Jhieden's POV
Weeks after ng nangyari iyon. Pinalabas ni Harry na namatay sina Dad and Mom sa isang aksidente at bumili siya ng dalawang bangkay na inabandona na o walang nag claim na kamag-anak sa Morgue. Ipina-cremate niya ito upang hindi mahalataan na hindi ito ang tunay na bangkay ng mga magulang ko. Wala namang nagduda kaya masasabi ko na mahusay ang ginawa ni Harry sa pagtatakip ng totoong nangyari noong araw na iyon.
Hindi ko alam kung saan inilibing ni Harry ang mga bangkay ng mga magulang ko at wala rin naman akong pakialam. Inilipat na rin sa pangalan ko ang lahat ng ari-arian ni Dad ganon rin ang lahat ng pag-aari ni Mommy, at nalaman ko rin na may iniwang kayaman pala ang tunay kong Ina para sa akin. Ngunit dahil wala pa ako sa legal age ay pinakiusapan ko ang abogado ng pamilya namin na si Harry ang magiging Legal Guardian ko at pansamantalang mamamahala sa mga ari-ariang iniwan sa akin ng pamilya ko hanggang sa dumating ang araw na maging legal age ako at pwede ko ng makuha ang kayaman na pinamana nila sa akin.
Tulad ng gusto ni Dad, pumunta ako sa Australia at doon tinuloy ang pag-aaral ko. Araw-araw ay nag-eehersisyo ako upang pumayat. Nagpa surgery rin ako upang tanggalin ang malaking peklat sa mukha ko. Binago ko ang buong katawan at itsura ko tulad ng gusto ni Mommy, inayos ko ang pag-aaral ko at nag advance study rin ako sa abroad nang sa gayon ay maging handa ako kung sakaling ako na ang mamamahala sa kumpanya ng pamilya namin. Lahat 'yun ay ginawa ko hindi para kina Dad and Mom, kundi para kay Jaine.
Nawala sa aking isipan ang paggunita ko sa aking nakaraan ng biglang tumunog ang aking cellphone. I immediately took it from the pocket of my pants and saw the name that pop up in the screen, it was James kaya agad ko itong sinagot.
"What?" I coldy said
"Nasa akin na ang mga information ng mga taong pinapahanap mo." he replied
"Send it to me now" I said as I smirk, it's time for a haunting. Agad kong binaba ang cellphone nang hindi na hinintay ang sagot niya at umalis sa kwarto.
"Goodbye Dad, Mom." I murmured before I closed the door.
Jaine's POV
Nandito ako ngayon sa school, break time namin kaya dito muna ako tumambay sa rooftop. Nakaupo lang ako dito sa may bench habang pinagmamasdan ang mga nagkukumpulang estudyante sa baba. Hawak-hawak ko ang picture na nakita ko sa Study Room ko, ang picture namin ni Ian. It's been 2 weeks simula nung nakita ko ito na hanggang ngayon ay pinipilit ko pa ring inaalala ang mga nangyari noon, ngunit bigo ako kasi kahit anong gawin ko ay wala talaga akong natatandaan.
And 2 weeks na rin ang lumipas nang hindi nagparamdam sa akin ang demonyong lalaking yun. Iniisip ko tuloy na baka nagsawa na siya sa kakasunod sa akin. Pero di ko alam, biglang hinahanap ko ang presensya niya. Haist!
"Nasan ka na Ian?" wala sa sarili kong tanong nang napatingin akong muli sa picture namin ni Ian.
"Kung sino ka man, iniisip mo kaya ako ngayon? Naaalala mo pa kaya ako? Kasi ako, hindi.... hindi na..."
"Patawad"
Pakiramdam ko ay nakagawa ako ng malaking kasalanan kasi kinalimutan ko siya. Kahit di ko alam kung naaalala niya pa rin kaya ako.
"Hey! Bitch! What are you doing here?"
Napalingon ako sa likod ko nang biglang may tumawag sa aking 'bitch'.
I rolled my eyes nang makita ko kung sino iyon. Si Nicole lang pala, ang Bully Queen ng school. Di ko alam kung bakit ako ang tinatarget niya gayong wala naman akong kasalanan sa kanya.
BINABASA MO ANG
You Can't Escape From Me
Romance"You can run free but you can't hide from me" - Jhieden Ian Vermillion A young intimidating man who was crazy in love with a girl named Jchwarlynn Jaine Villareal who happen to be his first love.... his first girlfriend back then when they we're a...