Chapter 8

186 5 0
                                    

"GOOD morning, Papa," bati ni Loyd kay Andy na kanina pa nito niyuyugyog.

"Good morning." Napilitang bumangon si Andy. "Kanina ka pa ba gising?"

"Opo," masayang tugon nito.

"Ang saya mo ba?"

Nagtuloy siya sa banyo at naghilamos. Pagkatapos ay nagpalit siya ng damit. Saka siya lumabas ng silid para maghanda ng almusal. Nakasunod lamang sa kanya ang anak.

"Ano'ng gusto mong almusal?"

Nagkibit lamang ito ng mga balikat. Tiningnan niya ang laman ng ref at inilabas ang ilang piraso ng hot dog, nagbiyak siya ng itlog sa mangkok, pagkatapos ay kumuha siya ng tasty bread at inilagay sa toaster.

Nakaluto na siya at magkaharap na sila sa mesa nang muli siyang magsalita.

"Siguro dapat ka nang matutong kumatok bago pumasok sa room ko." Inilakas niya ang laman ng isip.

Nasanay siyang silang dalawa lamang ni Loyd kung kaya't hindi talaga siya nagsasara ng pinto. Noong maliit pa lamang ito ay takot itong mapag-­‐‑isa sa sariling silid. Nung una'y palagi itong lumilipat sa kanyang silid at tumatabi sa kanya sa pagtulog. Anim na taon na ito nang saka lamang ito natutong mag-­‐‑isa sa silid.

"Para hindi ko maistorbo ang ginagawa ninyo ni Tita Flora kung kasal na kayo, Papa?"

"Oo—" Naisatinig na niya iyon bago pa man niya napigilan ang salita.

"Then, pakakasalan mo na siya!" Tuwang-­‐‑tuwa itong pumapalakpak. "May bago na akong mama!"

"T-­‐‑teka lang sandali."

"Sabi mo pakakasalan mo na si Tita Flora."

"Oo nga.. Pero hindi ko pa naman siya tinatanong. Isa pa'y hindi pa natin alam kung gusto rin niyang magpakasal sa akin."

"Eh, di itanong na natin. Ang papa talaga."

Tumayo na ito mula sa kinauupuan.

"Where are you going?"

"Magbibihis. Pupunta tayo kina Tita Flora, hindi ba?"

"Hindi tayo magtutungo roon nang ganito kaaga."

"Kailan?"

"I'll think about it. At hindi kita kasama kapag nangyari iyon."

"Si Papa talaga, o!"

"Now, tapusin mo na ang pagkain mo at mamayang hapon tayo pupunta kina Flora."

"Tatanungin mo na siya?"

"Nope. Magso-­‐‑sorry ka sa kanya."

Lukot ang mukhang muli itong naupo. Hindi niya napigilan ang mapangiti. Hindi niya namamalayang nakabuo na pala siya ng desisyon. Kinakailangan lang palang tulungan siya ng anak upang maamin niya sa sarili ang kanyang nararamdaman.

Sinulyapan niya ito na tila walang nangyaring hinarap ang pagkain.

NANG hapon ding iyon ay napagpasyahan ni Andy ang isang bagay. Hindi na siya makapaghihintay pa ng bukas o sa makalawa upang magpahayag ng damdamin kay Flora. Kung gagawin niya iyon dapat ay sa lalong madaling panahon na upang hindi na siya maunahan pa ng kaba at nerbiyos.

Napatawa siya sa sariling repleksyon. Para siyang teenager na noon lamang magpapahayag ng damdamin sa isang babae. Kunsabagay ay matagal na rin siyang walang practice. Hindi na nga yata niya alam kung paano ang manligaw. Nilingon niya ang pamilyar na larawan na nakapatong sa kanyang side table.

"Masasaya ang panahong pinagsaluhan natin, Lisa. Pero ang lahat ng iyon ay lumipas na. Kailangan kong magsimula ng bagong buhay. Alam kong hindi ka magdaramdam kung sasabihin ko sa iyong mahal ko si Flora."

My Blue-Eyed Girl - ReinneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon