A/N: Again this is your lovely Ellie, I suggest na pakinggan niyo yung 'I need you' by Leann Rimes while reading this. But, if hindi niyo trip it's fine. Lovelots, mwa!💞
Not Just a Dream
_ _ _ _ _
PALAKPAKAN ng mga taong nasa loob lang ng auditorium ang namumutawi sa oras na ito dahil tatawagin na ang valedictorian para sa words of gratitude. Inayus ko na ang sarili ko at malapad na ngumiti.
"May we call in, Mister Antonio Javier Vaughnville for his words of gratitude." anunsyo ng emcee.
Wait, what?!........
Patuloy pa rin ang palakpakan ng mga istudyante, mga guro, mga magulang, mga bisita at mga manonood.
No, this cannot be......
Nakita ko namang naglakad na si AJ sa entablado na may malapad na ngiti.
This is not happening.......
Napayuko ako at sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga luha ko.
I failed...... I am a failure......
"Sometimes, our dreams feel so real that waking up is the hardest part......... but sometimes, a relief."
Napatigil ako at dahan-dahang tumingala. Kumabog ng mabilis ang puso ko. Nakatingin siya sakin, nakangiti.
"Kezira, wake up." aniya na nagpagulo sa isip ko.
Nananaginip ba ako?
NAPABALIKWAS AKO ng bangon at napatulala sa kawalan. What was that?.....
Agad kong inabot ang phone ko at tinawagan si Rhea.
"Goodness Kezira. Alas kwatro palang ng madaling araw at nanggigising kana. Ganyan ka ba ka-excited?!" iritadong bungad sakin ni Rhea mula sa kabilang linya.
"Rhe, ako ba talaga yung valedictorian?" kabado kong tanong.
"Hrrrgh! Malamang! Para saan pa yung pinahandang speech ni ma'am sayo kung hindi?!"
"Nanaginip kasi akong si Antonio raw yung valedictorian....."
"That trust issue of yours. Kaya nadadala mo na pati sa pagtulog mo. Look, Kezira. Ikaw yung valedictorian ng batch natin ngayon, huwag ka nang mag over think. Just relax and rest. 9am pa yung start ng ceremony."
"Sigi, sigi. Salamat, bye." aniko at ibinaba na ang linya.
NAPAKABILIS ng pagdaan ng oras. Ngayon ay nakaupo na kaming magkakaibigan sa unahan at nakikinig sa motivational speech ng guest speaker.
May tatlong parte ang pagkakaorganisa ng mga upuan. At nasa gitna kaming mga Top 25. Samantala ang nasa gilid ay pinuno ng iba pang graduates mula sa iba't ibang strands. Masasabi kong bongga ang disenyo ng venue, hindi ba naman naging kuripot sa pag ambag ang parents ng lahat ng istudyante ng school na 'to. Kahit yung parents ko ay hindi nagpahuli, hindi nila sinabi sakin kung magkano ang iniambag nila pero rinig ko kay Rhea ay malaki raw ito. At nandito silang dalawa ngayon, hindi ko lang alam kung saan ba nagsusuot ang mga iyon.
"Si Carlo pala?" rinig kong tanong ni Shikaina, nakatingin siya sa gawi ni Jolina. Pinagigitnaan namin ni Shikaina si AJ habang sunod sunod naman sa Top 3 to 6 ang mga bruha. Hindi tuloy ako makasali sa chismis nila.
"Ayon, nagbirthday sa kulungan." tugon naman ni Jovina.
"Kung kailan pa kasi nag-18, saka pa gumawa ng krimen. Astig ng birthday gift niya." ani Rhea.
BINABASA MO ANG
Dream and Dreams
Teen FictionKezira, a high school student running for valedictorian. She always believes that every dream will come true kung pagsisikapan mo ito, and connecting your dreams when you're asleep and your dream in reality is the best way to achieve your goals. And...