Chapter 18

8 4 0
                                    

"So nag-date nga kayo?" pang-isang daang beses na tanong ni Nana. Ang bruha ay paulit-ulit. Dini-distract niya pa ako sa pagre-review ko. Argh.

"Hindi nga 'yon date. Nag-deal lang talaga kami," medyo pikon na sagot ko. E kasi naman, paulit-ulit siya sa tanong niya. Unlimited yata.

"Sige sabi mo, e," pagsuko niya saka bumalik sa upuan niya.

Napairap na lang ako saka bumalik sa binabasa. May umaawit kasi ng 'exams, exams~' sa utak ko, e.

Nakita ko ang paglabas ng classroom ng ilang mga kaklase ko. Recess time na pala.

Niyaya ko si Nana na bumili sa canteen pero saka na raw. Tapusin daw niya muna 'yong kinokopya niya. Nagpaalam na lang ako at lumabas na mag-isa.

Sa paglalakad ko, pansin ko ang pagtingin sa akin ng mga kapwa ko estudyante. Nagtataka tuloy ako.

Nagpatuloy ang ganoong eksena hanggang sa makarating ako sa canteen, pagbili ko at paglabas ko ng canteen. Pati na rin ang pagbalik ko sa classroom.

Nasa akin ang atensiyon ng lahat.

"Sis!" tawag ni Antonia.

"Tignan mo 'yong link sa GC," ang sabi naman ni Nana.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa saka nagpunta sa GC namin. Isang link na magdadala sa Facebook ang sinend ng isa naming kaklase.

Walang pagaalangan ko 'yong pinindot.

"Look at this biyotch. two boys at a time 🤣🤣 tuwing weekends si kiel ang kasama tapos kapag nasa school si dominic ang nilalandi. haba ng hair mo gurl??"

May kasama iyong mga litrato namin ni Dominic tuwing lunchbreak, sa library at noong intramurals. Mayroon namang tatlong litrato namin ni Gaude no'ng nasa Town Plaza kami, papalabas kami ng sinehan at no'ng nasa court kami.

Dalawang oras lang ang nakalipas no'ng ipost iyon pero marami nang reacts at comments ang nakuha no'n. Umabot na rin sa isang libo.

"can't believe she's that type of girl🥲"

"mga inggit be like:"

"srsly?"

"pagdating sa mga ganito updated kayo, tapos kapag may quizzes, reports at assignments, wala kayong kaalam alam??"

"

maganda naman si ate yvon ah😶"

"she's pathetic"

"inaagaw niya talaga si kiel??"

"fr ba to?"

"kiel does not belong to anyone! 😠😠"

"noooo"

"may nanalo na!"

"akala ko ba study first sya?"

Para akong sinasaksak ng sandamakmak na kutsilyo sa dibdib. Para rin akong nalulunod kahit walang tubig.

Hindi ko kilala masyado kung sino 'yong nagpost, pero base sa profile picture niya, sigurado ako na siya 'yong babaeng tumatawa no'ng Quiz bee.

Agad akong lumabas ng classroom namin. Rinig ko pa ang pagtawag ng mga kaklase ko pero hindi ko sila pinansin. Nakasalubong ko pa si Dominic na nagaalala ang mukha pero nilagpasan ko lang siya.

Basta-basta lang akong pumasok sa classroom nina Gaude. Nakuha ko pa ang atensiyon ng mga kaklase niya na hawak-hawak ang mga cellphones nila.

Nakita ko siya na nakatayo at may kaharap na babae. Ewan ko kung sino.

Padabog ako na lumapit sa kaniya, hinila siya sa braso at kinaladkad papalabas ng classroom nila.

Sa isang lumang silid ko siya dinala.

Pigil ang mga luha ko ng galit at kahihiyan ay pinilit ko pa rin siyang harapin.

"Kasalanan mo 'to, e! Dahil 'to sa mga obsessed mo na fans! Pati si Dominic na walang ginagawa, dinamay nila! At wala ka talagang sinabi, e, no?! Oo na! Tanggap ko na! Lagi na lang ako ang pangalawa sa 'yo! Lagi na lang akong talo kahit ano'ng gawin ko! Pero 'yong reputasyon ko rito sa school at 'yong dignidad ko na ilang taon ko na inalagaan, biglang nawala!"

Masakit kasi. Umaasa pa naman ako na may sasabihin siya para sa aming dalawa. Siyempre, siya 'yong pakikinggan at siya 'yong paniniwalaan. Kapag may sinabi ako, wala rin namang makikinig. Kung mayroon man, sina Nana at ang mga kaklase ko lang.

"Ayaw ko sa 'yo! Ayaw ko sa isang walking redflag, manhid, walang pakiramdam at walang pakialam sa paligid niya!"

Dalawang oras na ang nakalipas pero 'yong post, naroon pa rin. Siya si Lankiel Leonir Gaude, siyempre, hindi siya makakaramdam ng kahihiyan at walang balak na magpahiya sa kaniya. Malinis ang pangalan niya, at 'yon ang kinaiinisan ko. Masyadong favoritism ang mga tao.

Hindi ko naman sinasabi na ipagtanggol niya ako. Ipaliwanag lang niya sana 'yong kwento sa likod no'ng mga litrato at kung bakit kami magkasama. Ayaw ko kaya na ma-issue sa kaniya.

'Yong kay Dominic, walang mali doon. Malamang magkasama kami, no.

"I'm—"

"Tama na!" pagputol ko sa kaniya. "Hindi ko lang ma-gets kung bakit kailangang umabot sa ganito! Umasa pa naman ako na baka sakaling may pagkakataon na gumaan ang pakiramdam ko sa 'yo! Pero mukhang wala!"

Pinunas-punasan ko ang luha ko. "Ang sakit mo naman palang makasama, Kiel."

First time. First time ko yatang banggitin ang pangalan niya. Marami kasi akong palayaw s kaniya: tagapagmana ni Satanas, hudas, siraulo, tarantado—lahat-lahat na! Hindi pala kaaya-aya ang pangalang 'Kiel'.

Pinakalma ko ang sarili ko at hinarap ulit siya. Ako lang ba, o sadyang malungkot talaga ang mga mata niya?

'Yong mga salitang gustong-gusto ko na sabihin sa pagmumukha niya. 'Yong inis ko sa kaniya. 'Yong pagkamuhi ko sa kaniya.

"I hate you," seryoso ko na saad.

Wala rin akong makitang ekspresyon sa mukha niya na para bang inaasahan niya nang sasabihin ko 'yon.

Ayaw ko sa sarili ko tuwing nakikita ko siya, para bang pinapaalala sa akin ng mundo na hindi ako pwedeng magkaroon ng pwesto sa number 1. Para bang hindi ako magaling, wala akong talento, wala akong kayang gawin, hindi ako marunong umintindi, wala akong pag-asang manalo, hindi ako pwedeng mangarap. OA man pakinggan pero mahalaga sa akin ang posisyon ko sa mga listahan.

Isa pa, gusto ko ring maiahon sa kaharipan ang pamilya ko. Gusto kong makakuha ng magandang trabaho na may mataas na sweldo. Gusto ko na laging umaakyat sa entablado sina Mama at Papa para sabitan ako ng medalya. Gusto ko na maging proud ang mga tao sa akin at magsilbi akong inspirasyon sa kanila.

"I hate you, Lankiel," paguulit ko.

Sa pagkakataong 'to, may maliit na ngiti sa labi niya. Seryoso ba siya? Baka hindi niya ako narinig?

"I—"

"I never hated you. . ."

Batchmate, Batch-hateWhere stories live. Discover now