Chapter 33

10 3 0
                                    

Chapter 33

Viel Dela Vega

"What was that Zhan?" pagkatapos niyang mag-release ng statement tungkol sa interaction ni Mary ay marami na kaagad lumabas na bashers si Mary.

"Inutusan lang ako ng management. Para rin naman sa movie natin 'to e."

"Don't use that card on me. Alam mo ang kaya kong gawin kapag ipinagpatuloy mo pa ang ginagawa mo. You of all people should know that you should not fight her dahil ako ang makakalaban mo."

Umiiyak na siya nang umalis ako pero wala akong pakialam. Galit ako kay Mary pero hindi niya deserve ang ma-bash dahil sa imbentong kwento. Ayoko siyang gamitin para lang sa movie ko.

"Nasa Manila pa rin si Mary. Nagkita na ba ulit kayo?" Hindi ko pinansin si Wil. Alam niyang nagmo-move on ako pero ayaw niya pa rin tigilan ang pagbabanggit ng pangalan ng ex ko. Palagi na lang niya akong kinukulit. Of all people, dapat naiintindihan niya ako dahil nagmo-move on din siya kay Annavel.

"Sigurado ka bang ayaw mo ng update sa ex mo?" kauuwi ko lang sa bahay galing sa Manila dahil nag-guest ako sa isang show kahapon tapos si Wil lang bumungad sa akin. Nakaupo siya sa couch at may hawak na wine glass.

"Tigil-tigilan mo nga ako. Sumasakit ang ulo ko sa 'yo." Iiwanan ko na sana siya para pumasok sa kwarto pero natigilan ako sa sinabi niya.

"May isang interview siya kung saan sinabi niya na boyfriend nga niya si Leo. Kaya trending din siya ngayon dahil sa issue ng jowa niya. Nakabuntis daw ng fan. Kaya pala ganoon na lang kung umakto si Mary. Hindi ko rin siya masisisi kung bakit isang linggo na siyang nakakulong sa kwarto at kung ano-ano ang kinakain. Hindi ko na mabilang kung gaano karaming alak ang na-deliver sa kwarto niya."

Hindi ako nag dalawang isip na puntahan siya sa resort. Naabutan ko pa ang magde-deliver sa kaniya ng pizza at soft drinks malapit sa pinto kaya nag-presenta na ako na ako ang magdadala. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto pero kaagad din niyang isinara. Mabuti na lang at naharangan ng paa ko. Grabe ang sakit no'n. Pakiramdam ko ay mapipilay ako.

Pumasok ako sa loob. Walang imik kong nilinis ang mga kalat sa kwarto niya. Tama si Wil, puro alak nga. Hindi ko tuloy alam ang dapat maramdaman. Dapat wala ako rito e. Dapat wala na akong paki alam sa kanya. Pero mabalitaan ko lang na malungkot siya, halos mag-teleport na ako papunta sa tabi niya. Hindi ko siya matiis. Nang tumingin ako sa kaniya y lumuluha na siya. Mukhang hindi niya pa nga namalayan. Kung hindi ko pa sinabi nang abutan ko siya ng tissue ay hindi niya alam na umiiyak na siya.

"You said he's nice." Iyon ang sabi niya sa akin kaya naniwala ako. Inabutan ko siya ng pizza. "You said he loves you. Ano 'yon? Bakit may gano'n siya ngayon?"

Tumigil akong maghabol at umasa sa kaniya dahil akala ko mapagkakatiwalaan ko ang Leo na 'yon. Akala ko mahal niya si Mary at hindi niya sasaktan. Hindi niya ba alam ang mga pinagdaanan ni Mary dati? Bakit niya pa dinagdagan?

Pinapabayaan niya pa ang sarili niya ngayon dahil sa lalaki na 'yon. Ganito rin ba siya noong nag-break kami noon? Gagong Leo na 'yon. Gusto ko siyang suntukin hanggang sa matauhan siya.

"I love him but his not gago."

Ipinagtanggol niya pa talaga. Siguro ay dahil hindi niya pa alam. Nakita kong binuhay niya ang phone at dahil siguro sa nabasa ay nabitawan niya 'yon. Ganito rin ang reaksyon niya noong nawala ang Mama niya dati. Mahal nga siguro niya si Leo. Edi sige, sila na ang nagmamahalan.

Lumabas siya sa may veranda. Kausap na niya ngayon si Leo. Pinapanood ko lang siya mula sa loob. Hindi ko naririnig ang usapan nila pero kahit curious ay hinintay ko na lang silang matapos. Matagal silang nag-usap. Matagal akong naghintay at nagtiis na hindi siya puntahan sa labas at matagal ko rin siyang pinanood na umiyak. Nang pumasok siya sa loob ay halata pa rin ang lungkot sa mata niya. I didn't say anything. Sinabayan ko lang siyang kumain at sinabihan na ingatan ang sarili niya bago ulit ako umalis.

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now