Family
"Ikinalulungkot po naming ibalita na ang isa po nating kasamahang reporter sa X news ay nasawi pagkatapos niyang maaksidente sa isang liblib na lugar. Wasak ang kanyang minamanehong sasakyan na bumangga sa isang puno. Ayon sa mga opisyal na nagroronda sa lugar, malaki ang tyansang ito'y isang kaso ng drunk driving..."
I turned off the television. Palagi na lang balita tungkol sa mga namatay ang napapanood ko nitong mga nakaraang araw.
I search for my painkillers inside my bag ang took one tablet. Kumikirot na naman ang ulo ko.
Maybe Jonas was right, I need to see Dr. Amparo. I stopped seeing him since last year, because I thought I was okay. Akala ko lang pala iyon. Ngayon, mas napapadalas ang pananakit ng ulo ko.
The reason I stopped seeing him is that I'm still not comfortable to talk about the past. I don't even know if the memories I have now are true events that really happened in my life.
Hindi ko alam kung ano ang panaginip, alaala, at reyalidad.
Ako ba talaga si Erasmin? Sino ba si Erasmin?
I sighed. Now, I'm doubting my own identity.
"May s-sakit ka, Mama?"
Nahulog ang kinakaing tinapay ni Dos sa kama at nagmamadaling kumandong sa'kin na tila naiiyak.
Nakita niyang hinihilot ko ang sentido ko at uminom ako ng painkillers kaya akala niya siguro ay may sakit ako.
"Wala akong sakit, Dos. Masakit lang ang ulo ko kaya ako uminom ng gamot. " Hinaplos ko ang buhok niya. Napanguso siya na tila nagpipigil ng iyak.
"M-Masakit ulo mo, Mama? May c-cancer ka?" Ibinaon niya ang mukha niya sa dibdib ko. Naramdaman kong nabasa iyon ng laway at luha niya.
"Anong cancer? Bigla mo na lang ako binigyan ng sakit na parang doctor ka." Natatawa kong sabi sa kanya tsaka siya niyakap.
Sa kanilang tatlo, si Dos ang pinaka-emosyonal at makulit. Lahat ng 'O.A. genes' ng parents niya ay napunta sa kanya.
Buti nalang ay siya lang ang nasa kwarto ko dahil nakikipaglaro pa ang dalawa kay Jonas kundi ay tatlo silang inaalo ko ngayon.
"M-Miss ka na ni Papa. Kapag nalaman niyang sick ka Mama, magpapatayo siya ng hospital para lang sayo." Nagpupunas na siya ng mata sa damit ko. Mukhang umiiyak na talaga siya.
Napabuntong hininga ako. Nasobrahan sa panonood ng drama itong si Dos. Para akong nanay sa teleserye na biglang sumasakit ang ulo at inuubo na next episode ay papatayin na sa istorya at iiwang ulila ang anak kong bida.
"Bakit naman ako miss ng Papa mo? Hindi naman niya 'ko kilala? Tsaka hindi naman ako sick." Hinaplos ko ang likuran niya. Dahan-dahan niya 'kong tiningala. Pula ang mga mata at ilong niya.
"Lagi ka miss ni Papa. Tumakas nga lang kami sa kanya kasi nagsawa na kami pakinggan siya." Napangiwi ako sa narinig. Kasalanan talaga ng tatay kung bakit nagsi-alsabalutan ang tatlong bubwit na 'to.
Is their father a die hard fan of mine?
Nagsinungaling siya sa mga anak niya at sinabing ako ang mama nila. Naglayas tuloy ang mga bata para hanapin ang akala nilang mama nila. Pasaway na ama.
Napahilot na lang ako sa pagitan ng mga mata ko. Mas lalong sumakit ang ulo ko sa pangungunsumisyon.
Naisip ko, siguro ay single father ang papa nila na may crush sa'kin.
Pagkatapos namin magkwentuhan ni Dos ay nakatulog din siya sa mga braso ko. Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama.
Nagunat-unat ako saglit dahil medyo namanhid ang mga hita ko sa pagkandong sa kanya.
BINABASA MO ANG
These Triplets Aren't Mine
RomanceA rising actress who only got a glimpse of success suddenly found herself in a predicament. A crisis in a form of three small children knocked on the door of her life. The most worrying thing is that they call her... "Mama!" Date Started: June 7, 20...