Chapter V

1 1 0
                                    

Courage and Doubts in Dreams

_ _ _ _ _

"OWEMJI!!! Pogi talaga ng cousin nila Jolina noh! Crush ko na siya!" Tili ni Shikaina sa tabi ko.

"Announcement ng result ngayon, lalaki pa rin ang iniisip mo? Are you that too confident? Malasin ka sana." Pagsusungit ko sa kanya, at ipinagpatuloy na ang panglilista ng mga ihahanda kong kagamitan para sa second semester.

Nakaupo kami ngayon sa umbrella na paborito naming tambayan. Dito narin kami magpapalipas ng oras tutal isang oras nalang din at ipapatawag na rin kami ng class president namin.

"Grabe ka naman, malasin agad? Kapag talaga bumaba yung scores ko, kasalanan mo" tugon niya sakin, nakahawak pa ang isang kamay sa dibdib. "Siguro masama yung tulog mo noh?" Dagdag niya.

"Palagi naman" at agad akong natigilan nang maalala ang panaginip ko noong nakaraang gabi.

"Oy,oy,oy...... Ano 'yan? Are you blushing?" Pansin sakin ni Shikaina.

Agad naman akong napailing-iling at nilingon siya, nanunukso ang mga tingin niya. "H-ha? Wala naman. Init lang siguro to" sabay paypay sa sarili ko gamit ang kamay ko.

Nakita ko siyang napangisi, binigyan ko naman siya ng nagtatanong na tingin. "Kanina pa tayo rito, ngayon kalang tinablan ng init? Ano 'yan, ultra late body reaction?"

Napayuko ako, wala na akong choice. Matalino si Shikaina, at hindi ko siya kayang linlangin. "Naman kasi......" panimula ko.

"Kasi....." interesadong aniya, mas dumikit pa sa akin. Ipinangalumbaba niya ang sarili at tumitig sa akin na tila nabibighani sa isang maliwanag na bituin. Nakikita ko pa ang spark sa mga mata niya, halatang interesado talaga.

Napabuntong hininga ako, "Nanaginip kasi ako, nung unang gabi. Pero hindi kasi siya normal..... I commonly had nightmares, but last night it was very different......" aniko.

"Ano bang napanaginipan mo?"

"I dreamt of a guy,...... a faceless guy rather." Madiin kong saad. At ikinuwento na sa kanya ang buong detalye ng panaginip ko.

Pagkatapos kong ikinuwento ang lahat ay isang namamanghang reaksyon ang natanggap ko mula sa kanya.

Nakatakip ang mga palad niya sa kanyang bibig at paulit-ulit na inuusal ang katagang "as in?" Habang patuloy naman ako sa pagtango.

"Maybe that was your deepest desire" aniya.

"No! Ofcourse not! Kahit kailan ay hindi ko pinangarap magkaroon ng lalaki sa buhay ko maliban kay papa!" Depensa ko.

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at nangalumbaba ulit. "Maybe it's something that's missing..... you know, hindi ka ba nagtataka? Your life is so boring, kumbaga sa cupcake pa 'walang icing', maybe you need to put some sweets on it diba?" Opinyon niya. "Why don't you give it a try? Perhaps, wala namang mawawala kung mag-t-try ka" dagdag niya.

"But it's just a distraction......"

"Love was never been a distraction. It's up to you on how you handle your emotions" putol niya sakin. "Kez, in dreams we find the courage to pursue what we wished for and the shadows of our doubts. I bet, hiniling mong maging masaya. Yung totoo, as in tunay. Yung hindi peke, yung hindi kunwari."

Natahimik ako.

"Hindi ko nga alam kung ano ba yung reason mo why you're really striving for that 'valedictory' thing, well infact, your parents doesn't pressure you at all. I don't know where did you find the courage to pursue such things without any particular reason or a particular goal..... don't tell me, kahit ganyan na ang naabot mo, you are thinking that you're still not enough? You're doubting yourself na hindi ka pa rin magaling." Mahabang lintaya niya.

Dream and DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon