HININTAY muna ni Andy na marinig ang paglapat ng screened door bago humugot ng hininga.
"Flora I-I.." May pag-aalinlangan sa tinig nito habang hindi matuluy-tuloy ang sasabihin nito.
"Ano ang sinasabi ni Loyd?" tanong niya. Pilit niyang pinakakalma ang sarili dahil hindi makatkat sa isip niya ang binitiwang mga salita ng bata.
"The real plan was to ask you to marry me later tonight. Medyo napaaga lamang dahil sa katabilan ng anak ko. I'm sorry."
"Saan? Humihingi ka ba ng paumanhin dahil nasabi na iyon ni Loyd at pupuwede pa sanang magbago ang isip mo kung saka-sakali?"
"No! I was only saying sorry dahil ako ang dapat na unang nagsabi niyon sa iyo. Hindi si Loyd."
"It's okay." Pagkaraan ay ikinibit niya ang mga balikat.
"What do you mean okay?"
"Hindi ko naman pinanghahawakan ang sinabi ng isang walong taong gulang na bata. Isipin mo na lamang na parang walang nangyari."
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"Tutal naman ay nasabi na sa iyo ni Loyd ang totoo, so, bakit hihintayin ko pa ang mamaya upang itanong iyon sa iyo. Will you marry me, Flora?"
"You're joking, right?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Pero bakit—"
"I want you to be my wife, isa pa'y gusto kitang maging ina ni Loyd. Although, kung ako sa iyo ay matagal akong mag-iisip. Maraming nakikita ang batang iyon na hindi pa niya dapat makita. Masyadong madaldal, and to top it all, parang matanda kung mag-isip."
"Bale wala iyon sa akin."
"Are you sure na okay lang sa iyo ang magkaroon ng ganoong kakulit na anak?" Lumapit na ito sa kanya.
His fingers slowly tracing the length of her neck, pababa sa neckline ng kanyang suot na blouse.
Mariin siyang napapikit sa libu-libong sensasyong dulot ng simpleng paraang iyon.
"Hindi mo pa ako lubos na kilala. Wala ka pang nalalaman sa amin, liban sa mga nasabi ko na iyo. Kung sasabihin mong pag-iisipan mo muna, maiintindihan ko."
Magagawa ba niyang mag-iisip ng tama kung ganoong simpleng pagdadaiti lamang ng kanilang mga katawan ay tila nag-aapoy na ang pakiramdam niya?
"No. I'd like to marry you."
Ngayon lang din pumasok sa isip niya ang desisyong iyon. Ano pa ba ang dapat niyang malaman kay Andy? Mahal niya ito. Mahal niya si Loyd. Gusto niyang mapalapit sa mag-ama.
Isa pa ay pakakasalan siya nito. Iyon ang mahalaga. Kahit pa walang katugon ang damdamin niya rito ay sapat na sa kanyang makapiling ang lalaking ito.
"Can I sense a but there?"
"It's just that—" Lumikot ang kanyang mga mata. "Bakit mo ako pakakasalan, Andy?"
"Anong ibig mong sabihing bakit?" Sinapo nito ang kanyang mukha. "I want to marry you dahil mahal kita, Flora."
"T-talaga?" Bigla yatang nagkaroon ng bara ang lalamunan niya at nahihirapan siyang huminga.
"I love you," pag-uulit nito habang titig na titig sa kanyang mga mata.
"And I love you, too, Andy."
Nagtagpo ang kanilang mga labi, ngunit sa pagkakataong iyon ay wala nang pag-aalinlangan. Umaawit ang puso niyang ginantihan ang mga halik nito. Mahal siya ni Andy! Walang pagsidlan ang kagalakang nararamdaman niya sa reyalisasyong iyon.
"Siguro dapat na nating sabihin kay Loyd ang nangyari," aniya na bahagyang inilayo ang sarili rito.
"Mabuti pa nga. Tiyak na hindi na maipinta ang mukha noon," nakangiting wika nito.
Magkahawak-kamay na nagtungo sila sa labas ng bahay. Binuksan ni Andy ang kotse. Nanatili siyang nakatayo sa tabi nito.
"Loyd, may sasabihin daw sa iyo si Tita Flora mo," tawag nito sa anak.
Ngunit nanatiling walang kibo at nakaupo lamang sa passenger seat si Loyd. Nakasimangot ito. Parang wala itong narinig na nanatiling nakatutok ang mga mata sa ibang direksyon.
"Magpapakasal na kami ng papa mo, Loyd," sabi niya na bahagya pang yumuko.
"Talaga!" Saka lamang ito tumingin sa kanila ni Andy.
"Uhm," pagkokompirma niya.
Inilipat ni Loyd ang tingin ng amang nakatayo sa gawing likuran niya. Tumango rin si Andy bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
"Yehey!" Pagkatapos ay mabilis na yumapos sa leeg niya ang bata.
Kung hindi maagap na umalalay si Andy ay muntikan na siyang mabuwal dahil sa pagkabigla.
"Ibig sabihin, magiging mama na kita, Tita Flora?"
"Opo." Pinisil niya ang ilong nito na abot-tainga ang pagkakangiti.
"O, ayan Papa, ha? Pumayag na si Tita Flora na pakasal sa iyo. Huwag mo na akong iiwan mamaya kay Mrs. Ancheta."
"Hindi puwede, Loyd. Lalabas kami ni Flora mamaya. Hindi ka maaring sumama, and that's final."
"Pero—" Gusto pa sana nitong umapila.
"You're a good boy, 'di ba, Loyd?" malambing na tanong niya rito.
Atubiling tumango ito.
"Then you have to follow what your papa tells you, maliwanag ba?"
"Opo."
"That's good. Now give me a hug."
Sinunod naman nito ang sinabi niya.
"Okay, tama na iyan bago pa ako magselos. Aalis muna kami, Flora. Ihahatid ko lang ang makulit na ito. Don't forget about tonight."
Hinalikan siya nitong muli sa mga labi.
"Dapat ba akong magtago sa room ko kapag magki-kiss na kayo? Palagi kayong nagki-kiss, hindi ba? Dahil kapag nangyari iyon, parang wala rin akong mama." May hinanakit sa tinig ni Loyd.
"No, you don't have to, Loyd. Pero dapat kang masanay kapag naghu-hug kami at nagki-kiss. Because that's how you show your love," buong kagalakang paliwanag niya sa bata.
"Do you love me too, Tita Flora?"
"Of course I love you." Hinalikan niya ito sa pisngi. Pagkatapos ay niyakap ito nang mahigpit.
"Thank you. Can I call you 'Mama' now? O kailangan ko pang maghintay kapag nakasal na kayo ni Papa?"
"Thank you, too Loyd. And of course you can. I would really love that." Napakagaan ng kanyang pakiramdam. Para siyang idinuduyan sa alapaap. Narito at abot-kamay na lamang niya ang dalawa sa pinakamahahalagang tao sa kanyang buhay.
"Now, maaari na ba tayong umalis, Loyd? Kailangan nang magpahinga si Flora."
"Yes, Papa. 'Bye, Mama. I love you."
Napakasarap nito sa kanyang pandinig.
BINABASA MO ANG
My Blue-Eyed Girl - Reinne
RomanceFlorabelle wanted to belong to someone. Subalit parang nawawalan na siya ng pag-asa na darating pa iyon. Kung bakit ba naman kasi ang mga lalaking nagkakainteres sa kanya ay hindi niya gusto. At ang mga lalaking gusto niya ay tila hindi naman siya n...