Julian
I choked on my food when a hand land on my nape. Napahawak ako d'on kasabay ng sunod sunod kong pag-ubo. I heard their laughter as they watch me drink on my water still coughing.
Marahas ko silang nilingon at nakitang malaki ang ngisi sa mukha lalo na ang bumatok sa akin. Ng makita ang pagtalim ng tingin ko sa kanya ay muli akong nakaramdam ng batok.
It's been what? one week.. isang linggong ganito. I was bullied continuesly. Hindi lang sa si Samuel pati narin kay Jack. Pareho lang silang malala ngunit mas sobra ang kay Jack.
Nagpatuloy ang pagkuha ng pera niya sa akin kada linggo. I'd tried so hard to escape them but they always find a way to catch me. Pati kung saan ang trabaho ko ay alam nila kaya para maiwasan ang gulo ay kinailangan kong ibigay ang gusto nila.
While Samuel? pano nga ba?
It was Friday, two days after the camp. Dalawang araw ko siyang hindi nakita- silang tatlo. Nagulat na lang ako ng makita siya pagkatapos ng ilang araw. He changed a lot, there's a piercing on his tongue that I'd never seen before. His hair.. it's already black. Pero imbis na matuwa sa pagkakita sa kanya ay napalitan iyon ng pait.
He made fun of me. Sa harap ng madaming tao. Gusto kong umiyak sa hiya pero di ko magawa. Nilagyan niya ng pintura ang upuan ko. It was dark green almost look like a poop. At dahil kulay khaki ang suot ko ay nagmukhang dumumi ako sa shorts. It was embarrassing at the same time it hurts.
"Oh, 'di na kinaya Mr. Blake? sa upuan pa talaga?" pang-iinis niya, ngunit imbis na mainis d'on ay mas lalo lang sumakit ang loob ko.
Gamit ang nanginginig na kamay ay dinampot ko ang jacket ko ay pinalupot 'yon sa may bewang. Sinubukan kong lumusot sa gitna nila pero may tumabig kaya dumiresto ang buo kong katawan sa sahig. Mas lalong lumakas ang tawanan nila kaya mabilis akong tumayo at tumakbo na.
Pinikit ko ang mata ko habang nakasandal sa nakasaradong pinto ng cubicle. The fear was always here. Takot akong mangyari uli 'yon pero mukhang ayaw akong tantanan ng malas.
Umuwi ako para lang magpalit dahil wala akong extrang dalang damit. At dahil kailangan kong magtipid ay nilakad ko mula sa university hanggang sa apartment. Mabuti nalang at mahaba ang vacant ko kung hindi ay kailangan ko pang magtiis ng panibagong oras bago makapag palit.
Nagising lang ako sa katinuan ng maramdaman ang pagdaloy ng malamig na tubig sa katawan ko. Muntikan pa akong mabuhal sa sobrang bilis ng aking pagtayo. Ng tumingin ako sa harapan para tingnan kung sino 'yon ay tuluyan na akong nanlumo.
"S-Samuel.." agad nag-init ang sulok ng mata ko.
Ngumisi siya ng mapansin ang itsura ko. "Oh, iiyak ka? bakla ka ba?"
Nalaglag ang puso ko sa sinabi niya kasunod ng malakas na tawanan ng mga nakarinig. Napayuko ako at pinigilan ang pagpatak ng luha. Mabilis kong kinuha ang mga gamit at patakbong lumabas ng canteen.
Bakla.. simpleng sabihin pero sobrang bigat sa pakiramdam. I'm gay yes, pero kahihiyan ang dulot n'on sa iba. And it hurts, kapag galing ang bintang na 'yon sa taong gusto mo.
Totoo naman Julian diba? Ano pa bang itatanggi mo?
Sinubukan ko namang kausapin sila para humingi ng tawad sa pinsalang nagawa ko. Pero ang hirap nilang kausapin, lalo sila Mason at Hunter na parehong madalang kong makita. Si Samuel.. hindi ko rin makausap ng maayos dahil baka may ibang mangyari.
Handa kong tanggapin ang galit nila sa akin, dahil alam kong may kasalanan 'din ako, ngunit alam kong hindi ko rin kakayanin dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

BINABASA MO ANG
The Obsession Of Triumvirate (Rainbow Series #1)
Teen FictionCOVER FROM PINTEREST The world seems turned upside down when the four of them collided. Everyday seems so painful, full of anger and curiosity. What will happened when Julian tried to fight the three gang leaders who's clearly have more power over...