Chapter 14

8 4 0
                                    

"Pwede ba na manligaw?"

"Pwede ba na manligaw?"

"Pwede ba na manligaw?"

Apat na araw na ang nakalipas pero iyon pa rin ang gumugulo sa isip ko. Kahit saan ako magpunta, kahit ano ang gawin ko, kahit sino ang kasama ko, lagi 'yong pumapasok sa isip ko.

Wala pa rin akong naibibigay na sagot kay Dominic at sabi naman niya ay maghihintay siya.

Kaya ito ako ngayon, tambay sa library kahit nagsasaya pa rin ang mga tao sa labas.

Kung bibigyan ko siya ng pagkakataon, magsasayang lang siya ng panahon dahil hindi pa naman ako sigurado kung sasagutin ko ba siya.

Hindi ko rin alam kung ina-admire ko pa rin ba siya.

Napansin ko kasi nitong mga nagdaang araw na kasama ko siya, bumabalik na sa normal ang pakikitungo ko sa kaniya. Hindi na ako kinakabahan, hindi na ako natataranta, hindi na ako kinikilig.

At bakit?

Ang sagot ay hindi ko alam. Para sa akin ay isa na lang siyang normal na kaibigan—di tulad ni Nana na may mental health issues—kidding aside, wala na 'yong sinasabi nila na spark kapag inlove, siyempre hindi 'yon gagana dahil hindi naman ako inlove kay Dominic.

Tahimik ang buong library kung hindi lang ako nakarinig ng malakas na tawanan mula sa dalawang babaeng hindi ko kilala na malapit sa pwesto ko.

Palibhasa'y wala 'yong terror namin na librarian kaya may lakas sila ng loob na magingay.

Hinanap ko sila para sana patahimikin pero naknampucha! Ito 'yong dalawang babae doon sa labas ng club room, ah! 'Yong dalawang babae na tawa nang tawa!

Stalker ko ba 'tong dalawang 'to?

Mas lalong lumakas ang tawanan nila nang mapansin no'ng isa na nakatingin ako sa kanila.

"Ang kapal ng mukha niya 'te para gawin 'yon kay Kiel!" may pagrereklamo sa boses niya.

"True sis!"

"Akalain mo 'yon? Iniinsulto niya si Kiel?"

"Yeah, saan kaya siya humuhugot ng kakapalan ng mukha?" nakataas pa 'yong kilay niya.

"Totoo, hindi yata siya aware na malaki ang donations ng mga Gaude rito sa school! Nag-donate pa sila ng malaki para maging successful ang Intramurals!"

Naririndi na ako sa mga boses nila kaya mas pinili ko na lang na tumayo, lumabas at umalis. Tapos, sa dinami-dami ng topic naisipan nila si tagapagmana ni Satanas na siya ang pagusapan? Sa harap ko pa? Wut da heyl?!

Ako ba 'yong pinaparinggan nila? Ako 'yon, panigurado. Halata naman, e.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, wala ako sa mood para manood ng mga palabas ngayong Intrams.

"One?" boses ni. . . Ate Annie!

Patakbo ako na lumapit sa kaniya. Close na kami, e bakit ba?

"Hi, Ate!" taray, nakikiate.

"Kumusta ka na? Pasensya na masyado kasi akong busy sa negosyo."

"Ayos lang!"

Minsan naiisip ko na hindi talaga sila magkapatid ni Gaude, e.

Umupo kami sa isang bench matapos bumili ng popcorn at lemonade.

"Mabuti naman Ate at nakapunta ka, akala ko hindi ka dadalo, e."

"Ano ka ba? School ko rin 'to dati. Isa pa, gusto ko ring makita ang mga pagbabago no'ng mga taon na wala ako," sabay subo niya ng popcorn.

"Si Kiel, nakita mo ba?" tanong naman niya at luminga-linga sa paligid.

Oo, nga. Nasa'n 'yong lalaking 'yon? Baka nambababae na naman?

"Hindi ko a—"

"Ayon na pala siya, e," tumayo si Ate sabay sigaw ng, "Kiel! Halika rito!"

Nakuha pa no'n ang atensyon ng iba na kinahiya ko. Nakita ko rin si tagapagmana ni Satanas na papalapit na may inis na ekspresyon sa mukha.

No choice siya, ate niya ang tumawag, e.

"What?" masungit niya na bungad nang makalapit siya sa amin.

"Ganiyan ka ba talaga sa Ate mo? You're being disrespectful towards me!"

"Tsk."

Napansin niya na nakatingin ako sa kaniya kaya umiwas ako. Mahirap na, may pagka-assuming din kasi ang lalaking 'to.

Umupo—o mas maganda na sabihin na pinaupo siya ni Ate Annie sa tabi niya kaya nasa gitna ngayon si Ate.

Halata rin na ayaw niya na narito. Teka, ayaw niya ba na nandito ako? Malamang. Ayaw ko rin naman na narito siya. Mutual feelings ba.

"Kumusta na kayong dalawa? Siguro naman hindi na kayo nagsisigawan tulad ng madalas sabihin sa akin ng mga tropa mo, Kiel," pagiiba ni Ate Annie ng usapan.

"Ask her, not me," pagsusungit naman nitong isa kaya inirapan ko na lang siya.

Ngumiti na lang ako kay Ate Annie at nagisip nh ibang mapaguusapan. 'Yong gusto ko ay pambabae na topic para hindi makasabat itong isa. *evil laugh*

Aha!

"Ate, Annie, pwede magtanong?"

"Go on, One."

"Ano po ba ang pwedeng sabihin kapag may nagtanong sa'yo na gusto ka niya na. . . . ligawan?"

Napatigil si Ate Annie sa pagnguya ng popcorn at nabaling sa akin ang atensyon ni Gaude.

Mali ba 'yong sinabi ko? Hala!

"Ah, Ate, 'wag mo—"

"May gusto na manligaw sa'yo?" balik niya ng tanong.

"Ah, opo. . ."

"Sino naman?"

"Si Dominic—"

Nagulat kami nang walang pasabi na tumayo si Gaude. Ano na naman ba?

Sinamaan niya ako ng tingin saka umalis.

Anong nangyari?

Gusto ko sana na tanungin si Ate Annie pero parang siya ay nagtataka rin.

May saltik talaga 'to.

Oras ang lumipas. At sa mga oras na 'yon ay hindi ko nakita si Gaude. Hindi naman sa sinasabi ko na gusto ko siyang makita, ginugulo lang talaga ako no'ng inasta niya kanina.

Alam ko na rin ang isasagot ko kay Dominic. Sakto nga at kasama ko siya ngayon.

"Ah, Dominic," pagaagaw ko sa atensiyon niya.

Nagdadalawang isip ako. Mabait siya sa akin. Makokosensya ako kung paaasahin ko lang siya.

"Hm?"

Nasa pagkain nakatuon ang atensyon niya. Lunchbreak na kasi.

"A-Ano. . . kasi. . . 'yong tungkol doon sa tinanong mo. . ."

"Ah, 'yon ba? Hayaan mo na 'yon."

"Ha?"

"Kilala kita, One. Alam ko na pangarap mo na maging valedictorian ng batch natin. Ina-admire kita dahil napakasipag mo, napakagaling mo, napakabait mo at family oriented ka. Alam ko naman na distraction lang sa 'yo kung liligawan kita. Baka hindi ka makapagisip nang maayos. Ayos lang talaga sa akin. Abutin mo ang mga pangarap mo. Susuportahan kita. Pasensiya ka na rin, nagpadalos-dalos ako."

Wala akong naging tugon sa kaniya. Basta ang alam ko, bigla-bigla na lang tumutulo ang mga luha ko. 

"Salamat. . ."

Batchmate, Batch-hateWhere stories live. Discover now