Chapter 6

196 5 0
                                    

BUMALIKWAS ng upo si Flora nang mamulatan si Andy sa kanyang harapan.

"K-­‐‑kanina ka pa ba?" tanong niya sa malat pang tinig.

Masaya siyang makita itong nakabalik nang maayos. Bagaman maliwanag niyang nakikita ang pagod sa mukha nito at mga gatla sa noon lamang niya napansin.

She could swear na hinalikan siya nito. Pero alam niyang sa panaginip lamang niya iyon nangyari.

"Kararating ko lang. Si Loyd?" Tumayo na ito mula sa pagkakaluhod, inalis nito sa pagkakabutones ang cuffs ng long-­‐‑sleeved na suot nito.

"Kanina pa natutulog. Anong oras na ba?"

"It's almost two. I'm sorry I got home this late."

"Okay lang. Ang mabuti pa ay uuwi na ako."

"Ihahatid na kita."

"Sige."

"Sisilipin ko lang sandali si Loyd."

Ilang sandali pa ay sakay na sila ng kotse nito. Wala silang imikan habang daan hanggang sa makarating sa kanilang bahay.

"Maraming salamat sa pagbabantay mo kay Loyd. Magkano ang utang ko sa iyo?"

Napahumindig siya sa tanong na iyon ni Andy. Ginawa niya iyon hindi upang magpabayad dito, kundi dahil mahal niya ang bata at mahal niya ang lalaking ito.

"Hindi ko pinababayaran ang serbisyo ko."

Mabilis siyang bumaba ng kotse.

"Magbabayad din naman ako kahit na kanino kung sakali," paliwanag nito na humabol sa paglalakad niya.

"Sa iba mo na lamang i-­‐‑offer ang pera mo kung gayon."

"Look, kung na-­‐‑offend man kita I'm sorry."

Hinawakan siya nito sa siko at pilit siyang ini­‐‑harap dito.

"Apology accepted," tugon niya na hindi pa rin tumitingin dito.

"Are you so mad na hindi mo man lang masabi iyan sa mukha ko?"

"Okay, I said I accept your apology."

Ngunit wala na ang isip niya sa sinasabi. She can feel the small tremors inside her the moment their eyes locked. Tila nahihipnotismong nanatili siyang nakatitig sa mga mata nito.

Nang maramdaman niya ang mga labi ni Andy ay saka pa lamang niya napagtantong nais pala niyang matikmang muli ang halik nito.

"Goodnight," bulong nito sa pagitan ng kanilang mga labi.

"Goodnight."

"I still want to be with you, pero walang kasama si Loyd."

"Naiintindihan ko."

Isang kaway mula sa kanya ang naghatid sa papalayong lalaki.

"FLORA, may tawag ka sa telepono," anunsiyo ng kanyang mama nang labasin siya na abala sa pagdidilig ng halaman.

"Sino ho?" Walang anumang ipinagpatuloy niya ang ginagawa, ni hindi niya ito sinulyapan.

"Hindi ka ba maaaring manghula?" Isang maka-­‐‑hulugang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Pagkatapos ay walang anumang tinalikuran siya nito.

Kunot ang noong tinungo niya ang kinalalagyan ng telepono.

"Hello?"

"Hi, si Andy ito," anang tinig sa kabilang linya.

Hindi na nito kailangan pang magpakilala. Tinig pa lamang nito ay kilala na niya. She suddenly felt elated.

"Napatawag ka." Pilit niyang ikinukubli ang katuwaan sa tinig.

My Blue-Eyed Girl - ReinneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon