Chapter 4

186 7 0
                                    

"SAAN ka pupunta?" tanong ni Andy kay Flora nang abutan siya nito. Pigil siya nito sa isang braso.

Nagtama ang kanilang mga mata. 'Di na nila alintana na kapwa na sila basa ng ulan. Ang payong na kanina pa niya pinipindot upang bumukas ay nanatiling nakasara.

Napatuon ang mga mata niya sa malapad nitong dibdib. Naglalandas doon ang bawat patak ng ulan. She fought the urge to touch him. She could only imagine the feel of his muscled chest against her palm.

Napapahiyang inalis niya ang mga mata sa katawan nito at itinuon iyon sa ibang direksyon.

"I'm going home." Hindi niya magawang salubungin ang mga mata nito.

Dapat sana ay ginawin siya. Subalit init ang nararamdaman niya sa pagitan ng maliit na distansya ng kanilang mga basang katawan.

"Iyan din ang sinagot mo sa akin noon," bulong nito sa kanyang tainga.

"Papa! Malakas ang ulan, sisipunin ka," narinig nilang sigaw ni Loyd mula sa loob ng bahay. Nakatayo ito sa bukas na pinto at nagmamasid sa kanila.

Noon piniling bumukas ng payong. Wala sa loob na sumilong sila sa ilalim niyon.

"Ikaw ang babaeng nakabunggo ko at tumulong sa akin," pahayag ni Andy, na ngayon ay malapit na malapit na sa kanya, towering over her.

"O-oo."

"Bakit hindi mo sinabi sa aking ikaw ang blue-eyed girl na hinahanap ko? All along, I thought you were just a part of my hallucination."

"Bakit pa? Para insultuhin mo?" This time, sinalubong na niya ang tingin nito.

"Ano ang masama kung tawagin kitang blue-eyed girl?"

"My eyes are not blue and I am not blue. And for your information, I have a very happy life."

Bahagya pa niyang itinaas ang baba upang bigyang diin ang tinuran. Gusto niyang malaman nito na masaya siya sakaling nabasa nga nito ang lungkot sa kanyang mga mata noong una silang magkita. Pero bakit kahit na siya ay hindi mapaniwalaan ang sinabing niyang iyon?

"But you were wearing a blue jacket then. And possessed the bluest eyes I've ever seen."

Ang pagkakataong iyon ang una't huli niyang pagtatangka na gamitin ang kanyang contact lens. Of course, malinaw na siguro nitong nakikitang iba ang kulay ng mga mata niya!

"So?"

"Blue is my favorite color." Isang mapanuksong ngiti ang sumilay sa mga labi nito. She felt that familiar tightening of her stomach sa tuwing makikita ang ngiting iyon. Why does he have to be so charming?

"Papa, magkakasakit ka niyan!" muling tawag ni Loyd sa ama.

"Ang mabuti pa ay pumasok ka na. Kanina ka pa tinatawag ni Loyd."

"Come with me."

"No. Kailangan ko nang umuwi sa bahay namin."

"Magkikita pa tayong muli." May pinalidad sa tinig nito. Saka pa lamang nito pinalaya ang kamay niyang nakabilanggo sa kamay nito. Kung bakit naman gawin iyon ni Andy ay hindi nito nagawang pawalan ang puso niyang kasama rin nitong ibinilanggo.

Isang tango lamang ang nagawa niyang itugon sa sinabi nito. Why would he want to see her again? Iyon ang tanong na naglalaro sa kanyang isip habang papalayo sa lugar na iyon. Nararamdaman niyang nakatanaw pa rin sa kanya si Andy, marahil ay hinihintay na makalayo ang kanyang sasakyan.

"SABI mo sa akin, huwag akong lalabas kapag umuulan. Bakit ikaw ginagawa mo iyon?" pag-aakusa ni Loyd kay Andy nang pumasok siya sa loob ng bahay.

"Dahil matigas ang ulo ko," akma niyang guguluhin ang buhok nito, subalit mabilis itong umiwas.

My Blue-Eyed Girl - ReinneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon