FTMBD
Kanina pa frustrated si Magdalena dahil sa naging resulta ng kaniyang attempt na pahiyain si Cosette. Palpak! Palagi nalang palpak! Magdalena wanted to humiliate her so badly. Kung hindi niya magagawa sa gabing ito, sisiguraduhin niyang mangyayari iyon!Nangunot ang noo ni Magdalena. Napahawak siya sa kaniyang tiyan nang may maramdaman na kakaibang pag-ikot dito. Para bang hangin na hindi niya maintindihan.
"W--What the fuck?" nahihirapan na bulong niya, habang nararamdaman niya ang pagtindi ng kaniyang sakit sa tiyan. Bumibilis narin ang kaniyang paghinga.
Bawat minutong lumilipas, lalo lamang lumalala ang nararamdaman ni Magdalena. Pawis na pawis na siya at namumutla na ang kaniyang mukha.
"A--Ahh!" nahihirapan na mahinang reklamo ni Magdalena, iniinda ang tiyan niya na lalong sumasakit. Halos humiga na siya sa sahig para lamang mawala ang pananakit nito.
Habang nasa gitna ng paghihirap, napatingin siya sa direksiyon ni Cosette. Nagulat siya nang makita itong nakamasid sa nangyayari sa kaniya na para bang isa itong spectator that's expecting a good show.
Binuksan ni Cosette ang dalang sling bag at palihim na pinakita kay Magdalena ang vial na wala ng laman na nagpalaki sa mga mata nito. Mas lalo din siyang namutla nang maalala na imbentor nga pala ng mga lason si Cosette.
Nilason ba siya nito? Anong ginawa nito sakaniya? Mamamatay na ba siya? Nasusunog na ba ang organs niya sa tiyan kaya sobra itong sumasakit?
"Y--You... you can't do this to me!" galit na bulong ni Magdalena ngunit hindi na siya pinansin pa ni Cosette na pasimple lamang na kumakain ulit sa dessert nito.
Hindi na niya kayang magpanggap na maayos, kaya't mabilis siyang tumayo't maglalakad na sana patungo sa restroom. Ngunit sa kasamaang palad, hindi na niya kayang makalayo pa dahil mas lalo lamang itong sumakit, para bang pinipiga ang kaniyang mga bituka na hindi niya maintindihan.
Napaupo siya sa sahig, hawak ang kaniyang tiyan at napapahiyaw sa sakit. Agad-agad siyang nilapitan ng kaniyang ina at ni Aino, nagtataka at nag-aalala sa kung anong nangyari.
May mga bisita narin na unti-unting lumalapit sa kanilang puwesto. Napatayo naman sa upuan si Prensley, nag-aalala din para sa anak. Siyempre, dahil ginagawa ng lahat ang kanilang best sa show na ito, tumayo din si Cosette and acted as a caring sister.
"Magdalena, are you okay?" tanong ni Olivia habang tinutulungan siyang tumayo.
"Magda, what's wrong?" nag-aalala na tanong naman ni Aino.
Groaning, Magdalena tried to speak to her mother and brother. "M--Mom, B--brother, I... I need to..."
Hindi pa man natatapos ni Magdalena ang sasabihin sana sa dalawa, nanlaki na ang kaniyang mga mata nang maramdaman niya ang paglabas ng hindi mapigilang utot.
Malakas ang tunog nito at malinaw kaya narinig iyon ng lahat ng naroroon. Ang mga mata ng mga tao ay napatingin sa kaniya, ang ilan ay nagulat, ang iba'y napahagikhik.
"Oh my, looks like Young Miss Magdalena is having an uncomfortable moment of her life hahaha!"
"This will surely be a trend hahaha!"
"It's so funny that her sister, who always creates funny trends, will now be replaced by her."
"Eww, what's that smell?!"
Dahil sa kahihiyan, napatayo si Magdalena, pilit na tinatago ang kaniyang mukha sa mga palad. "E--Excuse me," sabi niya, nagmamadaling tumakbo patungo sa restroom.
![](https://img.wattpad.com/cover/370776676-288-k516188.jpg)
YOU ARE READING
Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish Daughter
FantasyAlora is a renowned firefighter. She has extinguished many fires and saved numerous lives, but she has also witnessed and experienced heartbreaking moments, even though she tries to remain tough. However, she met her demise due to a bomb explosion...