Chapter Seventeen

298 26 8
                                    

FTMBD


Tahimik akong nakaupo sa table ng pamilya Cromwell, kasama ang Cromwell family. Katabi ko ang ama ni Cosette na si Prensley, na katabi naman ang asawa niyang si Olivia. Sa kabilang tabi ni Olivia ay sina Aino at Magdalena.

Ang malumanay na tunog ng mga kubyertos at ang mahina na ingay ng mga pag-uusap ay bumabalot sa paligid. Tahimik lang naman akong kumakain ng dessert na bigay sa akin ni Prensley.

Ngunit ang aking katahimikan ay biglang naputol nang isang boses ang umalingawngaw mula sa stage. Tumingin ako sa stage upang makita ang kapatid ng birthday celebrant na may hawak na mikropono at nakangiti habang binabati ang mga bisita.

"Good evening, everyone! I hope you're all enjoying the celebration tonight," panimula ng babae, ang kaniyang boses ay umalingawngaw sa apat na sulok ng event hall. Ang atensyon ng lahat ay napunta sakaniya, at ang buong hall ay natahimik dahil sa pag-aabang.

Nangunot ang noo ko nang mapansin kong tumingin ang babae sa stage ng direkta sa akin. May kakaiba sa way ng tingin nito na nakakabahala. Yikes! 'Wag naman sanang tama ang hinala ko.

"And now," patuloy ng babae, ang kaniyang tingin ay nakatuon parin sa akin. "I have a special announcement. This is a challenge for a particular lady here tonight, someone who I've heard is quite talented at singing."

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko na ang tinutukoy nito ay ako. Tumingin ako kay Magdalena na pilit pinipigil ang pagtawa habang marahang pumapalakpak.

Naningkit ang mga mata ko. Nakumpirma ko ang aking hinala— ito ay kagagawan ni Magdalena.

"I would like to challenge you, Miss Dulcinea Cosette Cromwell, to sing an impromptu song for my little sister, the birthday celebrant. If you manage to impress us with your performance, I will reward you with all the money I have in my bank. Come up on stage now, Miss Cromwell."

Tumaas ang kilay ko. Does she expect me to go with the challenge just for her little money? 'Di man lang ba pumasok sa utak niyang mas mayaman ang pamilya na kinabibilingan ko kesa sa kaniya? She's full of herself, huh.

Napuno ng usapan ang buong hall habang nakatingin sa akin. I felt the weight of their gazes, and my initial shock turned into irritation.

Tiningnan ko si Prensley nang magsalita ito sa tabi ko, may kunot sa kaniyang noo.

"What is she talking about, anak?" tanong nito sa mahinahon na paraan, halatang naguguluhan sa biglaan na announcement.

Same, Prensley! Nabigla din ako. Buwesit talaga sa buhay iyang anak ninyo ni Olivia. Salot sa lipunan, eh.

I shrugged, trying to maintain my composure. "Beats me," tanging sagot ko bago binalik ang atensyon sa stage.

It made him confused even more. Kahit ako din naman ay naguguluhan din, eh. Ano kayang pinakain ng witch na Magdalena na 'yon sa babaeng 'to at naniwala naman? O baka naman uto-uto lang talaga ang babaeng nasa stage?

'So this is your game tonight, Magdalena? How boring! Akala ko pa naman masisiyahan ako! Tss, tss, how disappointing'

Is this already her attempt to humiliate me? Yah~ She should try harder. Mas maganda pa yata ang plano ko, eh. I hold back the smirk na gustong kumawala sa aking labi.

Tumayo ako na kumuha sa atensyon ng lahat ng mga mata mula sa apat na sulok ng hall. Lalong lumakas ang bulungan habang naglalakad ako papunta ako sa stage, head held high and with an air of confidence.

I elegantly went up the stage, as what she had told me to do. She looked at me from head to toe, then back to my face. I mentally smirk.

Siguro 'di niya nakita kung gaano kaganda ang mukha at hubog ng katawan ni Cosette dahil nakaupo ito kanina, at hindi abot ng liwanag ang table ng Cromwell.

Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss' Foolish DaughterWhere stories live. Discover now