Chapter I

27 6 0
                                    

Alive with Wishes, Missing Pieces

_ _ _

PAGKATAPOS kong bumili ng mga makakain ay dumiretso narin ako sa katabing mini stationary haul. Para siyang mini mall na ang mga ibinibenta lang ay puro mga office at school supplies, mga libro kagaya ng pocket books at iba pang pang-aliw.

Pagkapasok ko palang sa sliding door ay bumungad na sakin ang nakangiting si Cherry Rose, anak ng may ari ng haul. Regular costumer ako rito kaya nagkakilala narin kami. Homeschooling siya dahil sa patuloy na recovery ng katawan niya, ilang linggo palang kasi simula nung makalabas siya ng ospital matapos ang ilang chemotherapy dahil sa breast cancer.

"Oh, antagal mong hindi nagpakita rito ah" bungad niya sakin.

Nagkibit balikat naman ako, "No choice, may biggest goal ehh..." makahulugan kong tugon, napailing-iling naman siya habang mahinang natatawa. "May sale ba kayo ngayon?"

"Yes. Mga lapis at ball point pen, mabilis kasi ang bagsakan ngayon." Sabay turo sa kung saan nakatambak ang mga panulat.

Agad naman akong nagtungo roon at kumuha ng isang dosenang ball point pen, apat bawat kulay, asul, pula at itim. Kumuha rin ako ng apat na lapis, dalawang sharpener at apat na eraser. Humugot na rin ako ng isang ballon ng yellow pad at isang purple highlighter, paubos na kasi yung mga highlighter ko kahit minsan ko lang naman talaga ginagamit. Ewan ko ba, basta minsan ko lang magamit pero kapag ganun halos kalahati ng ink ang nauubos sa bawat pagsulat ng notes.

Pagkatapos kong mamili ay dumiretso na ako sa counter.

May inilapag na isang pocket book si Cherry. "Freeby 'to, nag-sale rin kasi ng 60% off yung publishing company. Gold edition 'yan."

Gold edition 60% off? Ganun na ba karami ang ibinagsak ng publishing company para maging ganun kalaki ang discount? O promotion ngayon?

Napangiti naman ako. Nakakatuwa talaga dahil di ko akalain na patuloy parin sa paglimbag ngayon ng mga ganito kahit uso na ngayon ang mga digital books, especially audio books. Nakakatuwa dahil mayroon paring tumatangkilik sa mga pocket books, children's books, novels, short story compilations at iba pa.

PASADO ala-syete y trenta na akong nakarating sa bahay. Ito ang ibinili sakin ng papa ko nung grumaduate ako ng elementary, valedictorian ba naman. Pero kay mama ang titulo, hindi pa raw pwede yung sakin dahil minor de edad pa ako. Dito naman sila nakatira nung junior high pa ako pero umalis na sila nung tumuntong na ako ng senior high. Isa sa mga weird beliefs ni mama yung kapag 18 years old na tas nakatira parin sa bahay ng mga magulang ay nakakadagdag na ng pabigat sa lipunan.

Maliit lang ang bahay, sakto sa tatlong taong titira. Dalawang magkatabing kwarto, sala, dining area, kusina at banyo. Ngayong mag-isa na lang ako, ang kwarto nila mama ay buwan buwan kong nililinisan kahit imposible naman na silang matulog pa rito.

Nagluto na ako ng ulam para sa hapunan ko at binuksan ko na rin ang laptop ko para magsimula nang magtrabaho. Sakto alas otso na at nagsimula narin akong makipag-usap sa mga kliyente through chat, hindi naman kailangan na oncall talaga ang conversation namin ng kliyente. Ipinadala ko na ang mga activity and meeting schedules nila na inayus ko kagabi habang hinihintay na maluto ang adobo.

Ilan saglit lang ay napatigil ako sa pagtatrabaho nung biglang tumunog ang Samsung Galaxy A50s ko.

"Konbanwa, Kezira. I just wanna invite you sa birthday ko next week monday. Please pumunta ka. I'll make sure na mag-e-enjoy kayong lahat" dire-diretso bungad sakin ni Shikaina Lim, classmate ko.

Translation: Konbanwa - Good evening

"May klase tayo niyan." tugon ko, alam niya ang ibig sabihin nito.

Dream and DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon