Chapter 1

702 10 2
                                    

TUTOK na tutok ang mga mata ni Peachy sa telebisyon; walang kakurap-­‐‑kurap habang naka-­‐‑focus ang mga iyon sa guwapong mukha ng favorite niyang Hollywood star na si Dean Cain, ang lalaking gumaganap bilang Clark Kent sa TV series nitong Lois&Clark.**

Mayamaya ay lumitaw naman ang mukha ni Teri Hatcher na siya namang pumapapel na Lois Lane. Nagkaroon ng passionate kissing scene ang mga ito—at doon na natapos ang palabas.

"Hay, sana'y ako na lang ang naging si Lois Lane!" parang nananaginip na nasambit niya matapos na i-­‐‑off ang TV. "Siguro'y ang sarap humalik ni Dean Cain!" At saka kinagat niya ang pang-­‐‑ibabang labi.

Gustung-­‐‑gusto niya ang simpleng pagkaguwapo ng lalaki. Hindi nakakasawang tingnan. At saka kinikilig siya sa pagka-­‐‑macho nito.

Sabi pa nga niya sa kanyang mga kaibigan, kung hindi rin lamang siya makakatagpo ng lalaking kahawig ni Dean Cain, hindi na siya makikipag-­‐‑boyfriend. Not unless—of course—mayaman iyon!

"Policarpia! Ano ka ba? Ma'nong lumabas ka riyan at tulungan mo ako rine!" Malakas ang tinig ni Aling Tasing, ang kanyang ina.

Napasimangot siya. "Hmp, si Nanay talaga! Hindi na nasanay! Hanggang ngayon, malutong na 'Policarpia' pa rin ang tawag sa akin," bulong niya sa sarili. "Oho, nandiyan na ho!" mayamaya'y tugon niya rito.

Truth to tell, iyon ang kanyang totoong pangalan. Policarpia de Asis. Nabinyagan lamang naman siyang "Peachy" noong nag-­‐‑high school na siya. Sabi ng kanyang mga kaklase, baduy raw ang kanyang pangalan. Kaya pinalitan ng mga iyon.

Pero sa bahay, malutong na "Policarpia" pa rin kung tawagin siya ng tumatandang ina. Maliban lang kay Isay, ang kanyang bunsong kapatid na naturuan niyang tawagin siyang "Ate Peachy."

Bago tuluyang lumabas, humarap muna siya sa salamin ng kanilang aparador. Sinuklay niya ang buhok na pumapantay lamang sa kanyang balikat. Maitim at bagsak ang kanyang buhok; cute ang baby bangs na bumagay sa oval-­‐‑shaped niyang mukha.

"Anyway, what's in a name?" bulong na lang niya sa sarili. "It's the looks that counts! Beauty yata ako!"

Which was true naman. Talagang maganda siya. Iyong gandang hindi pagsasawaang tingnan. The more one looked at her, the more na maaakit na tingnan siya. Hindi nga lamang siya gasinong pansinin. Unang-­‐‑una, wala siyang magagarang damit. Wala siyang mga alahas. Hindi kasi siya ang tipo ng babaing trying hard—ang magpapakasosyal gayong wala naman siya. Natural lang siya. Saka na lang siguro siya magpapakasosyal kapag natagpuan na niya ang minimithi niyang man of the world.

Rich, handsome, young, na tipong mag-­‐‑o-­‐‑offer sa kanya ng malapalasyong bahay, ng at least tatlong uri ng sasakyan at kung anu-­‐‑ano pang luho ng katawan.

"Policarpia! Ano ba?" muling tawag ni Aling Tasing.

Nauntol muli ang imagination niya. "'Andiyan na nga ho!" At saka bubulung-­‐‑bulong na lumabas na siya.

Kapag ganitong gumagabi na ay malakas ang kanilang panindang barbecue. Palibhasa'y uwian ng mga empleyadong nagre-­‐‑render ng overtime.

Ang maliit na bahay na kanilang inuupahan ay suwerteng napatayo naman malapit sa mga pabrika sa may bahaging iyon ng Malabon.

Kung araw, nagtitinda si Aling Tasing ng mga lutong ulam at kakanin. At kung gabi nga ay nag-­‐‑iihaw naman: mga tinuhog na hot dog, laman ng baboy, isaw, at ulo't paa ng manok.

Malakas ang kanilang paninda. Palibhasa nga, karamihan sa mga manggagawang naroroon ay sa kanila na lamang halos kumukuha ng mga kakainin. "Palista" kumbaga; babayaran na lamang nang buo kapag araw ng suweldo.

Pag-ibig Sa Isang Pangarap - Liberty CaneteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon