15

263 7 0
                                    

Julian


I bit my lower lip as I stared at him manipulating his laptop. The side of his face looking so perfect. Matangos ang ilong, mahabang pilikmata at manipis na mga labi. He looked so manly. A greek god rather. Dahil siguro pare-pareho silang may lahi nila Hunter.

Damn. This is fucking turtore. Hindi pa kami bati. Pero grabe na ang pagpapantasta ko sa kanya. I want to hug him tightly. But I can't do it. Kahit naman magkabati kami hindi ko parin magagawa ‘yon. Baka mabigla at itulak lang ako.

Mabilis akong nagbaba ng tingin ng lumingon siya sa akin. Halos tumalon ang puso ko sa kaba na baka napansin niya ang pagtitig ko sa kanya.

“What part should we start?” He asked.

Mabilis akong tumalima. Bahagyang lumapit sa kanya, may distansya pa rin dahil sa takot na pati ang malakas na pagtibok ng puso ko ay marinig na niya.

“Ah.. dito.”

Inumpisahan ko ang part ko habang pinapaliwanag ko sa kanya ang dapat niyang gawin. Habang may ginagawa kami ay hindi ko parin maiwasang nakawan siya ng tingin. Kung pwede ko lang titigan nalang siya maghapon ay ginawa ko na.

Shit. This is bad. I’m so whipped. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ko sa kanya, dahil sa pagkakatanda ko kinasusuklaman ko pang makita ang pagmumukha niya.

“Done. Tama ba?” Tumingin siya sa akin kaya halos mapatalon ako sa kinauupuan.

Nilingon ko ang ginawa niya at mabilis ‘yong binasa. “M-May kulang sa part na ‘to. It should be like this.” Pinakita ko sakanya ang ilang binago at hindi naman siya umangal pa.

I’m kinda sad because if isn't because of this project, paniguradong hindi niya ako kakausapin. Hanggang tingin na naman ako ngayon. Ni hindi ko maasar at baka suntukin ako.

Habang ginagawa niya ang part niya ay nagtungo ako sa kusina para ipagluto siya ng makakain. Ayoko naman siyang pauwiin ng kumakalam ang sikmura.

“What should I cook for him?” Bulong ko sa sarili habang tinitingnan ang stock sa ref.

Nagluto nalang ako ng adobo dahil ‘yon lang din naman ang available na madaling lutuin. Sa pagmamadali sa paghiwa ng karne ay dumaplis pa ‘yon sa daliri ko.

I tsk-ed. Ang katangahan, Julian.

Hinugasan ko ‘yon at nilagyan ng band aid bago nag patuloy sa pagluluto. Ilang beses pa akong napaso dahil sa taranta. Patapos narin kase ang ginagawa niya at baka maisipan na umalis agad.

I was smiling widely while putting our plate on the table. May tiwala naman ako sa pagluluto ko pero baka kase hindi magustuhan kaya sinigurado ko talagang masasarapan siya.

Mabilis akong lumabas at nakita siyang nagliligpit. Nagliwanag ang mukha ko dahil mukhang tamang tama lang ang pagkakatapos kong magluto.

“A-Ah, Samuel. May niluto ako, dito ka na mag dinner.” Panghahaya ko sa kanya, buo ang kompyansang papayag siya.

“I have a date with Olivia.” Malamig niyang tanggi sa akin.

Mabilis napawi ang ngiti sa aking labi. A pain hit my chest. It's not about that he doesn't want have dinner with me. Dahil ‘yon sa pagpapaalala sa aking may iba nga pala siyang nagugustuhan.

Ang tanga naman, Julian. Bakit ba palagi mong nakakalimutan na may kahati ka? Hindi kahati.. dahil umpisa palang naman pag ma-may-ari na siya ni Olivia.

Pinigilan kong manginig sa inggit na nararamdaman at pinilit na ngumiti sa kanya.

“S-Sige. Enjoy your dinner with her. Hahatid pa ba kita sa baba?” Pinilit kong tatagan ang boses ko lalo at ayaw kong mahalata niya ang pagkabigo sa tono ko.

The Obsession Of Triumvirate (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon