Insekto
I checked the door of the guest room I'm in. I made sure that it's completely locked and no one can enter without my permission.
Every 10 minutes I would stare at it to check if it's still locked. Hindi ko maintindihan kung bakit ko 'to ginagawa.
Well, the butler of this house has a bad habit of entering the visitor's room for no good reason.
Wait. Halos isang oras na'kong nakatulala sa pinto. Natawagan na 'ko ni Jonas at lahat. Hindi talaga niya 'ko papasukin sa kwarto? He must have spare keys with him, right?
Dahan-dahan kong tinungo ang pinto at inalis ang pagkaka-lock nito. I waited for couple of minutes in front of the door.
Mahuhuli rin kita Sixto. Siguradong kakagatin mo rin ang pain ko.
Nilalamig na ang mga paa ko. Grabeng effort, hindi ko deserve paghintayin nang ganito.
What's taking him so long? I bit my lower lip in frustration. It's been 5 minutes at hindi pa rin siya nagtatangkang pasukin ang kwarto ko.
Is he with the maid?
I laughed at my own stupidity. Why didn't I realize it sooner? He's not here, because he's having a good time with that maid.
I heard a noise outside my room. Ni-lock ko agad ang pintuan.
Huli na ang lahat. Hindi ka na makakapasok, Sixto. Magsama kayo ng maid mo.
Mas lalong lumakas ang ingay kaya itinapat ko ang aking tainga sa pintuan. Wala naman akong naririnig sa labas.
Kakaiba ang ingay. Mas lalo itong lumakas. Parang mga katok sa babasaging bagay.
When I turned my gaze behind me I saw Sixto in the balcony of the room, knocking on its glass door.
Nang nakita niyang napansin ko na siya ay ngumiti siya nang malawak at kumaway siya sa'kin na parang bata.
Inirapan ko siya. Ang tagal kong naghihintay kanina pa. Bakit ngayon ka lang?
Tsaka paano siya nakaakyat sa balkonahe ng second floor? May balak talaga siyang gapangin ako?
Hindi ko siya pinansin at dire-diretsong nahiga sa kama. Unti-unting nawala ang mga ngiti sa kanyang labi.
Kinalampag niyang muli ang glass door at tila sumisigaw sa labas. Inis ko siyang tinapunan ng tingin. Tinuturo niya ang pinto.
Manigas ka diyan. Hindi ko 'yan bubuksan.
I slowly closed my eyes, pretending to sleep. Pero agad din akong nagsisi dahil tila mababasag na ang salaming pintuan sa lakas ng pagkatok niya roon.
Bwisit ka. Hindi ka nahihiya sa mga kapitbahay!
Mabibigat ang mga yabag ko papunta sa harapan niya. Binuksan ko nang kaunti ang pintuan para ilabas ang kalahati ng katawan ko roon.
"Let me sleep, butler." Ani ko sa nagtitimping tono.
Ngumiti siya nang makita akong lumabas nang bahagya mula sa pinto.
"Yes. Patutulugin kita basta tabi tayo." Kumislap ang mga berde niyang mata.
Shit. 'Wag kang papaakit sa mga mata niya, Era. Stay strong!
"Wala ka bang kwarto? Bakit makikitabi ka pa?" Masungit kong tanong sa kanya.
"Wala."
"Sinungaling! Ang laki-laki ng bahay wala kang kwarto?"
"Let me in, rabbit. Nilalamig ako." Inirapan ko siya. Ang init init sa Pilipinas pero nilalamig siya. Humahanap lang siya ng rason para papasukin ko siya.
BINABASA MO ANG
These Triplets Aren't Mine
RomanceA rising actress who only got a glimpse of success suddenly found herself in a predicament. A crisis in a form of three small children knocked on the door of her life. The most worrying thing is that they call her... "Mama!" Date Started: June 7, 20...