"Si Mama parang produkto na tinitinda."
"Bakit naman?"
"Minsan kasi nagmamahal, minsan nagmumura."
"Ang corny."
"Ang dami mong sinayang na papel!" sigaw ko kay Keith. Ang dami na nga niyang ginupit na colored papers pero wala pa rin siyang nagagawa na paper flower! Sayang ang mga puno! #SaveTheTrees
Huwebes na kasi ngayon. Malapit na ang Intramurals! Pero hindi pa rin tapos ang dekorasyon namin. Ang gaganda na ng mga dekorasyon sa ibang classrooms. Oo na! Maganda na rin 'yong kanila Gaude! Sila na! Oo, sila na!
"Handa na 'yong Cotton Candy stand natin!" sigaw ni Pres mula sa pintuan.
Naisip kasi namin na magtinda ng Cotton Candy na iba iba ang kulay at disenyo. Pandagdag naman sa class funds ang kikitain namin. Pambili ng walis, floor wax o kaya pang-handa sa Christmas Party.
"Huwag niyong ilalagay si Rexen sa stand! Mauubos agad ang paninda natin pero wala pa tayong kinikita!"
Sumilip ako sa labas at nakita ko na marami nang nakahanda para sa Intrams. Food stands tulad ng takoyaki, popcorn, fishball, kikiam at iba pa. Mayroon ding sa tingin ko ay stand ng mga bracelets, kwintas at kung ano-ano pa.
Nakaka-excite naman!
Gusto ko sanang imbitahan sina Mama kaya lang abala sila sa pagta-trabaho. Bibigyan ko na lang sila ng souvenir.
"Ah, miss? Pwede magtanong?" Isang boses mula sa kanan ko ang narinig ko.
Nilingon ko iyon. Isang lalaking Grade 8 student—yata.
"Sure. Ano ba 'yon?"
"Saan ko po makikita si Ate Yvonne Estes?"
Ako 'yon ah. May ginawa ba akong krimen? Nangholdap ba ako? Sikat na ba ako at gusto niyang magpa-autograph? May na obsess ba sa akin na mafia boss tapos ayaw niya na mawala ako sa tabi niya kaya gusto niya ako na bumalik sa mansyon niya at nagseselos din siya kapag may kausap ako na ibang lalaki?
"Ako po 'yon."
"Ay, sorry. Hello po. Ako po si Andrei Ysteban. Gusto niyo po ba na sumali sa Quiz bee para sa Intramurals?" masaya niya na tanong.
WAAAAAHHHHH! QUIZ BEE?! OO NAMAN!
"Talaga? Sige, sige!"
Kunwari na lang hindi ako excited.
"Ito po. Paki-sign up na lang. Sige po, ate."
May inabot siya sa aking lengthwise na papel saka siya naglakad paalis. Nawala sa isip ko ang tungkol dito! Akala ko inalis na nila ang Quiz bee. Akala ko rin na hindi na ako makakasali ngayong taon!
Tinaas-taas ko pa ang dalawang kamay ko na may hawak ng form. Hays. Ang sarap mabuhay.
"Weird na nilalang," ang sabi ni Gaude na nasa likod ko lang pala.
"Anong sinabi mo?! Suntukan na lang oh!"
"Nakatanggap ka rin pala."
"Ikaw din ba?"
"Oo. Ibig sabihin, magkalaban tayo."
Ano? Ako at si Gaude, magkalaban? AYOS 'YON! KALABAN KO ULIT SIYA! MABUTI NAMAN! HINDI KO KAKAYANIN NA MAKASAMA SIYA SA TEAM!
"E di mabuti," komento ko pero parang hindi siya masaya.
"Mag-deal tayo," sabay tingin niya sa mga mata ko.
"Deal? Sige ba," pagtanggap ko naman ng hamon niya.
"Kapag nanalo ako, sa akin ka sa loob ng isang buong araw."
Date ba ang ibig niyang sabihin? Siyempre hindi ako papayag na makipag-date sa lalaking 'to!
"Okay! Pero kapag ako ang nanalo, gagawin mo ang lahat ng iuutos ko!"
"Deal."
Nakipag-kamay siya sa akin na siyang tinanggap ko naman.
Ayos!
Masaya ako na bumalik sa classroom. Hindi man lang ako kinakabahan. Magre-review na rin ako mula bukas.
Nilagay ko sa envelope ko ang form na binigay sa akin ni Andrei nang hindi pa rin nawawala ang ngiti ko sa labi. Bwahahahahaha!
"One," tawag sa akin ni Dominic.
"Hi!"
Nagulat pa siya sa sigaw ko. "Sobrang saya mo naman yata ngayon?"
"Siyempre! Sasali ako sa Quiz bee tapos kalaban ko pa si Gaude!"
"Sayang naman."
"Bakit?"
"Sasali rin ako sa Quiz bee, pero English quiz bee," malungkot na tugon niya.
"Ano namang sayang doon?" nagtataka ko na tanong.
"Hindi tayo magkasama."
"Ano ka ba? Ayos lang 'yon. Para namang hindi ka makahinga kapag wala ako," biro ko naman.
"Parang ganoon na nga."
"Ewan ko sa'yo."
Tumulong na lang kami pareho sa mga kaklase namin na nagde-decorate.
Gupit dito, gupit doon. Dikit dito, dikit doon.
"Sana colored paper na lang ako."
"Bakit naman, aber?"
"Para makulayan ko ang buhay mo."
"Yuck. Ang asim."
Tinignan ko kung may improvement ba sa ginagawa ni Keith. Mayroon naman, may lima na siyang nagawa na paper flowers. Sabi nga nila, "trust the process." Pero walang process dito!
Napansin ko naman na napupuno na ng basura 'yong malaking plastik na pinagtatapunan namin ng mga papel na ginugupit namin. Abala ang lahat sa kani-kanilang ginagawa kaya napagpasyahan ko na ako na lang ang magtatapon.
Dinampot ko na 'yong plastik na nakatambay sa gilid ng board. Lumabas na rin ako ng classroom.
"K-K-Kiel. . . uhm. . . w-will you g-go out w-with me?"
"Hm?"
Dinig ko ang dalawang boses mula sa classroom nina Gaude. Malayo ako nang kaunti sa pinto ng classroom nila pero sapat na para makita ko ang nangyayari sa loob.
May dalawang tao, si Gaude at isang babae. Alam ko 'tong eksena na 'to. Araw-araw ko 'tong nakikita, e. Nakakairita na rin kung minsan.
Bakit ba kasi kung nasaan ako laging may confession na nangyayari?
Kaunting-kaunti na lang talaga.
Pero as usual, alam ko na rin naman ang sagot ni Gaude sa mga babae na umaamin ng kanilang pag-ibig sa kaniya. Naks naman.
Umirap na lang ako at nagsimulang humakbang, lalagpasan na sana ang classroom nila—
"Sure."
Ha? Ano raw? For real?
Nagtataka ang mukha ko na napatingin sa dalawang nasa loob. Totoo ba 'yon? Himala naman yata 'to. Hindi niya ni-reject. Swerte naman no'ng babae. Sa dinami-dami ng babaeng umamin kay Gaude, siya ang napili niya. Makes sense. Maganda 'yong babae. Maputi at bagsak ang buhok. Ewan ko lang sa grades. Talk about luck and charm.
"I'll go out with you," dagdag pa nitong lalaking 'to.
Totoo nga. Hindi ako nananaginip! Siyempre hindi rin nakawala sa paningin ko 'yong reaksyon no'ng babae. Masaya.
Napansin siguro niya na nakatingin ako sa kanila kaya lumingon siya sa direksyon ko.
Nakangisi pa ang hayop!
Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na palayo sa taong walang maidudulot na maganda sa akin.
YOU ARE READING
Batchmate, Batch-hate
Teen FictionWhen an overly competitive girl meets an overly competitive boy.