Chapter 2

220 7 0
                                    

PASADO ala-una ng hapon. Wala nang kustomer sa pondahan nina Peachy. Kapag ganoong oras ay abala na lamang ang dalaga sa paglilista at pagkukuwenta ng kinita nila.

Hindi niya namalayan ang paglapit ng isang lalaki sa kanyang harapan.

"Miss, Coke nga!" sabi nito.

Tumingala siya. Naabot ng tanaw niya ang mataas na tindig nito.

Muntik na siyang matulala. Sapagka't guwapo ito. At hindi lang basta guwapo, ma-appeal. To be exact, kahawig ito ng hinahangaan niyang si Dean Cain. From head to foot. Ang tindig, ang pangangatawan, ang alun-along buhok—at ang magandang set ng ngipin. Perfect!

"Miss, sabi ko, isang Coke," nakangiting ulit ng lalaki.

Napahiya siya. Bahagyang namula ang pisngi niya. "S-sandali lang!"

Kumuha siya ng malamig na de-bote sa refrigerator. Binuksan niya iyon at saka iniabot sa lalaki. Hindi siya makatingin dito.

Naupo ito sa isang silyang ilang hakbang ang layo mula sa kanya, palinga-linga sa paligid. Manaka-naka'y napapasulyap siya rito. Ba't ganoon? Kabadung-kabado siya? May kung anong damdaming inihahatid sa kanya ang presensiya ng lalaki.

Okay, guwapo, pag-amin niya sa sarili. But it's not enough. Talagang pangarap niyang lalaki si Dean Cain, pero hindi ito si Dean Cain—look-alike lang! Bakit siya kakabahan? Imposibleng ito ang lalaking hinihintay niya dahil wala rito ang pormal na kasuutang hinahanap niya.

Wala ang disenteng kilos na inaasam niya. And most of all, wala ang magarang wheels—na pinapangarap niya.

So this man was not the man of her dreams. Na-amuse lang siya sa hitsura nito.

Ibinalik niya ang atensyon sa ginagawa, hindi aware sa kakaibang sulyap na ipinupukol sa kanya ng lalaki.

Kung bakit parang tukso namang napasulyap din siya rito. Nagkatitigan sila.

Sa halip na mapahiyang muli, kaagad siyang nakabawi ng composure. Taas ang noong sinalubong niya ang ngiti ng lalaki.

"Bakit? May kailangan ka pa?" tanong niya rito.

Umiling lang ito, nakatingin pa rin sa kanya. "Ano'ng pangalan mo?"

Umarko ang isang kilay niya. Marahil ay talagang nakasanayan na lamang niya ang ganitong style ng mga lalaki: ang magtatanong ng pangalan, and before you knew it, bisita mo na siya sa bahay mamayang gabi.

Anyway, isang bagay lamang ang kaibhan ng lalaking ito sa mga lalaking naglakas-loob nang lumigaw sa kanya. Suwerteng naregaluhan ito ng Diyos ng kaaya-ayang mukha, hindi paris ng ibang wala na ngang pera, maaskad pa ang hitsura.

Pinagbigyan niya ang lalaki.

"Ako naman si Roldan—"

Sukat doon'y umalingawngaw ang maugong na tinig ni Aling Tasing. "Policarpia!"

Napangiwi siya. Itinakip niya sa mga tainga ang dalawang kamay.

"Sinong... Policarpia?" takang-tanong ni Roldan.

"Ako, bakit? Gusto mong magtawa?" maagap na wika niya, sabay irap sa lalaki. "Kasalanan ko ba na noong namatay ang lola ko'y pangalan niya ang ipinamana sa akin?"

"Wala naman akong sinabi, ah," natatawang tugon nito.

Noon na bumungad si Aling Tasing. Ngumiti ito nang makita ang lalaki. "May bisita ka pala, Poling?" ang sabi.

Napakamot sa ulo si Peachy. Si Nanay talaga! Pinaiksi nga nito ang pangalan niya, wala namang ka-class-class. Poling!?

"Eh, hindi ko siya bisita, 'Nay! Singaw lang ho rito 'yan!"

Pag-ibig Sa Isang Pangarap - Liberty CaneteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon