"I like the design. The colors compliment each other and you got even the smallest details right," papuri sa akin ng adviser namin dahil sa ginawa ko na model ng nervous system.
"Thank you po," abot-tenga ang ngiti ko sa pasasalamat.
Patalon-talon pa ako na bumalik sa classroom namin. Siyempre, sino bang hindi matutuwa kapag stress-free ka na, di ba?
"Saya mo ah," komento ng kaibigan ko na si Nana.
"Siyempre. Wala na akong gagawin, e," proud na tugon ko naman.
"Sana all!"
"Pahinging brain cells, One!"
"Tips nga kung paano maging si Yvonne Estes!"
"Pinapamukha mo yata sa amin na wala pa kaming nagagawa e!"
Sunod-sunod na reaksyon ng mga kaklase ko na ikinatawa ko na lang.
Abala ang mga depungal sa kaniya-kaniya nilang ginagawa, kasama si Nana. May nagee-ml na akala mo ay walang pending activites, syempre may nagaaral nang mabuti, may patulog-tulog lang sa gilid, at may tapos na sa gawain at ako 'yon! Kulang na lang i-broadcast ko 'to e.
Nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura kaya kinuha ko agad ang wallet ko sa bag saka nagmadaling pumunta sa canteen.
Medyo maraming tao dahil may meeting ang mga teachers. Siguro 'yong ibang klase ay may iniwan na gagawin sa kanila, kasama kami.
Madali akong nakabili ng Hansel, Piattos at blue lemonade kaya lumabas na rin ako ng canteen.
Palakad-lakad lang ako pabalik sa classroom ngunit napatigil ako dahil may nakita akong dalawang pigura sa gilid ng hallway na dadaanan ko.
Isang lalaki at isang babae na magkaharap. Nakatalikod sa akin 'yong lalaki habang 'yong babae naman ay nakayuko, halatang nahihiya dahil namumula pa ang mga tenga niya.
Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko. Sapat na ang layo ko sa kanila para marinig ang mga boses nila.
Pansin ko rin na may mga babaeng nagtatago sa isang malaking halaman sa likod ng kaibigan nilang babae. Walang kwenta 'yong pagtatago nila. Kitang-kita naman sila.
Ako 'yong nahihiyang dumaan, sa totoo lang.
Nasa bibig ko ang straw ng lemonade na hawak ko nang magsalita 'yong babae.
"Uhmm—K-Kiel... uhh..."
Hindi ko masabi kung nakatingin ba 'tong lalaki sa kaniya.
"Kaya mo 'yan, Aleah," rinig ko na pag-motivate sa kaniya ng kaibigan niya.
Ilang beses pa na napalunok itong tinawag nila na 'Aleah'.
"G-Gusto kita, Kiel!" sigaw ni Aleah sabay yuko at abot ng hawak niya na hindi ko alam kung ano.
Walang nagsalita sa kanila. Ako naman ay abala sa pagnguya nitong Piattos na binili ko.
Napabuntong-hininga itong lalaki. Tinanggap niya 'yong inabot sa kaniya at malapad na ngiti naman ang naging tugon ni Aleah. Halata rin na kinikilig siya.
Tumakbo paalis si Aleah kasabay ng mga kaibigan niya na chine-cheer siya.
"Ang galing mo!"
Tinanggap ba nito 'yong confession? Wala naman siyang sinabi na gusto niya rin si Aleah.
Nakatingin pa rin ako sa direksyon kung saan tumakbo sina Aleah hanggang mapunta ang paningin ko sa lalaking nakatitig na pala sa akin.
Hindi na niya hawak 'yong binigay sa kaniya hanggang sa maaninag ko 'yon sa basurahan di kalayuan sa amin. Tinapon niya, malamang.
YOU ARE READING
Batchmate, Batch-hate
Teen FictionWhen an overly competitive girl meets an overly competitive boy.