FTMBD
Pupungas-pungas ako nang magising mula sa aking mahimbing na pagkakatulog. Tsaka ko pa lamang na-realize na nasobrahan na naman ako sa tulog at late na namang nagising.
Malalim akong napahinga dahil sa frustration. Kailangan kong ayusin ang habit kong ganito kung gusto ko pang pigilan ang katamaran sa katawan.
"In my defense, I overslept because of everything that happened last night," depensa ko sa sarili na para bang may umaaway sa akin kahit wala naman.
Umagang-umaga ay kabaliwan na kaagad ang tumatakbo sa utak ko.
Napangiwi ako, then went through my daily routine of working out and meditating. Habang ginagawa ko ang aking daily routine, bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi. Ang encounter ko sa dalawang animal.
Dalawa pa nga lang ang nakilala ko kagabi, tapos hindi pa gaanong mahaba ang encounter namin pero sumasakit na ang ulo ko... I wonder kung ano ang mangyayari if I were to encounter more? Yikes! Siguradong mauubos ang energy ko!
Mabuti nalang nakatulog parin ako nang maayos matapos ang malalim na pag-iisip kung ano ang sagot sa tanong ni Killian. Yah! Nababaliw ako sa mga animal na 'yon!
Though, alam ko naman talaga ang sagot sa tanong niya. Gusto ko lang talagang pasabugin ang utak ko sa kaka-brainstorm ng possible answers kahit may sagot naman na talaga.
Baliw nga kasi ako, ayon sa pagdadrama ni Olivia! Heh! Utak niya pasabugin ko, eh.
Napailing na lamang ako tsaka nabalik ang alaala sa totoong agenda ko kagabi kung bakit nasa loob ako ng hotel room at hinihintay ang pagdating ng mga lalaking iyon.
Yes, that was planned. Paano ako makaka-survive kung hindi naman iyon planado, right? Though I know my capabilities, tao parin naman ako na namamatay din kapag bala na ang pinag-uusapan!
Alam ko namang kaya ko ang mga iyon, pero dapat talaga may plano. And since everything was planned, I simply told Ian to wait outside the hotel room for backup. In case of emergency.
I actually stole their money without them knowing. Pero dahil matino ang pag-iisip ko, siyempre sinadya ko talagang mag-iwan ng kaunting traces sakanila para naman masaya ang buhay ko sa nobelang 'to.
The men who entered the hotel room without permission were part of the Flauntleroy Mafia Organization.
And yes, ninakaw ko ang perang ninakaw lang din ng matandang manyak na iyon sa mafia organization funds nila. Pretty clever, right? Sabihin niyong hindi, kamao ko kakausap sa inyo!
Mabagal kong sinusuklay ngayon ang mahaba at basang buhok ni Cosette na kulay dark brown, habang iniisip ang mga plano ko ngayong araw.
Honestly speaking, gusto ko lang talagang isipin ang mga ito at hindi na gawin. Tinatamad na naman kasi. Pero wala akong magagawa dahil sa araw na ito na magsisimula ang birthday banquet kung saan unang magtatagpo ang landas ni Sabrina at ni Cosette sa nobela.
Napatitig ako sa salamin at natigilan. Shit. Ang ganda talaga ng mukha ni Cosette. Hindi ko talaga pagsasawaan ang mukha niya. Gandang hindi nakakaumay!
Idagdag pa ang hugis ng katawan niya na hourglass. Her body looks so delicate na para bang kaunting maling galaw lamang ay mababasag siya.
Mataray ang facial features nito kaya kahit kalmado siya, she still has an intimidating aura.
Her sharp cat eyes, colored black irises, were often misunderstood by many people. Akala nila tinatarayan sila ni Cosette without knowing na 'yon na talaga ang resting face ng bruha.
YOU ARE READING
Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter
FantasyAlora is a renowned firefighter. She has extinguished many fires and saved numerous lives, but she has also witnessed and experienced heartbreaking moments, even though she tries to remain tough. However, she met her demise due to a bomb explosion...