The Life I've Wanted
_ _ _ _ _
PAWISAN akong lumabas ng tahanan kaninang unti-unti nang nilalamon ng apoy ang kusina.
"Jesus! You're so kind to us! Kezira!" bungad sakin ni Shikaina.
"My goodness heaven and the earth, what's got into your mind at sumuong ka sa sunog?!" Jolina added. Si Jovina ay tahimik lang at abala sa pagsusulat sa journal niya, mga journalist nga naman. Hindi pa siguro nakakapansin sakin. Habang si Rhea naman ang nakikipagpanayam sa mga bumbero, siya naman kasi ang magaling pagdating sa mga ganyan.
Maya-maya pa ay naramdaman kong may lumapit sa akin mula sa likuran.
"Miss, ano pong pangalan mo?" interview sakin ng isang babae na nakasuot ng isang collar shirt na kulay gray, may nakasabit na ID sa leeg niya at nakita ko ang logo ng school namin at ang 'Press' sa baba nito. Tinakpan ko naman ang mukha ko nang mapansing may nakatutok na camera sa gawi ko.
Hinarang naman ni Jovina nag reporter. "Megs, ilap siya sa mga gan'to. Huwag mong pilitin." aniya rito, napatango naman ito. Kasamahan pala niya, hindi naman maikakaila dahil sa taglay nitong ganda at puti kagaya ni Jovina.
Requirements din ba na kailangan stunning ang appearance ng mga journalist namin sa school? Siguro. Nakakainsecure naman ang ganda nito.
"You know what? You should be the captain of this village, and I notice that you don't have gates in the entrance and exit." singit ni Jolina.
"Jusko, pinagpalang Jolina. Barangay 'to, hindi katulad ng dibisyon niyo." sagot ni Rhea sabay iling-iling.
Hinarap ako ni Jovina. "Ano ang opinyon mo sa nangyari?" alam ko, pasimpleng interview 'to.
Napahilamos ako sa mukha at biglang humiyaw. "My goodness, Phi-lipinas!!!! Ang liit-liit palang ng apoy wala na kayong ginawa. Instead, you capture the moment and just panicked. It's not how you react to the situation, but it's how you respond to it. Kaya di tayo nakakabangon ehhh" tadtad ko. "Nakakadisappoint" dagdag ko.
"Grave.... as in puntod. Ganyan ba ang nagiging effect sa mga dumaan sa isang sunog?" biro ni Rhea.
Biglang lumapit naman si Megs kuno, wala na itong kasamang photojounalist. "Bakit mo naisipang suongin ang apoy?"
"Ang mga gamit ko, ayokong mawala nalang ito dahil sa kapabayaan ng iba." tugon ko.
"Kez.... ang harsh mo magsalita" saway sakn ni Shikaina.
Hindi na ako sumagot pa at dumiretso na sa bahay. Alas dos palang ng madaling araw, sumunod na rin sila Jolina.
Nang makapasok kami sa bahay ay dito ko napansin ang mga hitsura nila.
Si Shikaina ay nakasuot ng baby blue and white stripe-horizontal pajamas, si Jolina naman ay nakabloody-red nighty dress na hanggang taas lang ng tuhod ang haba kaya lantad ang maputi nitong kutis. Habang si Jovina at Rhea naman ay nakacollar shirt at fitted jeans pa, mukhang ginabi sa school. Si Jovina ay isang journalist habang si Rhea naman ay isang secretary ng student council. Kaya siguro nakatunog sila sa pangyayari dahil gising pa ang mga ito.
Pabagsak na humiga si Shikaina sa sofa, nakadapa siya. "Dito ko nalang itutuloy tulog ko. Incase for aftershocks" aniya.
"Sunog yun, not earthquake." sagot ni Rhea. Kibit-balikat lang ang tugon sa kanya ni Shikaina.
Walang nagawa ang lahat kaya napagdesisyonan naming dito nalang sa sala matulog, dinala ko ang kutson ng kama ko at doon kami nagtabi-tabi. Tutal wala namang pasok this week, sembreak.
BINABASA MO ANG
Dream and Dreams
Teen FictionKezira, a high school student running for valedictorian. She always believes that every dream will come true kung pagsisikapan mo ito, and connecting your dreams when you're asleep and your dream in reality is the best way to achieve your goals. And...