Julian
My mind was drifting from somewhere. Hindi ako makapag focus sa trabaho. Pakiramdam ko lumulutang ako sa ere. Hindi dahil sa kaba o takot katulad ng dati, kundi sa kilig.
Gusto ako ni Mason? At si Samuel. Hinalikan niya ako. Ibig sabihin gusto niya na rin ako? Si Hunter? Does he like me too?
Agaran rin nanlumo ng may naisip. Baka naman, laro lang ang lahat? Hindi talaga nila ako gusto at trip lang nila?
I shut my eyes tightly. Hindi naman nila inaamin sa akin kung gusto nila ako. Malay ko ba kung umaasa lang akong meron nga?
But what about the kiss we shared? Yung sinabi ni Mason na gusto niya ako?
“This is the reason why I really like you.”
Baka dahil sa naging desisyon ko tungkol sa aming dalawa ni Olivia kaya niya nasabi ‘yon? What if..
Ano pa bang gusto mo, Julian? Kung gusto ka nila ano naman ngayon? Hindi ba’t ‘yon ang gusto mo?
Bumuntong hininga ako. Natapos ang shift ng trabaho ko pero ang isip ko ay lumilipad pa ‘din. Gusto kong umasa na baka meron nga silang pagtingin sa akin. Pero kung wala nga, Julian?!
Sikat sila sa university na pinapasukan ko. Their one of the elites. Habulin ng babae. Mga babaero ‘din. Tapos magkakagusto lang sa akin?
Nahihibang na yata ako. Hinalikan ka lang gusto ka agad? Pero kase. We're both guy. Bakit naman ako hahalikan ni Samuel. Dala ng damdamin? Baka nabigla lang?
Damn.. Iniwan na naman nila ako ng ganitong kaguluhan sa isip. Hindi ‘din pala ako matatahimik pagkatapos ng nangyari sa amin ni Olivia. Pinalitan lang nila ng panibagong gulo.
I lay on my bed. Panibagong araw bukas. Makikita ko kaya sila? Should I confronted them? Paano kung mapahiya lang ako, dahil nagkamali lang ako ng pag-intindi sa mga ginagawa nila sa akin?
“Ayos ka lang?”
Lumingon ako kay Chris sa tabi ko. Isa pa ‘to. Wala naman kaming pansinan dati dahil sa gagong kapatid niya na pilit pinapalayo siya sa akin. ‘Di sana matagal na kaming magkaibigan.
“Okay lang. Kulang lang sa tulog.” Mahina kong sagot sa kanya.
She looked at me carefully. Natawa ako dahil mukhang hindi siya naniniwala. Buwan palang kaming halos magkakilala pero parang alam na alam niya na ang mga kilos ko.
“Tumahimik ngayon. May nangyari ba kahapon nung pumunta kayo sa penthouse ni Kuya Hunter?” She asked curiously.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng tenga ko ng maalala ang nangyari kahapon. Napahawak ako sa tenga at hinaplos ‘yon. Sino matinong tao ang gagawa ng gan’on? Ang hilig umamoy ni Mason sa akin kahapon. Palaging nakadikit ang ilong kundi sa buhok ay sa tenga ko.
“Tapos na. Umamin na ‘din si Olivia. Hindi ko lang alam kung ano na nangyari sa kanya pagkatapos ng napag-usapan naming lima.” Sagot ko.
She sighed in relief. “Mabuti naman. Sabi na, eh. Ang gwapo mo naman kase. Sa itsura mo ngayon, mukha ka naman maganda. Para kang pinagsamang gwapo at maganda.” She giggled.
Namula ako at umiwas ng tingin sa kanya. Hindi pa'rin talaga ako sanay sa mga pumupuri sa itsura ko. Dati kase, I'll take that as an insult. Pero ngayon na kaibigan ko ang nagsabi, iba sa pakiramdam.
“Pagupit tayo gusto mo? Treat ko!” Haya niya.
Umiling ako, natatawa. “Ako na magbabayad, sabay na tayo.”
‘Yon ang napagplanuhan namin. Pagkatapos ng klase ay de-diretso kami sa salon para magpagupit. Gusto niya ng pabawasan yung buhok niya dahil masyado na raw mahaba, gan’on din ang akin.

BINABASA MO ANG
The Obsession Of Triumvirate (Rainbow Series #1)
Ficção AdolescenteCOVER FROM PINTEREST The world seems turned upside down when the four of them collided. Everyday seems so painful, full of anger and curiosity. What will happened when Julian tried to fight the three gang leaders who's clearly have more power over...