Chapter 6

10 4 0
                                    

SEM BREAK NA! (HINIHILING KO NA MAKA-MOVE ON ANG LAHAT NG NI-REJECT NI GAUDE.)

Para sa iba, oo. Pero since tutulong akong mag-ayos para sa Intrams, narito ako ngayon sa school. Umalis na rin sina Dominic no'ng Sabado. Malungkot na ako, wala na si crush.

May mga nakikita akong estudyanteng palakad-lakad habang may hawak na colored papers, gunting, papel at kung ano-ano pang art materials. Dekorasyon siguro ang ginagawa nila. Rinig na rinig ko rin ang ingay na ginagawa ng mga players mula sa basketball court namin. Excited na excited na sila e may isang linggo pa matapos ng sem break.

"Nana!" tawag ko sa bruha nang makita ko siya na lumabas ng gym. Nag-manager lang naman talaga siya dahil pogi daw 'yong mga naglalaro.

"What? Wala akong pogi na nakita, wala akong mai-sha-share sa'yo," sarkastiko niyang saad.

"Loyal kaya ako kay Dominic."

"Oo na lang."

Sabay kaming pumasok sa loob ng classroom namin. Kaunti lang din sa section namin ang pumasok. 'Yong iba nabo-bore daw sa bahay nila kaya napilitang pumasok. 'Yong iba naman, tamad lang talaga pumasok.

Nilinis muna namin ang classroom. Gano'n din naman ang kabilang section. May 'Search for the Cleanest Classroom' kaya na program ang Student Council. Para raw sipagin kami na maglinis. Napapasama lang kami sa top ten pero hindi kami napupunta sa champion. Sino ang champion? 'Yong section ni Gaude. E di sila na ang masipag maglinis!

"Tumulong daw tayo sa pagbubuhat ng mga kahon!" sigaw ni Keith sa labas.

"Ito na!"

Sabay kami ni Nana bruha na lumabas para tumulong magbuhat ng mga kahon na hindi ko alam kung anong laman. Paninda siguro sa canteen, doon namin dinala, e.

Nakailang buhat na ako pero ang bruha ay isa pa lang. Kukunin pa raw niya kasi 'yong number ng driver ng truck. Syet! Ang hot—loyal ako kay Dominic. Loyal ako kay Dominic.

Tinalikuran ko na lang ang bruha at nahagip naman ng paningin ko si Clanette. Pumasok din pala siya. Papunta siya sa likod na bahagi ng campus. Ano namang gagawin niya doon?

Ibinaba ko muna ang hawak ko para sundan siya.

Nadatnan ko siya sa tambakan ng basura at may hawak na . . . . posporo? Susunugin niya ba 'yong mga basura? Ang sipag naman pala niya kung gano'n. Trabaho 'yan ng utility personnel, e.

Lalapit na sana ako para tanongin siya pero nakita ko agad na hindi lang posporo ang hawak ni Clanette. May hawak din siya na enveope. Envelope ko ba 'yon? 'Yong may laman na reviewer sa A.P.?

Napatayo na lang ako nang walang ano-ano niya 'yong sinindihan.

Sinunog niya 'yong envelope ko.

Sinunog ni Clanette na kaibigan ko 'yong reviewer ko. Bakit? Bakit niya naman 'yon gagawin? Inutusan ba siya ni Gaude na gawin 'yon para wala akong magamit na reviewer sa paparating na exams? Hindi ako pwedeng magkamali. Galit pa rin ba ang lalaking 'yon dahil sa paninigaw ko sa kaniya. Babagsak ako. Bababa ang grades ko. Wala na akong chance na maging valedictorian.

Saka ko na lang napagtanto na wala na pala si Clanette sa pwesto niya kanina.

Pinipigilan ko ang sarili ko na maiyak. Alam mo 'yong naghirap ka na magsulat? Makinig sa teacher at labanan ang boredom kapag nagka-klase tapos mawawala na parang bula ang lahat ng pinaghirapan mo? Ramdam ko 'yon. Maliit na bagay man para sa iba, pero para sa akin, hindi. Inabuso nila ang kabaitan mo.

Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang makarating sa restroom ng mga babae. Padabog ko na sinara ang pinto ng cubicle sa pinakalikod na bahagi ng restroom.

Malinaw na sa akin ang lahat. Kaya pala sinabi ni Nana na weird 'yong paghiram ni Clanette ng reviewer. Sem break ngayon, tapos Intrams na next week. Paano magkakaroon ng quiz or exam ang mga estudyante kung may event ang school?! Ang tanga-tanga ko! Kabobohan spotted!

Hinga nang malalim. Kalma, Yvonne, kalma.

Ano'ng gagawin ko? Hindi ko naman masisingit ang paggawa ng bagong reviewer. Hays. Saka na natin isipin yan.

Unang-una, ano'ng gagawin ko kay Clanette?

Hindi ito ang tamang oras para pakisamahan ang katangahan ko.

Lumabas ako ng restroom at hindi inaasahang bubungad sa akin si hudas.

Masama ang tingin ko sa kaniya.

"Why are you looking at me like that?" tanong niya. Putulin ko 'yang dila mo, e!

"Tabi," masungit kong pakiusap. Hindi naman talaga pakiusap 'yan.

"Umiyak ka ba?" tanong na naman niya.

"Paki mo?"

Halata sa mukha niya na napipikon na siya. Tama 'yan! Mapikon ka!

"We're preparing the club room," pag-inform niya naman.

"K," walang gana kong sagot.

Nilagpasan ko na lang siya at tinahak ang daan papunta sa club room namin.

Nadatnan ko roon ang mga club members na hindi ko pa kilala. Iginala ko ang mga mata ko sa buong silid pero wala talaga si Clanette.

Mas mabuti siguro na 'wag muna kaming magkita. Kailangan niyang magpaliwanag.

Dumampot na lang ako ng walis at winalisan ang sahig, malamang. Kung pwede ko lang 'to magamit sa mukha ni Gaude, ginawa ko na sana. Ihambalos ko sa kaniya 'to.

Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis nang may lumapit sa akin.

"Hi. Yvonne, right?"

Inayos ko ang tayo ko at hinarap siya. Ano nga ulit pangalan nito? Ito 'yong acting president ng club bago si tagapagmana ni Satanas, e. Nakalimutan ko na ang pangalan niya. Sana hindi niya mahalata.

"Hello," bati ko naman pabalik saka siya nginitian.

"Rowan," biglang sabi niya.

Nabasa niya yata ang nasa isip ko. Nakakahiya, naalala niya ako tapos siya hindi ko naalala.

"Sorry. Madali akong makalimot, lalo na kapag pangalan. Palayaw lang kasi ang ginagamit ko,"  halata sa boses ko na nahihiya ako.

"Ayos lang. Hindi pa naman tayo ganoon magkakilala."

Nag-usap pa kami tungkol sa kung ano-ano at nalaman ko rin na magkakilala sila ni Dominic.

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango naman siya. "Treasurer ako ng student council."

"Ang sipag mo naman kung gano'n."

"Hindi naman. Alam mo, bilib talaga ako sa'yo. Nakipag-bakbakan ka kay Lankiel."

Speaking of Lan—Gaude, nasaan na 'yon? Utusan ba niya kami para kami lang an

"Nakakapikon lang kasi talaga siya."

"Malala lang talaga anger issue mo."

"Nape-press kasi si anger madalas kapag siya ang kaharap ko."

"Halata nga."

Soft-spoken si Rowan. Mala-good boy ang atake. Pareho sila ni Dominic. Madali lang kausapin at lapitan. 

Sa dinami-dami ng mga lalaking mababait, bakit hindi nahahawaan si Gaude? Tadhana na yata talaga niya ang maging tagapagmana ni Satanas.

Napatingin ako sa labas dahil humampas ang malamig na hangin.

Hanggang sa nakita ko na dumaan si Clanette.

Batchmate, Batch-hateWhere stories live. Discover now