko silang binuhat paalis sa katawan ni Jonas para makahinga siya nang maayos.
"Kapag nawala si manager Jojo, sino magtitiis sa kakulitan ninyo?" Napailing-iling na lang ako sa kanila.
"Oo nga! Kung wala ako, sino maghuhugas ng puwet ninyo pagkatapos mag-popo?!" Pang-asar naman ni Jonas na nagkukuskos ng mata. Mukhang proud pa siya na tagahugas siya ng puwet.
"'Wag ka maniwala, Mama!"
"Marunong kami magwash-wash!"
"Basic lang 'yun!"
Napabuntong hininga na lang ako.
Gusto nga nila laging may ka-holding hands sa banyo. Palaging natatakot magbanyo mag-isa kaya papasama pa kay Jonas o kaya sa'kin tapos sasabihin nilang marunong silang mag-hugas ng sarili nila?
Napailing-iling ako.
After we ate breakfast, I bathed the triplets. I couldn't hide my smile as I watched them talk so enthusiastically about our-according to them-'little adventure' at the park.
Since they are always watching Filipino drama, they told me that they'll protect me from all the bad guys at all costs. Iniisip nila na laging may holdaper at snatcher sa park na pagtatangkaan ang buhay ng bida.
Gusto raw nila maging leading man ko kaya ililigtas daw nila ako. Natawa naman ako sa sinabi nila. Sana kung mangyari man 'yon ay hindi nila ako takasan kasama si Jonas.
BINABASA MO ANG
These Triplets Aren't Mine
RomanceA rising actress who only got a glimpse of success suddenly found herself in a predicament. A crisis in a form of three small children knocked on the door of her life. The most worrying thing is that they call her... "Mama!" Date Started: June 7, 20...