Chapter 34

15 3 0
                                    

Chapter 34

"Congrats, ate." Sabi ni Dale nang dumating siya sa bahay. Kakapasok niya pa lang ay kaagad siyang yumakap sa akin kaya hindi ko maiwasan ang hindi mapaluha. "Where's Kuya Viel? Akala ko ay mag-iinom kami ngayon?"

"Pinauwi ko muna at lasing pa siya hanggang ngayon. Next time na lang kayo uminom." Naparami kasi ang inom niya sa party ni Jaeyun. Palibhasa ay nandoon sila Wil at iba niya pang pinsan.

"Akala ko ako na ang mauunang ikasal sa atin e. Mabuti na lang talaga hindi dahil nag-propose na siya." Pilit siyang ngumiti habang nakatinggin sa akin na para bang inoobserbahan ako. "Are you happy?"

I wiped my happy tears and nod. "Masayang masaya."

"As long as you're happy, okay na ako. I know how much he loves you but there's still a possibility na masaktan ka niya. Kapag nangyari 'yon, huwag kang magdadalawang isip na sabihin sa akin dahil babawiin kita sa kaniya."

Hindi ko napigilang matawa at pabiro siyang hinampas. He's being sweet and protective to me again "What will you do to him?"

"I may not be strong physically to punch him but I can use my profession to make him suffer." Mukhang seryoso nga talaga siya.

"That's bad, Dale ah. Huwag mo na ulit 'yang sasabihin." Minsan ko pang pinunasan ang luha ko bago ko iniba ang usapan. "How about your girlfriend? Kailan mo naman siya balak ipakilala sa amin?"

Gusto ko siyang makilala para naman makita ko kung anong type ng kapatid ko sa babae. Pero nag-iwas lang siya ng tingin bago nagpaalam. Antok na raw siya.

"Dale, may itinatanong pa ako sa'yo!"

"I'll sleep na!' Sigaw niya pabalik habang nagmamadaling tumakbo pataas. Palagi na lang niyang iniiwasan ang kahit anong bagay tungkol sa girlfriend niya. It makes me more curious about her.

Sumunod na rin ako sa taas. Dumaan muna ako sa guest room para tingnan kung tulog na si Laira at Leo. Halos 10:00 na rin kasi ng gabi pero pagpasok ko ay gising na gising pa ang mag-ama. Leo's reading a children's book habang dumedede naman si Laira sa tabi niya.

"As if she can already understand that." Natatawang sabi ko kay Leo bago lumapit sa kanila. Umupo ako sa kama at mabilis namang gumapang papalapit sa akin si Laira. Malapit na ang birthday namin. Malapit na siyang mag 1 year old.

Wala pang isang buwan pero hindi rin nakatiis si Leo dahil palagi akong hinahanap ni Laira kaya napilitan siyang umuwi rito. I'm helping Dale sa pag-aasikaso ng ipinapagawa naming bahay kaya naging busy rin ako pagkatapos ng nangyaring inuman namin nila Cara. I got the chance to visit Kuya Jackson though pero saglit lang. Kaninang umaga lang dumating sila Leo bago ako nagpunta sa birthday party ni Jaeyun kaya isinama ko na rin sila ro'n.

"I didn't know what to do. She's always crying and she will just stop every time she hears your voice or when I give her your picture." Sinaraduhan niya ang libro at inilapag sa side table. I looked at Laira, nakatinggin rin siya sa akin at noong ngumiti ako ay bigla na lang siyang yumakap sa akin.

"You miss me baby?" I asked pero nginitian niya lang ako. "I miss you too."

"I can take care of her for the mean time. Finish your work first. I know you are in the middle of shooting a movie so you should go back as soon as possible."

"Yes but I don't want to bother you this much. Especially now that you are already engaged, I know you'll be busy making your own family."

"It's fine. You and Laira will never be a bother to me because you are my family also. Yes, you're right... I will be busy making my own family with Viel but that doesn't mean I will cut ties with you and your daughter."

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now