Epilogue

379 10 1
                                    


Hunter

After the long weeks inside the hospital finally nakalabas na rin si Julian. He looks okay now. Kaya payapa na ang nararamdaman naming tatlo. Nag-aalala pa rin dahil kailangan pa rin niyang mag-ingat.

It takes eight weeks until his total recovery from the surgery. He needs to balance his foods. Bawal siyang mapagod o gumawa ng mabibigat na bagay.

"Here. Dito yung kwarto mo. The rest was our room." Binuksan ko ang pinto at inalalayan siyang pumasok.

I saw how his eyes widened while looking around the four corners of the room. Napakurap siya at tiningala ako.

"A-Ang laki naman kung sa akin lang?" He murmured in shocked.

Natawa ako at hinitak na siya papasok. "Pwede mo namang isama dito si Yanyan kung nalalakihan ka."

"Isasama ko nga. Ang laki ng kama kung para sa akin lang." He sighed and gave me a bored look.

I chuckled and pulled his things near the walking closet. Binili na namin siya ng mga gagamitin niya sa eight weeks na pananatili niya rito. Since kaunti lang naman ang dala niya nung umalis kami.

Lumingon kaming pareho sa pintuan ng bumukas 'yon at sumungaw si Samuel na naka apron pa. Akala mo naman sila talaga nagluto. Ihahanda lang naman yung mga inorder ko, nag apron pa ang gago.

"The foods ready. Dadalhin na namin dito para hindi ka na bumaba." He smiled at us.

"Hindi ako sasabay sa inyo?"

"Dito na rin kami kakain sa taas. May lamesa naman sa labas, pwede na tayo d'on." I explained to him.

Marahan siyang tumango. I help him change his clothes. Panaka nakang gumagawi ang tingin ko sa tahi sa dibdib niya. Ramdam ko ang ilang niya habang pinapalitan ko siya. Hindi dahil nakikita ko ang katawan niya kung hindi dahil sa visible na tahi sa dibdib niya.

I sighed heavily. Nakatalikod siya sa gawi ko at busy sa pag-ayos ng buhok niya ngayon. Marahan akong lumapit sa likod niya at yumakap.

I felt him stiffened once I envelope him with my arms. Sinubsob ko ang mukha sa balikat niya at d'on suminghap.

"Thank you.." I whispered gently.

Mas lalo akong napapikit ng maramdaman ang paghaplos niya sa buhok ko. Sobrang rahan na parang hinehele ako.

God.. did we really deserve to have him despite the things we did?

"Para saan naman?"

Inangat ko ang mukha at ipinatong ang baba sa kanyang balikat. I stared at his reflection on the mirror. He's so darn beautiful that I think he's too good to be true.

"For staying..thank you for forgiving Mason and me for all the mistakes we made toward you..”

Hinilig ko ang mukha sa gilid niya at mas niyakap siya. Marahan siyang ngumiti at hinaplos ang kamay kong nakayakap sa maliit niyang bewang.

"Nagtatampo pa rin naman ako. Ikaw ba naman pagsarhan ng pinto ng dalawang beses." Reklamo niya.

Natawa ako at pinatakan ng mapinong halik ang leeg niya. I sniffed and sighed. "Sorry.. sa mga nagawa ko. Sorry kung hindi kita pinakinggan. I promise I'll make it up to you. Kaming dalawa ni Mason,"

Tumango siya at bumuntong hininga. "H'wag ng makitid ang utak, huh? Paano kung ako nakakita sainyo n'on at nagalit rin ako sainyo at habang buhay ko kayong hindi pansinin? Kayo niyo ba?"

Nanlamig ako at napaayos ng tayo. "I-I'm sorry.. hindi na mauulit. I'll be better for you, Julian.. and for myself too."

He nodded and tapped my cheek softly. "Let's compromise, hm?"

The Obsession Of Triumvirate (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon