Chapter 3

214 5 0
                                    

PAGKALIPAS ng dalawang araw ay inihatid na sa bahay nina Flora ang kotse. Pinalitan na ng talyer na kakilala ni Andrew ang side mirror niyon. Lulan ng kotse, nagpaalam ang kanyang mga magulang na magtutungo ang mga ito sa mga kaibigan. Dahil umuulan ay ipinasya niyang mamalagi na lamang sa loob ng bahay. Magbabasa na lang siguro siya.

Hindi naman siya makapag-concentrate sa binabasa niya, wala roon ang kanyang isip. Kaya pagpipinta naman ang naisip niyang gawin.

Napapitlag siya nang makarinig ng mga katok sa pinto. Iniwan muna niya ang ginagawa at tinungo ang pinto. Nang buksan niya ang screened door, nakita niya ang mag-amang Andy at Loyd na kapwa basa na ng ulan.

"Wala rito ang papa, Andy. Namasyal sila ng mama."

Niluwangan niya ang pagkakabukas ng pinto upang makapasok ang mga ito. Papasok na sana si Andy sa loob ng bahay nila, nang magsalita ang bata.

"Papa, don't forget to wipe your feet," paalala ni Loyd sa amang nakatayo pala sa harap mismo ng doormat. Walang anumang sinunod ni Andy ang sinabi ng anak saka pumasok.

"I-d-deliver na ng tagatalyer ang kotse ng papa kanina."

"Ganoon ba? Naisip ko kasing baka ikako kailangan ninyo ng masasakyan kaya nagpunta kami rito."

"Salamat na lamang sa offer mo."

"Ano itong ginagawa mo, Tita Flora?" tanong ni Loyd.

Nakatayo na ito sa harap ng malaking canvas. Magkasalikop ang dalawang kamay nito sa likod, na para bang isang matandang may malalim na iniisip.

"Nagpipinta ako." Muli niyang inokupa ang upuan sa harap ng easel.

"Ano ang ipinipinta mo?" tanong nitong muli.

"Gusto ko kasing i-drawing ang isang lugar na nakita ko sa aking panaginip."

"What are those?" Itinuro ni Loyd ang mga plastic bottles ng iba't ibang pangkulay na nasa sahig, gayundin ang brush.

"They're poster paints, Loyd. Ginagamit ko iyan upang magpinta. Isa ang pagpipinta sa mga hobby ko, lalo't ganitong umuulan at wala akong magawa."

"I use water color. Papa, ano ang hobby?"

"Ang hobby ang bagay na paborito mong ginagawa."

Tumigil sandali ang bata sa wari'y nag-isip. "Gusto kong mag-biking, mag-basketball at maglaro. Lahat naman gusto kong gawin, Papa, eh. Ibig bang sabihin niyon hobby ko rin ang mga iyon?"

"Yes, anak." Ginulo ni Andy ang buhok ng anak. "Pasensya ka na sa kadaldalan nitong anak ko."

"No, it's okay. Nalilibang nga ako, eh."

"What are you eating?" Nilinga ng bata ang katabi niyang pagkaing hindi naman nagalaw.

"Cookies. Gusto mo ba?"

"Puwede ba, Papa?"

"Kung bibigyan ka ni Flora bakit hindi."

"Sandali lamang at ikukuha kita ng juice. But you can already eat those cookies."

Agad na kumuha ng isa si Loyd at tinikman iyong. "Ang sarap ng cookies na ito. Saan mo ito binili, Tita Flora?"

May dala na siyang dalawang baso ng juice pagbalik, nakita niyang isa-isang dinidilaan ni Loyd ang mga daliri, upang alisin doon ang bahid ng tsokolate.

"I made them."

Iniabot niya ang juice sa mag-amang ito, pagkatapos ay hinarap muli ang kanyang pinipinta.

"Papa, tikman mo ang sarap, o."

"Sige na, Andy, marami pa naman diyan, eh," sabi niya sa lalaki.

Kumuha rin ito ng isa at tinikman.

My Blue-Eyed Girl - ReinneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon