"AW! CAREFUL, Flora," komento ni Andy nang maramdaman ang mariing pagkakahawak niya sa buhok nito.
"A-‐‑Andy." Bahagya nang kumawala ang katagang iyon sa kanyang tila biglang nanuyong lalamunan.
Hindi niya malaman kung ano ang gagawin at iisipin sa pagkakataong iyon. Isipin pa lang niya ang eksenang nakita ni Loyd. Kulang ang hiyang nadarama niya para pagtakpan ang anumang larawang nabuo sa murang isipan ng bata.
Napatigil si Andy sa ginagawa at nag-‐‑angat na rin ng mukha, saka tumingin sa kanya na may pagtatanong sa mga mata. Pagkatapos ay sinundan nito ang tinitingnan niya.
Puno ng kainosentehan ang mga mata ni Loyd na walang anumang nakatitig sa kanila.
"Ano ang ginagawa mo rito, Loyd?" mataas ang tinig na tanong ni Andy sa anak.
By instinct, ay naitakip nito ang katawan sa kanyang kahubdan.
"Papa, 'di ba sabi mo mag-‐‑asawa lamang ang gumagawa ng ganyan?"
Lalo siyang nakadama ng panliliit para sa sarili.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," mataas pa rin ang tinig na sita ni Andy.
"Nauuhaw ako kaya—"
"Go to your room, now!"
"Bakit ka ba sumisigaw, Papa?" inosenteng tanong ni Loyd.
"Sinabi ko na sa iyong pumunta ka sa silid mo, ngayon din!" pag-‐‑uutos pa rin ni Andy.
"Okay!" Nagdadabog na tumalikod ang bata.
Saka pa lamang nagmamadaling bumangon si Andy mula sa pagkakadagan sa kanya. Iniabot nito sa kanya ang mga damit niyang nagkalat sa sahig.
Nanginginig ang mga daliri habang nagmamadaling inayos niya ang sarili. Kung hindi dumating si Loyd ay malamang na tuluyan na siyang nagpaubaya kay Andy.
Hindi niya malaman kung ano ang pumasok sa utak niya para magpaubaya rito nang walang sangkot na damdamin.
"Titingnan ko lang si Loyd sandali. Pagkatapos ay ihahatid na kita sa inyo," tiim-‐‑bagang na saad nito. Para bang walang anuman dito ang namagitan sa kanila.
Pagkatapos ay nagmamadaling tumalikod na ito at iniwan siya. Hindi naman niya malaman kung magagalit ba siya, o magpapasalamat sa maagap na pagsulpot ni Loyd kanina.
INABUTAN ni Andy na nakaupo sa tabi ng headboard si Loyd. Nanatili siya sa pinto, habang pilit niyang inaayos sa pagkaka-‐‑tuck-‐‑in ang kanyang polo.
Magkakahalong emosyon ang naglalaro sa damdamin niya nang mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung ano ang dapat na isipin o gawin.
"Ano ang ginagawa mo sa labas ng silid mo kanina?" may kataasan ang boses na tanong niya rito.
"Nauuhaw po ako kaya lumabas ako. Narinig kong may nagsasalita sa sala. Nakita kong bukas ang TV, pero walang nanonood."
"You have no business being there."
"But I was only—"
"No more arguments, naiintindihan mo ba?"
"Opo," tungo ang ulong tugon nito.
"Maghintay ka rito at ihahatid ko lamang si Flora sa kanila. Mag-‐‑uusap tayo pagbalik ko."
KAPWA tahimik sina Flora at Andy habang-‐‑daan. Pilit na itinutuon ni Flora ang paningin sa madilim na daang tinatahak ng kotse. Ilang ulit na nagtangkang makipag-‐‑usap sa kanya ni Andy, ngunit monosyllables lamang na sagot ang ibinibigay niya rito.
BINABASA MO ANG
My Blue-Eyed Girl - Reinne
RomanceFlorabelle wanted to belong to someone. Subalit parang nawawalan na siya ng pag-asa na darating pa iyon. Kung bakit ba naman kasi ang mga lalaking nagkakainteres sa kanya ay hindi niya gusto. At ang mga lalaking gusto niya ay tila hindi naman siya n...