Chapter 23

1.3K 42 13
                                    

Galaw

I was sitting in front of the mirror full of bulbs and Sixto was standing behind me. Darkness spread over his eyes as he stared at my reflection on the mirror.

"Hindi ako umiiyak, Sixto." Usal ko sa kanya.

"Then why you look so hopeless just now?" He placed his hands on the arm rest of the chair where I'm sitting. Tumingala ako para tignan siya. Nang magtama ang paningin namin ay mabilis pumungay ang mga mata niya sa'kin.

I don't want to admit it, but at the back of my head, I was secretly hoping that he would suddenly appear to stop anyone who's trying to hurt me. Gusto kong umalis habang hawak ang kamay niya, gusto kong aluin niya 'ko pagkatapos niya 'kong itakas.

Maybe he was right. For a moment, I did feel hopeless. Iba talaga kapag pakiramdam mong mag-isa ka. Hindi ako makapaniwalang sa simpleng adlib lang ay magagawa kong kaawaan ang sarili ko.

Walang kislap sa mga luntiang mata ni Sixto. Puno ang mga ito ng lungkot habang nakatitig sa'kin.

"Gusto kong umiyak, Sixto."

"Patatahanin kita, Erasmin."

Dahan-dahang lumabo ang paningin ko. Kahit si Sixto ay hindi ko na makita sa pamumuo ng mga luha sa mata ko. This is ridiculous. To cry in front of someone is exposing your weakness and deepest agony that you don't want other people to see.

Pero isang sabi lang ni Sixto, ubos ang lahat ng lakas ko para pigilan ang sarili kong umiyak.

Niyakap ako ni Sixto mula sa likuran ko. I feel so warm inside his embrace. It's tight yet comforting.

"Y-You made me cry, Sixto." Paos kong sabi. Humihikbi. "Paano ako tatahan nito?" Mas lalo lang akong naiyak nang tinawanan niya 'ko. Naiinis ako. Bakit ba 'ko nagpapauto nang ganito kay Sixto?

"Just think of me. Siguradong sasaya ka." Wala sa sariling sinunod ko ang sinabi niya. Inisip ko siya. Hindi ako tumigil sa pag-iyak pero natawa ako. "Sabi ko sasaya, hindi pagtawanan, rabbit." Matabang niyang puna sa'kin. Puro kasi kalokohan ang naaalala ko kapag iniisip ko siya.

Feeling teenager kasi siya na may crush sa'kin pero scammer at puro landi lang sa work para magpapansin. Wala tuloy akong matinong maisip tungkol sa kanya.

Kumalas siya ng yakap sa'kin.

This is when I noticed that he's holding a first aid kit. He's wearing a shirt which says "Medical Team."

Kanina janitor siya, ngayon medic naman. Natawa ako sa kanya. Sa rami ng racket niya, hindi na talaga ako magugulat kung siya rin ang pangulo ng Pilipinas.

"What are you laughing at? Tingin mo natutuwa ako sa nangyayari, Erasmin?" Ang bilis magbago ng mood niya. Ngayon galit na naman siya. Lukot na lukot ang pagmumukha niya habang padabog na hinihila ang isang upuan palapit sa'kin saka naupo sa tabi ko.

Pagkatapos niya 'kong paiyakin, patahanin, at patawanin, gusto naman niyang siya ang aluin ko. Mukhang galit pa rin siya sa nangyari sa set kanina pero wala naman siyang magawa, he's a janitor. Buking ang pagiging scam niya kapag nakialam siya.

But that's not a problem. I can defend myself. Ayokong masira ang diskarte niya sa buhay.

Hindi rin naman siya makakatulong. Baka matawa lang ako kapag biglang may sumulpot na janitor na naglalampaso sa gitna namin ni Eunice.

Sa rami ng racket niya, janitor pa ang napili niya today. Hindi tuloy siya makaporma kanina.

Napatakip ako ng bibig. Nagpipigil ng ngiti dahil matalim ang mga tingin niya sa'kin.

These Triplets Aren't MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon