Chapter 10: His Personal Butler and Bodyguard

301 38 11
                                    

Name: Harry ChilstonNickname: HarryPosition: Butler/BodyguardAge: 26Birthday: February 21, 1998Status: Single

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Name: Harry Chilston
Nickname: Harry
Position: Butler/Bodyguard
Age: 26
Birthday: February 21, 1998
Status: Single

Jhieden's POV

"Welcome back, Master Jhieden" magalang na bati ng isang binata sabay na yumuko sa harap ko. 

Siya si Harry, ang Personal Butler and Bodyguard ko. Matagal na siyang naninilbihan sa akin simula nung bata pa ako. Si Harry ay 26 years old na, limang taon lang ang agwat naming dalawa. Ayaw niyang tawagin ko siyang kuya dahil amo niya raw ako at tauhan ko lang siya kaya tinawag ko na lang siya sa pangalan niya dahil ayaw ko naman na pilitin pa siya. Matipuno at makisig ang kanyang pangangatawan dahil na rin siguro sa mga training niya araw araw kaya maganda ang hubog ng kanyang katawan. Maputi rin siya at gwapo kahit na madalas ay cold siya at laging blanko ang mukha nito ngunit iba ang ugali niya kapag ako lang ang kaharap niya, madalas siyang nakangiti sa akin. 

Hindi ko siya pinansin at nilagpasan lang siya para makapasok sa bahay ko.

"Master, ipaghahanda ko po ba kayo ng makakain?" rinig kong tanong nito.

"No need" cold kong sabi nang hindi siya tinitingnan.

Pagpasok ko ng kwarto ay agad kong hinubad ang black tuxedo na suot ko sabay na inihagis ito sa kama. Umupo ako sa may couch sabay na isa-isa kong tinanggal ang butones ng white long sleeve ko hanggang sa dibdib. Mariin akong napapikit habang hinihilot ang sentido ko at sumandal sa upuan ng nararamdaman kong sumakit ang aking ulo. Ilang sandali lang ng makapag desisyon akong magtungo sa Secret Compartment ko. 

Tumayo ako at lumapit sa closet at may pinindot ako sa gilid nito. Agad itong bumukas at bumungad sa akin ang isang hagdan pababa. Tanging ako at si Harry lang ang nakakaalam na may secret compartment ako rito sa kwarto. Pagpasok ko ay automatic na nagsara ang hidden door sabay na bumukas ang mga ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa daan na nilalakaran ko. Ito rin ang nagsisilbing secret basement ko. 

Dito ako madalas pumunta kapag may pinaplano ako tulad ng pagpatay ng mga target ko or di kaya kapag gusto kong bisitahin ang mga magulang ko. Para lang itong malaking apartment na may sala, kitchen, dining area at limang kwarto. Tinungo ko ang daan patungo sa isang silid kung saan naroon ang aking mga magulang.

"Dad, Mom, I'm home" wika ko pagpasok ko sa kwarto nila sabay na pinindot ko ang switch na nasa gilid malapit sa may pinto upang buksan ang ilaw ng kwarto.

Dito sa silid na ito ay wala kang makikitang kama, closet, o kung ano pa man na kadalasang makikita mo sa isang karaniwang kwarto. Ang tanging makikita mo lang dito ang isang single back leather sofa, glass round table kung saan nakapatong ang dalawang malalaking bottle glass tube. Nakasilid rito ang isang mata na pag-aari ng aking step mother at sa isang tube naman ay naroon ang isang kamay na pag-aari naman ng aking ama. Namatay ang tunay kong Ina nang ipinanganak niya ako at pagkatapos noon ay nag-asawa ulit ang aking ama kaya ang step mom ko ang tumayong Ina ko simula nung bata pa ako. Ang dalawang parte ng kanilang yumaong katawan ay ginawa kong collection nang saganon ay maibsan ang pangungulila ko sa kanila.

You Can't Escape From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon