Chapter 9: Larawan

327 44 13
                                    

Jaine's POV

Bago pa man mawala sa isipan ko ang tungkol sa pakay ko kung bakit ko siya tinawagan ay agad na akong nagtanong sa kanya.

"Gab, bukod sa inyo ng barkada natin, may iba pa ba akong naging kaibigan or nakilala noong high school tayo?" tanong ko sa kanya.

Halatang natigilan siya sa biglaang pagtatanong ko kaya hindi agad siya nakasagot.

"Gab?" muling tawag ko sa kanya upang makasigurado ko na nasa kabilang linya pa siya.

"A-ah... Bakit mo naman biglang naitanong?" tanong nito na tila nagtataka

"Wala lang, may bigla lang kasi akong naalala" wika ko

"A-ano?" muling tanong nito, kumunot naman ang noo ko dahil tila parang kinakabahan ito.

"Anong naalala mo?" muling tanong nito ng hindi agad ako nakasagot.

Bumuntong hininga ako bago ko sinabi sa kanya ang tungkol sa naalala kong lalaki na kasama ko sa rooftop ng school building.

"It was Jhie" tanging sambit nito.

"Jhie?" muling pag-uulit ko.

Nabanggit na niya sa akin ang pangalang iyon noon ngunit wala talaga akong natatandaan na may kilala ako na ganoong pangalan.

"Sabi mo na naging kaklase natin siya di ba? May alam ka ba kung nasaan na siya ngayon?" muling tanong ko, may pakiramdam kasi ako na kailangan kong makita ang lalaking iyon.

"Jaine, matagal na 'yun. Hindi ba dapat kalimutan mo na siya? Hindi na siya babalik, hindi mo na siya muling makikita pa." bakas sa boses niya ang pagkainis na siyang ipinagtataka ko. May nasabi ba akong mali? Bakit bigla na lang siyang nagalit?

"S-sorry" paghingi nito ng paumanhin nang mapagtanto nito ang hindi magandang inasta niya. 

"Sorry, sa susunod na lang tayo mag-usap kasi may gagawin pa ako" aniya nito sabay na pinatay ang tawag nang di man lang hinintay na makapagsalita ako. Binaba ko na lang din ang cellphone ko at nilagay ito sa side table malapit sa kama ko.

Bakit ganon na lamang ang kinikilos niya? May tinatago ba siya sa akin? May hindi ba ako dapat malaman?

"Sino ka ba talaga Jhie? Bakit bigla kitang naalala sa demonyong lalaking iyon? Ikaw ba siya?" tanging tanong ko na lamang sa aking sarili bago humiga muli sa kama ko.

Nakatitig lang ako sa kisame habang naglalaro pa rin sa isipan ko ang lalaking iyon hanggang sa nakaramdam na ako ng antok. Naalimpungatan ako nang bigla kong naramdaman ang pag-arburuto ng tiyan ko. Bumangon ako at tiningnan ang orasan sa side table, 10:39 na pala ng tanghali. Di ko akalain na nakatulog pala ako.

Nagtungo muna ako sa banyo para maghilamos ng mukha at nag mouthwash na rin bago ko tuluyang lisanin ang kwarto ko. Bumaba ako at agad na nagtungo sa kusina, kinuha ko ang mga pagkain na niluto sa akin ni Tita kanina at nilagay ito sa oven para initin. After a minutes ay kinuha ko ito at agad ng kumain. 

After kong kumain ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan ko, nagtungo agad ako sa sala at nanood ng tv. Sunday ngayon kaya wala akong masyadong gagawin. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakaramdam ako ng kakaiba sa paligid kaya palinga-linga ako habang pinagmamasdan at inuusisa ang kabuuan ng sala. 

Mag-isa lang ako na nandito sa bahay kaya iba talaga ang pakiramdam ko sa tuwing nararamdaman kong may nakatingin sa akin na tila ba pinapanood ako. Ganitong-ganito ang nararamdaman ko noon nung pumasok dito sa bahay ang lalaking iyon. Hindi naman siguro siya multo na bigla na lamang susulpot di ba? Tapos nagagawa pa niyang makalabas-masok sa bahay ko kahit lagi ko naman sinisiguro na naka lock lahat ng pinto at bintana sa bahay na pwede niyang pasukan. 

Pinatay ko na lamang ang tv, nawalan na ako ng ganang manood kaya nagtungo na lamang ako sa study room ko. Dito madalas ako mag-aral, nandito rin lahat ng mga librong gamit ko sa school. May mga story books rin ako na madalas binabasa ko para pampalipas oras. Tumingin tingin ako sa mga libro na nasa bookshelves ko nang mapako ang atensyon ko sa isang lumang libro. Hindi ko alam ngunit naeganyo akong tingnan ito kaya ito ang kinuha ko. Nagtungo ako sa isang mesa na malapit sa may bintana at umupo sa silya. Kinuha ko rin ang cellphone at earphone ko at pinatugtog ito. Ganito kasi ako kapag nagbabasa, gusto ko may music. 

Kumunot ang noo ko nang may biglang nahulog mula sa libro ng binuksan ko ito. Tinanggal ko muna ang earphone sa tainga ko at nilagay sa mesa bago ko ito pinulot sa sahig at napagtanto ko na isa itong larawan. Tiningnan ko ang larawang iyon at laking gulat ko na lamang nang makita ko kung sino ang nasa litrato. 

"Siya ito" tanging sambit ko na lamang habang tinititigan ko ang lawaran ko na nakasuot ng high school uniform at nakaakbay sa isang lalaki. Mataba ito at may malaking peklat sa kanang mukha nito. Nakasuot rin siya ng school uniform, medyo mahaba ang buhok nito na natatakpan ang kanyang mga mata na may suot na malaking salamin. In short, nerd. 

Hindi ako pwedeng magkamali, kahit medyo malabo ang mukha na nakita ko sa alaala ko ay nakilala ko naman ang hugis ng katawan nito. At sa larawang ito, mukhang close na close kaming dalawa. At halatang masaya ako dahil sa sobrang laki ng mga ngiti ko habang yung lalaking katabi ko ay halata sa mukha ang pagkainis ngunit sumilay pa rin ang ngiti sa labi niya. 

Kung tatakpan ang kalahating mukha nito na may peklat ay masasabi kong gwapo at cute siya lalo na siguro kung tatanggalin ang salamin niya at ayusin ng konti ang buhok niya. Tiningnan ko naman ang likod ng litrato at nakita ko na may nakasulat sa ibabang bahagi ng litrato. 

Ian and Jaine

Forever 

Iyon ang nakasulat sa litrato na siyang  ipinagtataka ko.

"Ian?" naguguluhang tanong ko sa aking sarili.

"Ian ba ang pangalan niya? Hindi Jhie?" muling tanong ko sa aking sarili.

Napahilot na lamang ako sa aking sentido dahil hindi ko na alam kung ano ba ang nangyayari. Bumuntong hininga ako bago muling tiningnan ang larawan. Napako ang tingin ko sa kanyang mga mata. Dark brown ang kulay ng kanyang mga mata ngunit kulay asul naman ang kulay ng mga mata ng demonyong iyon. 

"Kung ganon, hindi siya ito" wika ko sa aking sarili. 

"Bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko? Tama naman si Gab. Matagal na iyon kaya bakit ko pa pilit na inaalala? Wala naman siguro siyang kinalaman sa demonyong lalaking iyon na ayaw akong tigilan." wala sa sarili kong sabi.

Ano naman ang mapapala ko kung sakali man na halungkutin ko pa ang nakaraan? Paano kung wala naman pala itong kinalaman sa lalaking gumugulo sa akin ngayon? Nag-aaksaya lang ako ng panahon kung ganoon at baka may dahilan kaya hindi ko ito maalala.

Kung sakali man na may kinalaman nga ang nakaraan ko sa lalaking iyon, ano naman ang magagawa ko upang tigilan at lubayan na ako ng demonyong iyon? 

Napasandal na lamang ako sa upuan at mariing ipinikit ang aking mga mata. Gustuhin ko mang tumigil na lang ngunit may pakiramdam ako na may kailangan akong malaman. 

Isang bagay na alam kong lubhang mahalaga sa akin at hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman iyon. 

You Can't Escape From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon