Prologue

19 7 1
                                    

Whispers of Desires and Fears


- - -


MADILIM ang paligid at ang tanging nakikita ko lamang ay ang masikip na daang walang hanggan kong tinatahak.

Napahinto ako sa paglalakad at tuluyan nang napasalampak ng upo dahil sa pagod. Luminga linga ako sa paligid na tila may humahabol sa akin. Habol-habol ang hininga at ramdam ko na rin ang panghihina ng aking katawan......

NAPABALIKWAS ako ng bangon at humahangos. Inabot ko ang isang babasaging baso at dahan dahang nilagok ang laman nitong maligamgam na tubig.

Bangungot na naman.....

Nitong nakaraan ay gabi-gabi na akong nananaginip ng mga makapanindig balahibong kaganapan. Minsan na akong nanaginip na may sumaksak sa aking likuran, minsan naman ay tinuklaw ng ahas, nahulog sa bangin at marami pang pangyayaring kahit kailan ay ko namanlang naisip na maaari kong mapanaginipan.

Masyado siguro akong napagod dahil sa sunod sunod na projects and other activities in school. Wala na nga akong oras para makapag-unwind manlang. Ganitong sakripisyo talaga ang pagdaraanan mo if you want to become this year's valedictorian, especially if marami kang competitors.

Napabuntong hininga nalang ako at bumangon na sa aking kinahihigaan at kinuha na ang bath towel ko.

SAKTO alas otso na nang makarating ako ng school. Wala parin ang first subject teacher namin.

"Ang pangit naman ng dream ko! Naging kami raw ni Nicko pero nambabae naman siya. Kaya mag s-settle nalang siguro ako kay Drake." Rinig kong chika ni Rhea, isa sa mga bestfriend ko.

"Me too, I was sent to jail. Like what? I don't even know what I did!" segunda naman ni Jolina. Isa ko pang bestfriend.

"Ako, nasa Seoul daw ako tas nagkausap kami ni Lee Min Ho!" Kinikilig na sabad ni Jovina, "pero alam ko naman na imposibleng mangyari yun" bawi niya, pinanghihinaan ng loob.

Jolina and Jovina are identical twins, but opposite vibes. Kung si Jolina ay Inglesera, si Jovina naman ay ala-Maria Clara.

"You ba?" Untag sakin ni Jolina. "Did you have a dream last night?"

Napailing ako. "Wala" malamig kong tugon. I don't want to tell them about my nightmare.

"Talaga ba? You know that according to science, 'a person who doesn't have dreams when they're asleep are the person who suffer from depression'? Well, I am expecting that you already know about it" lintaya ni Jolina.

"Dreams reveal our desires, but they also expose our fears. Kaya ayokong magkuwento dahil ako mismo hindi ko alam kung anong klaseng panaginip ba ang meron ako. It's complicated." agap ko habang patuloy na nagsusulat sa notebook ko.

Natahimik naman sila at sakto lang dahil dumating na ang first subject teacher namin.

NAGING mabilis ang pagdaan ng oras. Natapos na an klase maghapon. Pauwi na ako ngayon.

May nadaanan akong grocery store at sakto naman ang pag alburuto ng aking tiyan. Kaya wala na rin akong nagawa at pumasok na ako para na rin bumili ng dinner ko.

Una kong kinuha ang isang C2 green apple flavor at tatlong skyflakes. Kumuha na rin ako ng dalawang pack ng pork at chicken leg, pati narin ang iba pang gagamitin kong sahog sa lulutuin kong adobo. Kumuha narin ako ng gummies and chocolates, ice creams, and noodles pang midnight snack dahil nag p-part time din ako bilang digital associate at freelancer, at bawat kinikita ko ay ipinang susuporta ko sa sarili ko para na rin hindi na ako pabigat sa mga magulang ko na ngayon ay naroon sa probinsya at naghahanap na naman ng bibilhing lupa para gawing farm, though I am an only daughter of my loving parents.

My mother is a chef pero nag resign na siya sa pinagtatrabahoan niyang five star hotel dahil sumama siya kay papa sa pagnenegosyo nito. My father is an agriculture entrepreneur. We're part of the middle class family and I think I am already contented with that.

Ellie Writes

Dream and DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon