Chapter 7

9 4 2
                                    

Sinundan ko agad si Clanette matapos kong magpaalam kay Rowan.

"Clanette!" pagtawag ko pero para bang wala siyang naririnig.

Mabilis pa ang paglakad niya kaya binilisan ko rin ang akin.

"Cla—"

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Akala ko ay narinig niya ang pagtawag ko sa kaniya pero hindi naman siya lumilingon sa direksyon ko.

Nakatingin siya sa isang silid-aralan na hindi na masyadong ginagamit. Bukas ang pinto no'n kung saan siya nakasilip pero sarado ang mga bintana.

Lumapit pa ako sa kaniya pero parang hindi niya ramdam ang presensya ko.

Tumingin rin ako sa tinitignan niya at laking gulat ko na lang dahil naroon si Gaude na nakatayo at may nakayakap sa kaniya na kamukhang-kamukha ni Clanette.

Dalawang Clanette?! Kambal?! May impostor?! Charot!

Salit-salit ko silang tinignan, si Clanette sa loob at si Clanette sa labas. Nakayakap pa rin si Clanette sa loob kahit hindi naman nakayakap sa kaniya si tagapagmana ni Satanas at umiiyak din siya.

Pansin ko rin na inis ang ekspresyon ni Clanette na katabi ko.

Anong nangyayari?

Humiwalay si Clanette sa loob sa pagkakayakap niya kay Gaude.

Pinunas-punasan din niya ang luha niyang patuloy na tumutulo.

Bigla namang pumasok si Clanette na katabi ko kaya napatingin sa kaniya si Gaude at boogsh!

Sinampal niya si Clanette sa loob!

Tama 'yan! Sampalin mo ang impostor mo! Joke.

Nagulat kaming tatlo sa ginawa niya. Ano'ng gagawin ko? Wala akong ideya! Baka magpatayan sila rito!

"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw nung nanampal.

Nakahawak si nasampal sa pisngi niya na namumula.

"Alam mo naman na gusto ko siya, di ba?! Bakit ba lahat na lang ng gusto ko at pagmamay-ari ko, inaagaw mo?! Bakit ba lagi na lang ikaw, Clanette?!"

Si Clanette 'yong nasampal? E sino pala 'tong nanampal? Magkamukha sila, ibig sabihin lang no'n ay kambal sila. Pero ano namang pangalan niya?

"Noon pa lang, ikaw na ang paborito. Lahat binibigay sa'yo! Lahat pwedeng-pwede mo na gawin! Lahat ng atensyon na sa'yo na! Paano naman ako?!" dagdag pa niya.

Ramdam ko 'yong sakit. 'Yong nagtatago ka lang sa anino ng kapatid mo. Wala akong kapatid pero 'yong magtago sa anino ng isang tao? Oo. Lagi lang akong nasa anino ni Gaude.

Masakit siguro ang pinagdaanan niya. Pero kahit gano'n ang binibitawan niyang mga salita ay para bang may parte sa kaniya na ayaw 'yong sabihin. Mahal niya pa rin si Clanette, hindi bilang isang kapatid lang, kung hindi bilang kalahati niya.

Bahagyang lumayo si Gaude sa kanila. Ayaw niya siguro na maipit sa away ng magkapatid.

Kahit naman pagagawan nila si Gaude, wala namang interes sa kanila 'tong lalaking 'to. Nagsasayang lang sila ng oras. Ni-reject kaya niya ang kalahati ng populasyon ng mga babae rito sa school. Tapos aamin pa 'yong kalahati.

Batchmate, Batch-hateWhere stories live. Discover now