FTMBD
Kagat ang kuko na pabalik-balik akong naglalakad paikot sa malawak na kuwarto kung saan ko natagpuan ang sarili ko. Nakahilata pa ako sa sahig kanina na para bang nahulog ako sa kama at nauna ang mukha dahil masakit din ang aking noo.
Hanggang ngayo'y iniinda ko parin ang sakit ng balakang at mukha ko. Pero wala doon ang aking atensyon.
Hindi ako mapakali dahil alam ko at sigurado akong namatay ako!
Sino ba namang normal na tao ang mabubuhay kapag binomba ng mga walang hiya, 'di ba? Kahit nga yata semento'y magkakalasog-lasog kapag binomba, anong laban ko na magandang tao lang?!
Aish! Iniisip ko palang na planado ang lahat ng mga superiors ko ay nanginginig na ang buo kong kalamnan.
Ngayong buhay ako't humihinga, sisiguraduhin ko talaga na babalikan ko ang mga 'yon! Lintik lang ang walang ganti!
Natigil ako sa pag-iisip kung paano ko papatayin ang mga hayop na nagtanim ng bomba sa aking sasakyan nang makarinig ako ng katok mula sa malaking pinto hindi kalayuan sa puwesto ko.
Nakatalikod ako sa parteng iyon kaya kailangan ko pang umikot para harapin ang babaeng pumasok na may nanlalaking mga mata.
Anong problema ng babaeng 'to at nakatulala na ngayon sa mukha ko? Nagmumukha na siyang kuwago dahil sa nanlalaki niyang mga mata.
Tsaka sino ba siya? Siya ba ang nagligtas sa akin mula sa bomba?
Nagligtas mula sa bomba? KALOKOHAN! Kahit pa yata si superman o batman ang magligtas sa akin, wala paring mangyayari dahil ubos na ang oras nang mapansin ko ang bomba. Baka sabay pa kaming sumabog kapag nagkataong iniligtas nga nila ako.
Sa oras na nakita ko ang bomba sa ilalim ng passenger's seat, pumasok kaagad sa isip ko ang lahat ng training na ginawa ko sa mga nagdaan na taon.
Dumaan nga ako sa nakakamatay na training, pero anong magagawa ng ilang taon na training kung bomba na ang kalaban? Isang kuha lang sa ring nito ay sabog na buong pagkatao mo. Yikes!
Kahit siguro nakasuot ako ng armor sa araw ng pag-bomba ay paniguradong pareho lang ang kahihinatnan ko- lasog lasog ang katawan.
So bakit nga buhay pa ako? Nasaan ako? Sino ang babae na 'to?
T--teka! Umiiyak ba siya?
"Uhm," hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Sa hitsura niya kasi ay para siyang nanay na nakita ang anak niyang gumising mula sa matagal na pagkakatulog. Para siyang iyong tipong magsasabi na "may himala!".
Tsaka hindi naman ako marunong mang-comfort. Sa tuwing nakikita kong umiiyak ang mga kakilala ko, either wala akong pakialam o kaya ay mumurahin ko lang ng mumurahin.
Eh bakit ba? Pinalaki ako na pagmumura ang love language namin ng tatay ko, eh. Though mahal talaga namin ang isa't isa.
'Bobita! Kaya nga love language kasi mahal niyo ang isa't isa? Edi sana hate language ang term! Aish! Ay ewan, basta 'yon na 'yon!'
"Miss, are you okay?" tanong ko dito.
Gusto ko nga sanang hawakan para lang icheck kung humihinga pa ba siya. Bigla kasing hindi na nagalaw. What if pala inatake na 'yan sa puso, edi naging kasalanan ko pa kung bakit hindi kaagad naagapan?
'Kung hindi ka ba naman tanga, Alora! Kita mo na ngang umiiyak ang tao tapos tatanungin mo pa kung ayos lang ba siya? Mukhang ang sarili mo ang kailangan mong tanungin, gaga!'

YOU ARE READING
Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter
FantasyAlora is a renowned firefighter. She has extinguished many fires and saved numerous lives, but she has also witnessed and experienced heartbreaking moments, even though she tries to remain tough. However, she met her demise due to a bomb explosion...