Chapter 14: Section 2-A

251 13 4
                                    

Jaine's POV 


Tatlong araw na naman ang lumipas simula nong huli siyang nagpakita sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na lamang siyang nawawala tapos bigla ring susulpot. Ngunit labis akong nababahala sa kung ano ang gagawin niya lalo na’t nakita ko kung paano siya magalit nang malaman niyang may nanakit sa akin. Ang mga mata niya na nagliliyab sa galit at mga titig niya na tila anumang oras ay gusto na niyang pumatay. 

Aminado ako na kaya niyang gawin ang kung ano man ang iniisip ko ngunit sana nga ay mali ako sapagkat hindi ko ninais na mapahamak si Nicole at ang kanyang mga kaibigan. Kung kaya't parati ko silang sinusubaybayan sa pag-aalala na baka sila ay mapahamak. Ngunit sa palagay ko ay napapraning lang ako dahil hanggang ngayon ay wala pa namang nangyayari sa kanila at hindi ko rin naman nabanggit sa kanya kung sino ang nanakit sa akin. 

Sa ngayon ay narito ako sa isang sikat na Bar na pag-aari ni Gab. Ngayon kasi ang reunion namin, medyo napaaga nga lang. At dahil dito nga gaganapin ang high-school reunion ng Section 2-A, nakareserba na ang buong lugar at tanging kami lang ang nandito maliban sa mga waiter, waitress, bartender at iba pang mga empleyado ni Gab. 

Marami-rami na rin ang nandito ngunit hinihintay pa namin ang iba pero nagsisimula na ring sumayaw ang iba sa dance floor at ang iba naman ay nag-iinuman habang masayang nagkukwentuhan. Napatingin naman ako sa isang mini stage nang biglang magsalita roon si Gab kasama si Angel, ang secretary ng Section 2-A. 

“Ladies and gentlemen, welcome to our high school Section 2-A Reunion! We are happy to have all of you here tonight to catch up, share stories, and create new memories.” masayang bati nito habang hawak ang microphone, si Gabriel nga pala ang Vice President ng Section namin. 

May iba pa siyang sinabi ngunit di na ako nakinig. Palinga-linga naman ako sa aking mga kaklase, tinitingnan ko kung nandito na ba ang lahat. Lahat ng narito ay kilala ko ngunit hindi ko makita si Jhie, ang taong tinutukoy ni Gab na kaklase raw namin ngunit hindi ko maalala. 

“Jaine, sinong hinahanap mo?” takang tanong naman ni Czarina, ang isa sa mga naging close friends ko nong high school. 

“Bakit sinimulan na ni Gabriel ang party gayong hindi pa naman tayo kumpleto?” balik kong tanong sa kanya ngunit nakakunot lang ang noo nito na nakatingin sa akin. 

Ilang sandali lang ay isa-isa niyang tiningnan ang mga kaklase namin. 

“Nandito na ang lahat, sino pa ba ang hinihintay mo?” aniya nito

Nandito na ang lahat? Ngunit bakit hindi ko makita si Jhie? Wala siya rito, alam ko iyon dahil kahit hindi ko kilala o naaalala kung sino man siya ay kilala ko naman lahat ng nandito at sigurado ako na wala sa kanila si Jhie. Tumayo na ako at nagtaas ng kamay upang kunin ang atensyon ni Gab na agad naman niya akong nakita sapagkat malapit lang naman ang table namin sa mini stage kung saan naroon siya. 

“Yes, Jaine, may sasabihin ka?” tanong nito

“Ang akala ko ba ay hindi sisimulan ang party hanggat hindi tayo kumpleto?” balik kong tanong sa kanya. 

“Kumpleto na tayo Jaine, sino pa ba ang hihintayin natin?” aniya naman ni Carmen na Assistant Secretary ng Section 2-A, hawak niya ang isang listahan na sa palagay ko ay mga pangalan iyon ng mga kaklase namin. 

“Ngunit wala pa si Jhie” aniya ko naman, nakita ko ang gulat sa mukha nito dahil sa sinabi ko na labis kong ipinagtataka kahit si Gab ay nagulat rin. 

Isa-isa kong tiningnan ang mga kaklase ko, lahat sila ang nakatingin sa akin na bakas sa mukha nila ang awa, ang iba ay nagtataka at ang iba naman ay nalungkot. Ilan rin sa kanila ay nagsisimula ng magbulungan. Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang reaksyon nila nang banggitin ko ang pangalan ni Jhie. 

You Can't Escape From MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon