Act
"You can act with me like we always do, Mrs. Cura." I can't help but complain. Ayaw kong makipagplastikan kay Sixto at magkunwari na sweet kami sa isa't isa.
"Come on, Era. Sixto assists me in my acting workshops. You don't have to worry, he's professional in acting as a lover." Napataas ang isa kong kilay. What do you mean 'professional in acting as a lover?' Is that even something to be proud of?
Napatingin ako kay Sixto para samaan siya nang tingin, but he's already staring at me. Hindi pa nga nagbibigay ng cue si Mrs. Cura pero umaarte na agad siya na parang in love sa'kin.
She handed out two hard copies of the script. Sixto and I scanned our dialogues. Napairap ako dahil required na laging nakahawak sa'kin si Sixto. It was a scene where the wife announces to her husband about her pregnancy. There's nothing special about it, it's just that they were struggling to conceive a baby. So, they are happy when they learned about this blessing.
Mas maganda sana kung hiwalayan scene na lang ang ia-arte namin, at least makakalibre ako ng sapak at sampal sa kanya.
Mabilis kong nakabisado ang mga linya ko dahil masyado namang cliché ang mga ito at gamit na gamit sa mga ganitong scene sa Telenovela.
"Alright! Have both of you already memorized the script?" Parehas naman kaming tumango ni Sixto sa tanong niya.
"Okay! So, what you have to do is to imagine youselves as each other's spouses. Act as if you're deeply in love. Isipin niyo 'yung gusto niyong happy ending ng buhay niyo kasama ang taong gusto niyong makapiling habangbuhay."
Nagkatinginan kami ni Sixto. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang happy ending na tinutukoy ni Mrs. Cura. Sana kapag nahanap ko na ang happy ending na gusto ko, hindi ko na kailangang magpanggap o umarte na masaya. Gusto ko ng tunay na kaligayahan na hindi ipinilit at hindi kailan man mapapagod.
I don't understand why I'm getting emotional all of a sudden. We haven't even started yet. This is the reason why I don't like this kind of theme in drama. I get too emotional, but my acting skills are not developed enough for me to express fully the feelings of the character I'm portraying.
"Go to the stage." Sixto let me climb to the stage first, then he followed me. "Act whenever you're ready." Mrs. Cura is seated in front row, waiting for us to begin.
Napahinga ako nang malalim. Ramdam ko ang malamig na pawis sa mga palad ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako sobrang kinakabahan.
"It's fine. Just act like yourself. That's the wife I want in my happy ending." He whispered gently.
Shit. My heart is pounding like crazy. Nakakahiya baka marinig niya.
Tumalikod ako sa kanya para simulan na ang eksena. Hawak ko ang unused pregnancy test na binigay ni Mrs. Cura para sa scene.
Now, I'm not Erasmin Overo anymore. Ako si Ysabel, isang maunawain at mapagmahal na asawa, may takot at mapagpakumbaba sa Diyos. Buong-pusong humihiling at nagmamakaawang biyayaan ng isang supling na bubuo sa pamilyang kanyang pinangarap at pinangako sa kanyang kabiyak na si Marcus.
Nangangatal ang mga kamay ko habang buong atensyong nakatunghay sa PT na hawak-hawak ko. Kung mabibigo pa rin akong makatanggap ng isang positibong resulta ay hindi na kakayanin ng puso kong harapin si Marcus.
Ang buong akala ko, tapos na lahat ng paghihirap na kailangan naming pagdaanan. Diyos ko, sa lahat ng pagsubok na ibinigay mo sa'ming mag-asawa, ito ang pinakamasakit, nagdurugo at nadudurog ang aking puso sa tuwing nagigising kami sa katotohanang baka hindi na kami magkaanak.
BINABASA MO ANG
These Triplets Aren't Mine
RomanceA rising actress who only got a glimpse of success suddenly found herself in a predicament. A crisis in a form of three small children knocked on the door of her life. The most worrying thing is that they call her... "Mama!" Date Started: June 7, 20...