Chapter 2

30 6 13
                                    

Bukambibig na halos lahat ng mga estudyante ang Intramurals. Tingin ko ay 'yon din ang agenda ng mga teachers nung meeting nila kahapon.

Tahimik ang library. Bukod sa normal na maging tahimik ang library, nakakatakot din magalit ang librarian namin. Ayaw na ayaw niya may tunog nang tunog dahil nakakairita raw. Sa silid-aklatan talaga masusubok kung gaano ako katahimik. Kahit madalas ay napipilitan lang.

Na-stuck ako sa sinasagutan ko na Math equation. Pinaglalaruan ko na lang ang ballpen na hawak ko. Hindi kasi nagfa-function 'tong utak na 'to.

Gusto ko sana na magpatulong kay Dominic pero hindi pwede dahil abala rin siya sa pagre-review at may trabaho rin sa Student Council. Sipag ng crush ko! Mainggit kayo!

"Paano ba 'to?" bulong ko sa sarili ko.

Kung ano-anong formula ang ginagawa ko at puro mali ang sagot na lumalabas. Hindi sumasakto sa checking. Hindi talaga gagana ang hula-hula kapag hindi multiple choices.

Pakiramdam ko talaga ay dudugo na ang utak ko. Espiritu ni Einstein, sumanib ka!

"If A is what?— then what? Ano raw?"

"Sana nandito si Dominic," bulong ko.

Nakaramdam ako ng presensya ng kung sino sa likod ko.

Tumingin ako paitaas at ang mukha ni hudas ang bumungad sa akin. Umayos ako ng pagkakaupo at tinwist ang katawan ko para makaharap siya.

"Kailangan mo?" masungit ko na tanong.

Pagtatawanan niya ba ako dahil no'ng Math Quiz bee? O dahil ngayong nahihirapan akong magsagot?

"You're talking to yourself," ang sabi niya.

Wow! Kaya naman pala niyang magsalita, e di sana dineretso na niya kahapon si Aleah. Teka, bakit ko ba pinakikialaman 'yon? Argh! Huwag na natin 'yon pansinin.

Pinipigilan ko ang mga mata ko na umirap."E ano naman sa'yo?"

"It's annoying."

"E di lumayo ka nang hindi mo marinig," sarkastiko ko na sagot.

"Kahit naman lumayo ako, naririnig ko pa rin," pangaasar niya sa boses ko.

"Takpan mo na lang 'yang tainga mo o kaya tanggalin mo. Pinanganak ka yatang chismoso kaya malakas ang pandinig mo e."

Nagsalubong ang kilay niya. Napadako naman ang tingin niya sa notebook ko. Tinakpan ko 'yon pero huli na dahil nakuha na niya.

Na-alerto ako dahil hawak na niya ang notebook ko na mali-mali ang sagot!

"Your handwriting sucks," asar niya pa.

"Akin na nga!"

Pinipilit ko na abutin 'yong notebook pero tinataas niya 'yon. Alam niya na lamang siya sa tangkad kaya niya 'yon ginawa.

Naiinis na rin ako.

"Your formulas are all wrong," dagdag pa niya.

"Alam ko! Ibigay mo na!"

Kapag talaga narinig ni Mrs. Salonga ang boses namin, mapapalayas kami.

Tinaas pa niya ang kamay at braso niyang hawak-hawak ang notebook ko habang diretso ang tingin sa akin. Nakangiti pa na nakakaasar.

"Ibigay mo sa akin 'yan," seryoso kong saad.

"Abutin mo muna."

"Isa."

"Get it yourself."

"Dalawa."

"Kunin mo nga."

"Tatlo."

Batchmate, Batch-hateWhere stories live. Discover now