It's Saturday. Inaasahan ko na gising nang maaga 'yong babaeng 'yon. I waited for an hour sa Town Plaza pero walang Yvonne ang dumating.
Baka ayaw niya talagang pumunta? O baka naman ay nalimutan lang niya.
Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan ang bahay nila. Of course, I asked her friend na kapareho ang pangalan ng isang Mobile Legends hero.
Mabuti na lang at binigay niya, knowing her friend, Yvonne, na may sama ng loob sa akin.
Maganda ang bahay nila. May maliit na hardin at maliit na second floor na sa tingin ko ay isang kwarto lang ang kakasya.
Bukas ang gate nila na gawa sa kahoy kaya pumasok na ako. Of course, I knocked on their wooden door.
Binuksan iyon ng isang babaeng tingin ko ay 20 years ang tinanda sa akin. Nagulat pa siya, hindi niya siguro inaasahan ang pagdating ng bisita ni Yvonne. Hindi naman ako magiging bisita kung sumulpot lang ang babaeng 'yon.
"Hello po," bati ko sa kaniya.
"Hello rin, hijo, ano'ng maipaglilingkod ko sa iyo?"
"Nandiyan po ba si Yvonne? Ah, Lankiel po."
Kinuha ko ang kamay niya at nagmano.
"Ah, oo. Ako ang Mama niya. Kaya lang tulog pa siya, e."
Ah, tulog.
Pinapasok niya ako sa loob. Simple lang ang bahay nila. Maayos ang mga gamit, malinis ang kusina at kapansin-pansin ang sandamakmak na medalya at award ni Yvonne.
Elementary Class Valedictorian
Best in Rhymes and Poems
Best in Science
Best in Essay Writing
Best in Mathematics
Second Place in Declamation
First Place in Debates
at kung ano-ano pa.Nakapaskil din ang graduation picture niya no'ng elementary siya. Walang pinagbago. Maganda pa rin.
Pinatuloy ako ng nanay ni Yvonne sa kusina kung nasaan ang tatay niya—magkamukha sila— na siyang nagbabasa ng diyaryo.
Naagaw ko naman agad ang atensyon niya.
"Aba, sino naman itong gwapong binatilyo na ito?" tanong niya at ibinaba ang hawak na diyaryo.
"Lankiel po o Kiel," saka ko kinuha ang kanan niyang kamay at nagmano.
Ngumiti ako sa kanilang dalawa.
"Halika. Nasa taas si One," pagyaya ng Mama ni Yvonne.
Nauna siyang umakyat dahil isang tao lang ang kasya. Naroon na siya sa taas saka ako sumunod.
She knocked three times on the wooden door before yelling, "One! Bumangon ka na diyan!"
"Maya na. . . . inaantok pa ako. . ." sagot no'ng nasa loob na halatang pagod na pagod.
"May bisita ka!"
Wala na kaming narinig matapos no'n. Bumaba na rin si Tita—tinatawag niyang 'ate' si Ate Annie—dahil may niluluto pa raw siya.
Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Yvonne na magulo ang buhok, naka-pajama at kinukusot-kusot pa ang mata.
"Ano ba 'yon?"
"You're late," sagot ko dahil wala naman nang ibang tao rito maliban sa aming dalawa.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.
"WHAT THE FUDGEE BARR?!"
And she slammed the door right infront of me.
Tinawag ako ng Mama niya kaya bumaba ako at nagtungo sa kusina nila.
"Pasensya ka na, sumigaw si One. Jusko ang batang 'yon talaga."
"Ayos lang po."
Pinaupo ako ng Papa niya sa hapag nila.
We talked about a lot of things, pero karamihan ay tungkol sa akin.
After a few minutes bumaba na rin si Yvonne at sinaluhan kami.
Nanatili siyang tahimik, alam ko kung ano ang iniisip niya. It's either ayaw niya ako rito na kaharap ang mga magulang niya, o kaya ay nago-overthink siya kung may kung ano-ano ako na pinagsasasabi sa kanila kaninang wala siya.
"Magkasundo naman kayo?" tanong ni Tita na nagpatigil sa aming dalawa.
Nagsalubong ang tingin namin ni Yvonne na siya namang naintindihan ko.
"Opo," sabay naming sagot.
The breakfast ended well. To be honest, I never felt eating breakfast like this at home. It would always just me, alone.
Nagpaalam na muna ako sa kanila at lumabas para bantayan ang kotse ko.
A few minutes after, lumabas si Yvonne na salubong ang kilay.
"Bakit mo sinabing date 'to?!"
Wala akong sinasabi. Pero sure, I'll play along. Iisipin ko na lang na date 'to.
"That was a joke."
"Ang pangit ng joke mo!"
Pinigilan ko ang matawa saka sinabihan siya na pumasok na sa loob ng kotse.
Throughout the journey, nanatiling tahimik si Yvonne. I don't know what was running on her mind, pero mas mabuti na rin siguro 'to.
Nakarating kami sa Town Plaza within 10 minutes. Malayo kasi 'to sa bahay nila Yvonne na nasa dulo pa.
Judging by her expression, I can tell that she's amazed. Baka hindi pa siya nakakapunta rito, o baka dahil sa mga renovations.
It's our Mayor's birthday kaya pinaayos niya ang Town Plaza at inimbitahan ang buong bayan para makapag-celebrate. The real event will take place here, tonight.
Napagkasunduan namin na manood sa sinehan.
Nakapila kami when I noticed that she was staring at something. Sinundan ko ang paningin niya and yeah, she was staring at Inside Out 2's poster. Mabuti na lang at dito kami nakapila.
We bought two tickets and some snacks before proceeding inside.
We sat quietly. Hindi pa nagsisimula ang movie pero mukhang mauubos na agad ang popcorn.
"Kumusta na kayo ni Shane?" tanong niya at sumubo pa ng popcorn.
Shane? Who's Shane?
"Shane?" I asked, confused.
"'Yong pinsan ni Dominic."
"Oh, that girl. Shane ba 'yong pangalan niya?"
I don't remember anyone named Shane."Oo yata."
"There's nothing between us. I just agreed to have a date with her. . . . na hindi natuloy."
"Ikaw?" my turn.
"Me?" she pointed herself.
"You and the guy you mentioned earlier."
"Ah, si Dominic. Wala rin namang kami. H-Hindi niya ako nililigawan. . ."
After she said that, parang nawala ang kung anong bumabara sa dibdib ko at nakahinga ako nang maluwag.
The movie played. Bakit parang nasa mood ako ngayon?
As a child, I never got to watch cartoons or anything. Dad would always say 'go study in your room', 'you're supposed to run the family business', and 'make us proud'. So, I did everything I can to make them proud, which I achieved.
Pansin ko na napapaiyak 'tong katabi ko pero pinipigilan lang niya. I'll let her cry, laugh or show herself, her true self whenever she's with me. I want her to be comfortable with my presence.
Agad kaming lumabas matapos ang movie. The Town Plaza will get crowded later.
Pinunas-punasan niya pa ang pisngi niya. "S-Sorry. . ."
I got confused. "For what?"
"Ako lang ang nakaubos ng popcorn."
YOU ARE READING
Batchmate, Batch-hate
Teen FictionWhen an overly competitive girl meets an overly competitive boy.