Chapter 2

224 6 1
                                    

"PAPA, wake up na!" Narinig ni Andy ang tinig ng walong taong gulang niyang anak na si Loyd. Muli siya nitong inuga ngunit tanging ungol lamang ang naging sagot niya.

"I have to go to school, remember?" Base sa pag-­‐‑uga ng kama ay hinuha niyang bumaba na ito.

"Ang ulo ko." Sapo niya sa magkabilang kamay ang ulong tila binibiyak sa labis na sakit. Napaupo siya.

"Sabi ko naman kasi sa iyo, Papa, eh. Uminom ka na naman kagabi. 'Tapos ngayon may headover ka."

Natawa siya sa sinabi nito. Matalino ito, akala mo'y matanda kung magsalita. "Hangover."

Kumilos siya, akmang bababa ng kama. Ngunit hindi pa man ay lalong tumindi ang kirot na nararam-­‐‑daman niya sa ulo.

"Inumin mo ito, Papa." Inilagay nito ang isang gamot sa palad niya.

"Ano ito?"

"Don't ask."

Pagkatapos ay kinuha ng isa pa nitong kamay ang basong nakapatong sa side table at iniabot sa kanya.

Binasa muna niya ang nakasulat sa balot ng puting tableta. Aspirin, kinuha siguro nito mula sa kanilang medicine cabinet. Pagkatapos ilagay sa bibig ang tableta ay nilagok niya ang tomato juice na iniabot nito at alam niyang gawa rin nito.

"Thank you, Loyd." Ginulo niya ang buhok nito.

Nagkamali ba siya sa paraan ng pagpapalaki rito? Masyado pa itong bata upang akuin ang mga ganoong responsibilidad. Siya ang dapat na nag-­‐‑aasikaso rito, at hindi ito sa kanya.

Nakadama siya ng kurot sa kanyang konsiyensiya. Nilunod niya ang sarili nang nagdaang gabi sa alak upang kahit na papaano ay makalimutan niya ang sakit ng damdamin at matinding kalungkutan.

"Sino yung blue-­‐‑eyed girl na sinasabi mo kagabi, Papa?" Palabas na ito ng pinto, tangan ang wala nang lamang baso.

"May sinabi ba ako?"

"Meron. Paulit-­‐‑ulit mo nga iyong sinasabi kagabi, eh. Anniversary ninyo ni Mama kahapon, kaya ka naglasing. Hindi ba, Papa?"

Nawalan siya ng maisasagot sa tanong na iyon ng anak. Paksang ilang libong ulit na niyang pilit na iniiwasan.

Yumuko si Loyd, tila may nakita ito sa sahig. Pagkatapos ay mabilis nito iyong inihagis sa direksyon niya.

Walang mintis iyong bumagsak sa isang palad niya. Binuksan niya ang kamay at nakita niya ang isang bungkos ng mga susi, na maaaring nahulog mula sa kanyang pantalon kagabi.

"You still catch good, Papa."

"But of course, bakit naman hindi."

Ibinalik din niya ang mga susi rito sa ganoon ding paraan. Hindi ito umalis sa kinatatayuan sa tapat ng pinto. Tulad niya, walang mintis din nitong nasalo ang bungkos ng mga susi.

"At magaling ka ring sumalo," komento niya.

"Siyempre naman. Mana àta ako sa'yo."

"HAY, SALAMAT naman at bakasyon na," komento ni Flora. Pagal niyang isinandal ang ulo sa headrest ng kinauupuang sofa.

"Bakit hindi muna tayo umuwi sa Quezon?" suhestiyon ng kanyang mama na si Andrea. Sa biglang tingin ay hindi iisiping sisenta anyos na ito. Tulad niya ay nakaupo rin ito sa isang bahagi ng sofa, katabi ang kanyang papa na si Andrew.

"Maganda iyang naisip mo. Bakit nga ba hindi? Matagal na rin namang hindi ka nakakapagbakasyon doon, Flora," susog ng kanyang papa sa suhestiyon ng kanyang mama.

"Tutal naman ay tapos na ang klase, sumama ka na sa amin ng papa mo, Flora. Kailangan mo ring makapaglibang."

"Pero may mga estudyante pa ako sa Little Angels."

My Blue-Eyed Girl - ReinneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon