02

364 9 0
                                    

Julian

I didn't see it coming. Hindi na ko nakaiwas ng tumama ang kamao ng lalaki sa panga ko. I let out a whimper as pain attact my jaw. Sa lakas ng tama ay bumagsak ako sa sahig.

Pa-uwi ako galing ng school ng may humarang sa akin. Dinala nila ako sa isang eskenita. They have my bag, phone and wallet. Hindi ako makakatakas dahil nasa kanila lahat ng ilang mga importanteng bagay sa akin.

Sa pagkakaalala ko siya yung lalaking nakuhanan ni Samuel kahapon ng pera. At kapalit he take all of my money. Nakahinga ako ng maluwag ng maalalang hindi ko dala ang mga credit card ko. Five hundred ang nakuha niya sa akin, nanghihinayang pa'rin dahil isang linggong baon ko rin ‘yon.

“Magtatanda ka na ngayon! subukan mong magsumbong, hindi lang ‘yan aabutin mo.” binalibag niya ang bag ko na agad kong sinalo.

I move my jaw and groaned when pain hits. Marahan kong hinawakan ‘yon at bahagyang hinaplos. Halos magluha ang mata ko sa sakit.

I stand up whining a bit when my back hurts. Sa pagkakabagsak ko siguro kanina. Isinukbit ko ang bag at inayos ang salamin ko bago umalis ng eskenita na ‘yon.

I don't have any money left. Mabuti at hindi nila natipuhan kuhanin ang phone ko. Mukhang pera lang talaga ang gusto nila.

I sighed. Sisingilin ko talaga si Samuel bukas. It's his fault, nadamay pa ako.

Wala akong nagawa kundi lakarin simula school hanggang sa apartment. Pahinto hinto para hindi hingalin. Bandang ala sais na ng gabi ng makauwi ako. Pagod at iniinda ang sakit sa panga.

Nag-apply agad ako ng cold compress para hindi mamaga. “Ah.. ang sakit,” I hissed under my breath.

Mariin ang pikit ng mata ko habang dinadama ang sakit na dulot ng cold compress sa pasang natamo. Nadislocate yata buto ko sa panga sa lakas. Hindi ko rin naman kayang lumaban sa dami nila. Hindi naman kami nagkakalayo ng height pero ano magagawa ng patpatin kong katawan?

Ganito na lang ba palagi? kahit saang lugar ako mapadpad palagi nalang gulo ang dulot. Wala na yatang araw na hindi naging mapayapa ang mundo ko.

“What happened to that?”

Tumikhim ako at inayos ang salamin. “Nadulas ako kahapon sa b-banyo.” paliwanag ko at umiwas ng tingin kay Mason.

Tumikwas ang kilay niya at hindi na kumibo. Nakakapeke talaga unang ekspresyong pinakita niya sa akin nung nakaraan. He looks kind but now he looks scary, but not totally. Parang nonchalant lang.

Inutusan niya akong linisin ang buong dorm na may pag-aalinlangan kong sinunod. I have a three hours vacant and I could clean his dorm for one and a half hour.

I need to finish some requirements but I couldn't tell it to him. Baka akalain nagdadahilan lang ako. Bibilisan ko na lang siguro ang paglilinis ko.

Hindi naman gan'on karumi ang lugar niya, kaya hindi na'rin kailangan ng sobrang linis. Inayos ko nalang ang mga patungan at inayos ang pagkaka arrange ng mga libro sa shelves. Nag-uromg na'rin ako ng sang katerbang maruming plato sa may lababo.

"When you're done. Buy me an iced coffee." dagdag na utos niya.

Tipid akong tumango kahit hindi naman siya nakatingin. Ng matapos ay dumiretso ako sa harapan niya para kuhanin ang perang ipambibili ng iced coffee. When he noticed me standing in front of him, he lifted his gaze from his phone to me.

"What?" he asked.

I gulped and played with the end of the sleeve of the uniform using my fingers. "Uhm.. kukuhanin ko sana yung pambili ng iced coffee?"

The Obsession Of Triumvirate (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon