Chapter 8

11 4 0
                                    

Tapos na ang sem break lahat-lahat pero hindi pa rin ako nakakapagpahinga. Hindi pa rin tapos ang preparations namin at inaalala ko pa ang upcoming exams at paggawa ng reviewers.

"P'wede ka namang lumiban muna," suhestiyon ni Nana.

Hindi naman dapat ako magrereklamo. Gusto ko naman 'tong ginagawa ko, e. Ine-enjoy ko lang ang high school days ko. Ang problema lang, tinatrato kami ng school na parang mga robot. Sunod-sunod ang events ng school at pagkatapos ay uulan ng activities. Mabuti at malapit-lapit na rin ang Christmas break.

"Ayaw ko."

Sayang naman kasi 'yong attendance. Plano ko pa naman na mag-valedictorian at hindi gano'n kadali ang maging valedictorian. Isa pa, may chance na makakuha ako ng scholarship sa magandang skwelahan at maka-bawas sa mga gastusin.

"Ikaw ang bahala. Kaya nga may Sabado at Linggo, e."

Alam ko na pagod din 'tong si Nana. Manager siya tapos minsan nakikita ko rin siyang tumutulong sa mga dekorasyon.

'Yong kay Clanette, hindi ko na alam kung nasaan na siya at kung ano'ng nangyari sa kanila ng kapatid niya. Hindi naman sa tsismosa ako, kaibigan ko pa rin naman siya kahit gano'n.

"May umamin na naman kay Lankiel," biglang sabi ng bruha.

"Wala akong pake," masungit ko na sagot.

Mabanggit lang ang pangalan niya, naiirita na ako.

"Ikaw kaya, kailan ka aamin sa kaniya?" may halong pangaasar sa boses niya.

"Loyal ako kay Dominic," proud na sagot ko naman.

"Sige, panindigan mo 'yan, ha."

Kahit naman umamin ako kay Gaude, hindi naman niya 'yon papansinin. Walang pakialam 'yon sa mga babae. Manhid siya! Manhid!

"Alam mo ba na red flag si Gaude?"

"Wala akong marinig."

"Ewan ko sa'yo."

Pareho kaming napatigil sa paglalakad dahil nakatayo ang malungkot na babaeng hindi ko nakita nang ilang araw. Halata ang eyebags niya at magulo ang maganda niyang buhok.

"Mauna na ako, One," paalam ni Nana saka nilagpasan si Clanette na nakatayo lang sa harap ko.

Bubuka na sana ang bibig niya para magsalita pero hindi na natuloy dahil niyakap ko siya nang mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Nakakahinga pa naman siya. Hehe.

Humiwalay ako sa yakap at pinunasan ang luha ko. Si iyakin pala 'to, e.

"May utang ka sa akin na paliwanag."

Tumambay kami sa isang bench sa open area ng school. Nanatili ang tingin niya sa lupa.

"Kambal ko siya, si Clarette," panimula niya. "Hindi maganda ang relasyon namin. Iniisip niya kasi na ako ang paborito ng mga magulang namin. Na lahat ng dapat sa kaniya ay kinukuha ko. Kahit ang totoo, nape-pressure na ako dahil sa taas ng expectations nila sa akin. Gusto nila na maging katulad nila ako. Sinadya ko pumalpak kapag may pinagagawa sila sa akin, baka sakali na ma-disappoint sila at huwag nang umasa sa mga kakayahan ko. Gusto ko na gumalaw na hindi nila ako kailangang sabihan."

Binigay ko sa kaniya ang panyo ko para mapunasan niya ang luha niya.

"Si Clarette, hindi ko na alam ang gagawin ko sa kaniya," pagpapatuloy niya. "Gusto ko lang naman na maging mabuting kapatid sa kaniya, e. Sinubukan ko siya na tulungan paminsan-minsan, pero lagi siyang lumalayo. Lagi niya akong iniiwasan. Ni hindi man lang siya makatingin sa mga mata ko. Para bang, nagtayo siya ng malaking pader para makalayo sa mga tao. O nagtayo lang siya ng pader para makalayo sa akin na para bang isa akong nakamamatay na sakit. Pero kahit gano'n, hindi no'n mababago ang katotohanang magkapatid kami. Na iisa ang nanay at tatay namin."

Binigyan niya ako ng mapait na ngiti.

Sa tingin ko nga, hindi ko pa siya kilala nang lubusan. Hindi ko pa matatawag ang sarili ko na kaibigan niya dahil wala akong kaalam-alam sa mga pinagdadaanan niya.

"Sorry," mahinang tugon ko.

Umiling si Clanette. "Hayaan mo na. Hindi naman siguro habang buhay ganoon ang trato niya sa akin."

Sandali kaming nanahimik habang pinagmamasdan ang paligid namin.

Ah, buhay.

"Lilipat na ako ng school, Yvonne," biglang pagbasag niya sa katahimikan.

Napatingin ako sa kaniya. "Sigurado ka ba?"

Tumango na lang siya. "Gusto ko na mag-aral sa school ni Clarette. Alam ko naman na ayaw niya. Kinahihiya niya nga ako na maging kapatid, e."

"Clanette. . ."

"Huling araw ko na rito." Bigla naman siyang tumayo. "Pakisabi na lang kay Kiel na sa ilang taon ko na pag-aaral dito, siya lang ang naging crush ko. Sana makahanap siya ng taong mamahalin niya rin. Ikaw rin, One, sana huwag ka nang mag-overthink sa pag-ibig. Pagbigyan mo ang puso mo!"

Pagbigyan, huh?

"Pero—"

"Sorry nga pala doon sa reviewer mo. Hindi ako 'yong nanghiram. Sorry din dahil sa ginawang pagsunog ni Clarette doon. Inamin niya kasi sa akin na medyo galit siya sa'yo dahil malapit ka raw kay Kiel."

Hindi na niya ako hinintay na makasagot at naglakad na siya paalis, papunta sa direksyon ng building nila.

Ako? Si Gaude? Close? Nah. Malabong mangyari.

"Kawawa naman pala 'yang friend mo," komento ni Nana matapos ko na ibahagi sa kaniya ang kwento ni Clanette. Hindi ko chinismis, binahagi ko. Magkaiba 'yon!

"Ano nang gagawin niya ngayon?" tanong pa niya saka uminom ng Yakult.

"Lilipat na raw siya ng school. Doon daw sa school ng kambal niya."

"Goodluck pala riyan sa friend mo."

Pumasok kami sa classroom namin na kalat-kalat at kakaunti ang disenyo. Hindi ko 'to napagtuonan ng pansin no'ng break dahil nagfocus ako sa mga booths at pagaayos no'ng gymnasium.

May nakikita pa ako na mga kaklase ko na nagde-decorate tulad nina Karleen, Antonia at Rexen. Tumutulong din naman ang mga lalaki. Itong si Keith laging puyat.

"Ishoot mo, pre!" sigaw ni Jerome kay Alexis na may hawak na crumpled paper. Mga lalaki nga naman.

"Kulang 'yong colored papers!" sigaw ni Nerylle na gumagawa ng—ewan kung ano 'yong ginagawa niya. Ang hirap intindihin.

"Bumili ka na lang!" sigaw naman ni Nathalie at inabutan si Nerylle ng one hundred pesos. Siya talaga 'yong pinakamayaman sa section namin. 'Yong classmate ba na laging may madudukot sa bulsa.

Ewan ko naman dito kay Maureen kung ano'ng balak niya sa buhay niya. Low budget 'Asoka' challenge ang ginagawa kahit ang totoo ay 'aso ka' challenge ang kinalabasan. Support na support naman si Nallyn, ang kikay ng section.

Napasampal na lang ako sa noo ko. Walang patutunguhan 'tong section namin. Natawag na rin kaya kami na 'worst section'.

"Hi," bati ni Dominic na biglang sumulpot sa harap ko.

"Hello," bati ko naman pabalik. "Sorry doon sa nangyari no'ng umuwi ka. May saltik kasi si Gaude, e."

"Hindi, ayos lang 'yon. Nagulat nga ako, e."

Nagtaka ako sa sinabi niya. "Bakit?"

"May kumakalat kasi na chismis na baka allergic daw si Lankiel sa babae. Lagi kasi siyang lumalayo kapag may lumalapit sa kaniya."

"Imposible naman yata 'yon."

Lagi ko kaya siyang nakikita na malapit sa babae na magco-confess sa kaniya. May binulong pa nga siya doon sa babae sa harap ng canteen, e. Oo! 'Yong muntik na akong mamatay sa gutom!

"Sayang nga, e," dagdag pa niya.

"Hm?"

"May hawak na sana ako na record na 'ang nagiisang lalaking nakahawak kay Yvonne'."

Batchmate, Batch-hateWhere stories live. Discover now